Chapter 26

474 18 0
                                    

=Heilly Pov=

Dalawang araw na ang nakakalipas simula ng magising ako. At hanggang ngayon ay wala paring Drea ang nagpapakita sa'min.

May tatlong araw pa kami bago mag sabado, at sa araw na 'yun ay saka kami kikilos.

Alam kong dapat ng noong malaman naming nawawala na si Drea ay hinananp na namin siya, pero hindi ko alam pero parang may nag sasabi sa'king...

Huwang munang hanapin si Drea.

Hindi ko alam kung bakit, pero naniniwala naman ako sa instinct ko na kung na saan man ngayon si Drea ay nasa mabuting kamay siya.

Pero na saan ba talaga----

"Heilly!".

Nabalik ako sa realidad ng biglang marinig ang pangalan ko.

Binalingan ko kung sino ang tumawag sa pangalan ko. Ganoon na lang pag kunot ng noo ko ng makitang si Klein 'yun.

Yeah si Klein Lim...

Nasa hallway ako kaya hindi ko maiwasang mainis kay klein, ng dahil sa kaniya panigurado magkakaroon na ako ng issue na 'to sa school.

Aishh...

Hindi ko man lang napansin na nakalapit na pala siya sa'kin.

Nagulat pa ako sa ginawa niyang paghawak sa noo ko. Rinig ko rin ang pag singhap ng mga kapwa ko studyante dahil sa ginawa niya.

"Ayos ka na ba? Wala ka na bang sakit? May masakit pa ba sa'yo?"

Sunod-sunod na tanong nito. Bahagya Pang napaawang ang bibig ko dahil sa sunod-sunod na tanong niya.

Mukha namang napansin niyang hindi ko alam kung anong uunahin kong sagutin sa tanong niya kaya nahihiyang napaiwas siya ng tingin.

*clear throat* "I-im sorry. Pinapatanong kasi ni Manager kung maayos k-ka na kaya ng makita kita agad kitang tinanong."

Mukha naman siyang nagsasabi ng totoo kaya sinagot ko na ang mg tanong niya.

"Magaling na ako kaya pakisabi sa Manager mo na salamat sa pag-aalala."

Nakangiteng tugon ko. Kita ko pang nagulat siya pero kaagad din itong nawala ng ring na ang bell hudyat na magsisimula na ang klase.

Balak ko na sanang umalis ng bigla akong pigilan ni Klein.

"Why?". i asked.

"Sabay na tayo."

"Okay."

Wala kaming imikan ni Klein sa paglalakad hanggang sa marating namin ang room na pinapasukan ko.

Nasa unahan pa ang kanila kaya mauuna talaga akong makapasok sa sa room namin.

Akmang papasok na ako ng muli akong pigilan ni Klein.

"Ano?"

"Ayos lang ba sayo na sumabay sa'kin sa pag lunch? N-nag padala kasi si Manager ng lunch para sating dalawa."

"Okay." Direktang sagot ko.

Para namang lumiwanag ang mukha niya dahil sa naging sagot ko.

Ngumite ito ng malapad sanhi para kiligin ang mga kaklase kong kanina pa nakiki tsismis sa'min.

"Wahhhhh ang gwapo ni Fafa Klein."

"Sh*t! Nakakainlove guys!"

"Bagay sila ni Heilly!"

At kung ano-ano pang kabaliwan ang narinig ko sa kanila. Napailing na lang ako dahil do'n.

"Susundiin na lang kita dito mamaya." Tumango ako kaya tumalikod na ito... Nakakailang hakbang palang siya ng humarap ito sakin at sinabi ang mga katagang nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"Anyway, they're right, BAGAY TAYO."

••••••••••••••••••••••••••••

A/n: sorry guys late update.

The Daughter Of The Queen of VampireWhere stories live. Discover now