Two Hours More - Three

44K 214 21
                                    

Jam’s POV

Abalang-abala ngayon si Hiro sa pagrereview n’ya para sa board exam. Tutok na tutok s’ya sa pag-aaral at talagang sineseryoso n’ya ang bawat araw sa review n’ya. Kung gaano s’ya kaseryoso sa pagrereview n’ya, ganon din ako kaseryoso sa pagdadasal para sa kanya. Idinidiretso ko na rin sa pagdadasal na sana makapasa s’ya sa board exam. Ilang buwan na lang kasi, exam na.

Sa umaga, at sa gabi, lagi kasama sa panalangin ko si Hiro. Syempre, kung ano ang pangarap n’ya, pangarap ko na rin para sa kanya. Sasamahan ko s’ya sa pangangarap. Sabay kaming mangangarap.

Para sa’kin, napakaswerte ng isang tao kung may isang taong nagdadasal para sa kanya. Para kang nakakilala ng isang anghel.

Aside from being her princess, I want to be more like an angel to him. I want to be standing beside him, guarding him every now and then.

I don’t want to be just his damsel in distress always waiting for him to save me. I want to be more than her princess. Someone which is more like an angel.

Ngayong gabing to, katext ko si Hiro. Parehas kaming hindi busy. O pwedeng busy lang s’ya tapos humanap lang s’ya ng oras para sa’kin. Dati kasi pag ganitong oras, nag-aaral pa rin s’ya. Bigla ko tuloy naalala, parang four months ago nagmumutok pa ko na wala man lang spesyal na dahilan para hawakan ko ang cellphone ko, pero ngayon, wala akong para dahilan para hindi to hawakan. Apat na buwan ko na rin kasi s’yang kilala at tatlong buwan na pala ang nagdaan mula nang araw na nagtapat s’ya sa’kin. At nakakatuwa naman dahil hanggang ngayon, lagi pa rin s’yang nandyan para sa’kin.  Araw-araw pa rin s’yang nagtetext kahit simpleng “Good morning Princess. Take care.” o “Princess, Good night. Sweet dreams. ” lang. Hindi na kami laging nakakapagtext kasi parehas na rin kaming busy. Minsanan na lang din kung makatawag s’ya. Sa ngayon kasi, sobrang busy na s’ya sa review n’ya. Pero syempre, minsan pumupunta pa rin s’ya sa school para bisitahin ako.

Sabi ng mga best girl friends ko, nililigawan na daw ako nun. Pero wala naman s’yang sinasabi kaya siguro, hindi. Tsaka, takot lang nun sa Daddy ko, ewan ko lang kung papasukin pa s’ya ni Dad sa bahay namin.

Ako naman, buo pa rin ang tiwala ko sa kanya. Nararamdaman ko na lahat ng sinasabi at ginagawa n’ya, totoo. Nawala na rin ang takot na nararamdaman ko noon dahil sa tiwala ko sa kanya. Ewan ko kung may idea ba s’ya tungkol sa nararamdaman ko para sa kanya, pero pakiramdam ko naman, wala.

Kinikilig pa rin ako sa tuwing sinasabi n’yang namimiss n’ya ko. Para bang laging first time na sinasabi n’ya sa’kin ‘yong ganon. Kinikilig pa rin ako sa tuwing sinasabi n’yang mahal n’ya ko. Noong una, madalas kung sabihin n’ya sa akin ‘yon pero dahil umaarte akong naiinis sa kanya, dumadalang na rin. Ayoko kasing masanay na naririnig ‘yon mula sa kanya, mahirap na.

Paminsan-minsan, binabanggit ko na rin s’ya kay Dad para naman makilala n’ya na. Inumpisahan ko sa pagsasabing may kaibigan ako na suki na ng Madison’s simula pa first year college pa s’ya. Sinabi ko na Hiro ang pangalan no’ng taong ‘yon. Tapos kapag tumitingin naman ako ng mga litratosag mga activities ng grupo namin sa simbahan, tinuturo ko ‘yong ‘Hiro’ na ‘yon.

Si Dad, walang reaksyon. Hindi s’ya nangiti o kahit na anong pwedeng reaksyon. Basta, kakaiba. Para bang meron sa kanya at kay Hiro. Samantalang ‘di pa naman sila nagkikita kahit kelan.

Sa ngayon, hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sa aming dalawa. Pero patuloy lang akong maniniwala sa pag-ibig n’ya hanggang dumatingna ‘yong panahon na maging pwede na ang hindi pa pwede sa ngayon.

Two Hours MoreWhere stories live. Discover now