Chapter 53

339 17 0
                                    

=Heilly Pov=

Nasa kuwarto lang ako mula ng dumating ako dito sa palasyo. Iniisip kung anong gagawin para mamayang gabi.

Iniisip ko rin kung ano ng ginagawa nila Ella para sa mission nila. Alam ko kung sinong suspect ang nasa isip ni Ella.

Kilala ko siya noon pa kaya kahit hindi niya ipaalam sa'kin ang plano niya ay alam ko ang gagawin niya.

Hindi ko lang alam kung paano niya sisimulan ang mission niya lalo na at mailap ang suspect niya.

Maging ako ay siya rin ang nasa isip kong may pakana ng mga threats na natatanggap ko. Gustuhin ko mang gumalaw ngayon ay na postpone pa dahil sa pesteng meeting fiancee ko kuno mamaya.

Isa pa 'yan sa kinaiinisan ko! Tatakas sana ako para tunguhin ang lungga noon ni Draco pero naisip ko na bukas na lang.

Bibisitahin ko lang ang palasyo ni Draco kung sino na ngayon do'n ang namumuno. Pero siguro ang anak ni Draco ang pumalit sa kaniya?

Speaking of Anak. Nalaman ko lang na may anak si Draco ng marinig ko ang tsismisan ng mga katulong dito sa palasyo.

Na curious ako kaya pinakinggan ko sila hanggang sa matapos silang mag tsismisan.

Ayon pa sa narinig ko ay wala pa daw nakakakita ng mukha ng prinsipe. Pero ang sabi daw ay lalaki ito.

Mukha atang pinlano na ito ni Draco simula palang. Tinago niya ang anak niya para kung sakaling mamatay man siya ay may maghihiganti sa kaniya.

Pero... Paano kung tinago ni Draco ang anak niya ay dahil ayaw niya itong makilala bilang anak niya?

Eh paa---

Natigil ako sa pagiisip ng may kumatok sa pinto ko.

"Come in."-Ani ko.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Mom na nakangiti. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang may hawak na isang dress. Blackless ito hanggang tuhod ang haba niya. Color dark red ito na siyang kinagusto ko.

Hindi siya revealing. Tanging ang likod lang talaga ang kita.

"Wear this after okay?" Tumango lang ako kay Mom. Lumabas narin si Mom matapos niyang ibigay sa'kin ang susuutin ko mamaya.

    
                          ******

"Are you ready?" Dad asked then i nodded.

Nasa harapan kami ngayon ng palasyo ng Firean. Dito raw kasi nakatira yung papakasalan ko.

Medyo familiar sa'kin ang lugar. Feeling ko ay matagal na akong nakapunta dito.

Iwinaksi ko ang laman ng isip ko ng makapasok na kami sa loob ng palasyo. Dinala kami ng isang katiwala nila sa dining hall kung saan naabutan namin do'n ang mag asawang nakangiting sinalubong kami.

"Good evening Queen, King." Batian nilang apat sa isat-isa.

Bahagya pa akong nagulat ng bigla akong yakapin ng Reyna ng Firean. Nahihiya man ay yumakap ako pabalik sa kaniya.

Nauna siyang bumitaw sa pagkakayakap at hinawakan ang kamay ko.

"Your so gergous, ijah. And I'm happy to see you again."

Balak ko sanang mag tanong tungkol sa sinabi niya ay hindi ko na nagawa ay dahil inanyayahan niya na kaming umupo.

Again? Anong ibig sabihin niya do'n?

"Queen Kleah, Where's your son?"- Tanong ni Mom.

Excited ba si mom na makita ang Fiance ko kaya nagtanong agad siya?

Edi sana ol.

"Oh sorry, Miranda pakitawag ang anak ko."

Makaanak naman ito akala niya naman may aangkin. Psh. Ganito ba talaga ant mga reyna?

"Mom, mag c-cr muna ako." Paalam ko kay Mom. Mukha namang narinig yun ng Reyna kaya pinasamahan niya ako sa isang katiwala niya dito sa palasyo.

Nabasa ko pa ang nasa isip niya bago ako makapasok sa cr.

*ang ganda niya, bagay sila ng prinsipe.*

Pag pasok ko sa Cr ay tinignan ko lang ang repleksyon ko sa salamin. Matapos kong mag sawa sa mukha ko ay agad din naman akong lumabas ng cr at bumalik sa dining area.

Mula sa kinalalakaran ko ay may nakita akong isang lalaking nakasuot ng Tuxedo. Nakatalikod siya kaya hindi ko makita ang mukha niya.

"Oh, your here ijah. Son, Meet your Fiance."-- Ani Reyna Kleah. Tumayo ang lalaki sa pagkakaupo.

Para pang nag slow motion ang pag ikot niya.

At gano'n na lang ang gulat ko ng mamukhaan kung sino siya!

"KLEIN?!"

"HEILLY?!"

Oh doomed!

The Daughter Of The Queen of VampireWhere stories live. Discover now