Hiro's Letter

27.1K 155 36
                                    

My Princess,

We were once complete strangers, but now, we’re one of the world’s lovers. Akala ko noon, hinding hindi ko na mararamdaman ang mahika ng pag-ibig. Akala ko, sakit lang ang pwede kong maramdaman dahil dito. Pero mali ako. Siguro ay hindi ko naranasan sa iba ang mahikang iyon dahil nakatadhanang maramdaman ko ‘yon sa’yo. Mali pala ako, kasi nand’yan ka pa pala.

Alam mo ba? Na no’ng gabi pagkatapos tayong unang magkita, hindi mo ‘ko pinatulog? Akala ko noon, guilty lang ako sa nagawa ko. Pero mali pala ako. Na-realize ko na lang na, noong araw pa lang pala na ‘yon, nagsimula na ang pagtibok ng puso ko para sa’yo. Hindi ko lang siguro pinansin dahil iniisip ko baka na-overwhelm lang ako sa pagkatao mong natunghayan ko sa koro. Hanggang sa ang puso ko na mismo ang nagsabing mali na naman ako. Hindi pala ko na-overwhelm lang sa’yo. Bagong pag-ibig na pala ang nararamdaman ko. At alam ko na mula noon hanggang ngayon, sigurado ako rito.

Salamat Princess. Kasi hindi mo ‘ko nabigong pasayahin. Salamat sa bawat ligayang naramdaman ko kasi nakilala kita. Salamat kasi binigyan mo ko ng chance na makilala ka. Sa chance na mahalin ka. Sa chance na patunayan sa’yo ang pag-ibig ko. At sa chance na makasama ka.

I want you to know how sorry I am everytime we have to argue about Miguel. Nagseselos ako sa isang taong katuwang ko rin naman sa pag-aalaga sa’yo. Sa taong nagbabantay sa’yo pag wala ako. I owe him a lot, I know. Mula sa simula pa lang, hanggang ngayon, at sa magiging bukas mo, alam ko makakasama mo s’ya. Bakit ba ‘ko nagseselos na s’ya ang best friend mo, samantalang kung hindi sana kayo naging mag-best friend, hinding hindi magku-krus ang landas natin noong kasal nila Kuya Ace at Ate Sheila. Walang Miguel na magsasama sa’yo sa koro kung nagkataon. Buti na lang pala, kasi kung hindi, hindi ko alam kung paano pa posibleng magsimula ang kwento natin. I really owe him a lot. A lot.

I’m sorry princess. I am sorry kasi hindi ko nasabi sa’yo ang tungkol dito. Ayoko lang kasing mag-alala ka. At isa pa, gusto kong dumaan ang mga araw na kasama ka ng walang inaalalang bukas. Gusto ko, normal nating  mairaos ang bawat araw na natitira para sa’kin without you thinking that one day it might end. Mas gusto ko pang ako na lang, kesa mag-alala ka pa para sa’kin, at sa bukas natin.

I am sorry kung hindi ako nakarating sa date natin. Hindi ako hindi nakarating dahil sa hindi natin pagkakaintindihan bago pa ang araw na ‘yon. Makikipagbati talaga sana ako pero hindi ko alam, bumigay na ang katawan ko nang gabing ‘yon. That was really the emergency that I was talking about. Pinilit ko pa talagang makapagsalita ng medyo maayos para hindi ka mag-alala. Noon na nagsimula ang panghihina ko. Hindi na ‘ko nadaan sa kahit anong klase ng medications.

 I’m sorry sa mga nasabi ko no’ng huling beses tayong nagkita. I’m sorry, Princess. Hindi ko gustong umiyak ka dahil sa’kin, I’m sorry.

All the while after our argument, when nobody was not telling you where we are, nagpapagaling ako sa hospital. I’m sorry kung hindi ko na talaga pinasabi sa’yo. I am sorry kung hindi ko narereplyan ang mga texts mo, at hindi nasasagot ang mga tawag mo. Ayoko lang magsinungaling kapag tinanong mo kung kamusta na ba ‘ko, nasan ako, o okay lang ba ‘ko. Ayokong hindi magsabi ng totoo. Pero mas lalong ayokong mag-alala ka. I’m sorry. But I want you to know that everyday, I am thinking of you. And everyday, I always want to be with you.

I’m sorry Princess. I’m sorry kung kailangan kong mawala. Pero ‘wag mong iisipin na iiwan na kita. Maaring ang katawan ko, mawawala sa tabi mo, pero ang pagmamahal ko, lagi lang kasa-kasama mo.

Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko Princess. And I will be forever grateful of meeting you, knowing you, and having you.

I want to spend more time with you, share stories with you, laugh with you, drink coffee with you, eat ice cream with you, go to the theme park with you, feel love with you, and live life with you. Heaven knows how much I want to do all those things with you, but maybe heaven knows too the better plans that they have for us. And just like you’ve always told me, we just have to trust and surrender.

Take care of Mr. Prince, I’m sure he’ll take care of you too. He’s been doing a pretty good job for over a year. And also, please take Ms. Princess, I want you to give her to your new prince, which God will send to you, someday.

Please keep on wishing on stars and sunsets. Whispers of prayers  work.

I love you, and I will always love you, my baby, my angel, my princess.

I will miss you.

I love you forever Jam.

I love you forever my Princess.

Love, your Hiro

Walang kasing sakit ang sakit na nararamdaman ko. Ang mata ko ay nagmistulang gripo na ng luha sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ka pwedeng mawala, gagaling ka pa. Ang bibigat ng hikbi ko, walang tigil ang pagluha ko. No… This is not happening. Can somebody wake me up?

And then suddenly my phone started ringing. Tumatawag si Hiro. Yes, he’s going to tell me he’s fine, and the part of this letter saying goodbye is not true.

“Hiro!”

“Jam, this is Tito Harry. Hiro needs you now…”

Two Hours MoreWo Geschichten leben. Entdecke jetzt