Two Hours More - One

58.5K 344 40
                                    

Jam's POV

Friday.

Nasa school ako dahil dumating ang may-ari ng school namin. Kaya kinailangang mag-conduct kami ng program para sa kanila. Officer kasi ako kaya dapat nandito ako. Pagkatapos ng program, mag-isa lang ako noon sa isang mesa sa isang tagong garden sa school namin nang may biglang tumawag sa akin.

"Hi Jam."

Lumingon ako. Si Hiro? Biglang bumilis na tibok ng puso ko. Anong ginagawa n’ya dito? Nakatingin lang ako sa kanya. Parang hindi ko s’ya magawang batiin kasi ayokong malaman n’ya na alam ko o tanda ko pa ang pangalan n’ya. Ewan ko ba kung bakit ko naisipan ‘yon. O siguro, dahil sa mukha n’ya ang nasa harapan ko kaya nakatingin lang ako. Star struck.

"Ah, anyway, I'm Hiro. Remember, ‘yong sa wedding last week?" Medyo parang nahihiya pa ang tingin n’ya sa akin. Iniabot n’ya ang kamay n’ya sa’kin. Ngumiti naman ako at nakipag-shakehands.

Umupo s’ya sa katapat kong upuan. Tahimik lang kami na para bang sobra sobra ang pagkakahiyaan sa isa't isa. Miya-miya, nag-abot s’ya sa’kin ng white roses.

"Jam, I'm sorry about last Saturday."

"Hayaan mo na ‘yon, dapat ‘di ka na nag-abala." I made a gesture na para bang tinatanggihan ko ‘yong binibigay n’ya.

"Halata naming galit ka pa e. Sorry na talaga. Please?"

"Halata?"

"Oo. See, ayaw mo ngang tanggapin ‘tong peace offering ko."

"Hiro, alam mo, kahit wala naming peace offering, okay na ako."

"So please, accept this kung hindi ka na talaga galit. Please?" Nakatitig talaga s’ya sa mga mata ko. Punong-puno ng sincerity ang mga mata n’ya. Halos matunaw naman ako.

Sa totoo lang, ayokong nakakatanggap talaga ng flowers or gifts. Kailangan ko pa kasing maipagsisiksikan ‘yon sa bag ko pauwi para hindi makita ni Daddy at hindi n’ya ko pagalitan. Kung kasya sa bag ko, ayos pa, pero pag hindi lagot na ‘ko kay Daddy ‘pag nakakita s’ya ng ganon. Kung kasama ko pa sana si Mommy ngayon e ‘di may kakampi sana ko sa mga ganito. Kaso, kasama na s’ya ni Lord ngayon, kaya solo ako pagdating sa mga ganitong usapan.

"Ayoko kasi ng mga gifts e. Pero okay na talaga. You're forgiven."

"E ‘di, itatapon ko na lang pala ‘to."

"Ha?" Nandulat ang mga mata ko.

"E aanhin ko to, para nga to sa'yo?" Lumakad s’ya papunta sa pinakamalapit na basurahan. Hinayaan ko lang. Tapos iiitsa n’ya na nga doon ‘yong white roses. Tototohanin nga!

"Teka, teka! Sige na nga." Lumingon s’ya sa’kin at ngumiti.

"Talaga?" Para s’yang bata kung makangiti. Tapos bumalik na s’ya sa inuupuan namin.

"Thank you pala dito."

"Thank you? Peace offering kaya ‘yan, bakit ka nagte-'thank you'?"

"E, syempre ---"

"Okay lang. Sorry talaga ha. Sana hindi ka na galit."

"Hindi naman talaga ko galit e. Inis lang, pero okay na ko, okay?"

"Good to hear that. Promise Jam, I'll make it up to you. Babawi talaga ko."

 Nang gabing ‘yon, buang lang ako sa kwarto ko. Hindi ko pa rin makalimutan ‘yong unang beses na nagkausap kami ng crush ko. Parang noon, sa panaginip lang pwede, pero kanina naging totoo.

"Promise Jam, I'll make it up to you. Babawi talaga ko."

"Promise Jam, I'll make it up to you. Babawi talaga ko."

"Promise Jam, I'll make it up to you. Babawi talaga ko."

I can make a song out of these lines because these sound like music to my ears that I will never get tired of listening to. Hindi ko talaga makalimutan ‘yong lahat-lahat kanina.

Pero napaisip ako bigla. Promises? Kelan ba ko naniwala sa mga promises? Noon, oo, pero ngayon, hindi na.

"Promise maghihintay ako."

"Mahal kita. At willing akong maghintay kahit gano katagal, promise."

"Ha? Bawal ka pa pla? Wala ‘yon, andito pa rin ako for you, promise."

Naniwala ako sa mga nagsabi ng mga pangakong ‘yon dahil bata pa ko noon. At pangalawa, crush ko kasi silang lahat na nagsabi no’n. Tapos mga sinungaling naman pala sila. Kaya there's no way na mauuto pa ulit ako. And this time, kahit na walong buwan ko nang crush ang nagsabi sa’kin nitong isang pangakong to, hinding hindi ako maniniwala hangga't hindi n’ya napapatunayan. That's final!

Two Hours MoreWhere stories live. Discover now