Two Hours More

28.9K 213 89
                                    

E P I L O G U E


Ilang araw pa ay tuluyan ng nawala sa’kin si Hiro. Sa araw ng libing n’ya, halos wala na kong paglagayan ang kalungkutan. Hindi ko kaya… Napakasakit.

Sabi ko noon, the next time we’ll be in our church again and the next time I’ll walk in its aisle, kasama ko si Daddy at hinihintay ako ni Hiro na nasa may altar. Nandoon ang Daddy n’ya, si Migs, si Nico, ang mga batang tinuturuan n’ya bilang choir, may pari at may sakristan.

Nagkatotoo nga. Pero sa ibang paraan.

Nandoon nga lahat ng taong nabanggit ko. Naglakad nga ako sa aisle kasama si Daddy, at nandoon nga s’ya sa may altar at hinihintay ako. Pero sa ibang paraan at hindi sa kung paano ko pinapangarap ang lahat. Ang iniisip ko, araw ng kasal namin para mabuklod kami habangbuhay. Pero ang nangyari, araw na kailangan s’yang basbasan ng banal na tubig sa pagtawid n’ya sa kabilang buhay.

Sabi ko noon, gusto kong dumating na ‘yong ‘malapit na’ na sinasabi ni Hiro tungkol sa sulat, para makita ko na s’ya ulit. Pero noong kinailangan n’ya iyon, ‘yon na pala ang mismong araw na makikita ko s’ya sa huling pagkakataon.

Siguro, pag minsan, sadyang may hinihintay lang sila.

Ang sakit.

Mami-miss ko na naman ang pakiramdam na may nag-aalaga sa’kin. ‘Yong pakiramdam na napaka-special ko sa isang tao. ‘Yong may nagbabantay sa’kin na parang anghel. ‘Yong parang napakaimportante ko. ‘Yong pinapahalagahan ako. ‘Yong minamahal ako, ako lang at wala ng iba. At higit sa lahat. Hiro, mamimiss kita.

Ngayon naiintidihan ko na.

Naiintidihan ko na kung bakit nagkakaganito si Daddy. He knew about Hiro’s case, sinabi n’ya sa’kin, anak ng kaibigan n’ya ang doctor ni Hiro. Naiintidihan ko na kung bakit nang sinasabi sa’kin noon ni Dad kung hindi ko ba alam kung bakit ayaw n’yang maging kami ni Hiro, iba ang naramdaman ko sa mga mata n’ya. Dahil ‘yong ganong klaseng tingin ang eksaktong tingin na ibinigay n’ya sa’kin nang sabihin n’ya sa’kin ang tungkol sa sakit ni Mommy.

Naiintidihan ko na kung bakit gustong-gusto ni Hiro noon na i-celebrate namin lahat ng magkasama ang pasko, bagong taon, birthday n’ya, Valentine’s Day… Pati ang birthday ko.

Naiintidihan ko na kung bakit biglang may pagbabago sa katawan n’ya. Kung bakit nag-leave na s’ya sa trabaho n’ya.

Naiintidihan ko na ‘yong sinabi n’ya sa kasal namin.

“Kahit hanggang ganito na lang, tuparin naman natin ‘yong pangarap ko…  Princess, let’s just pretend for a while. W-will you… marry me?”

Pati ‘yong sinabi n’ya noong pinagawa n’ya sa’kin ‘yong sulat.

“O sige. Pero.. ‘wag mo kukunin agad ha. Hanap pa ko ng time for that.”

“Sure. Basta by the time na kailangan ko na ‘yon sigurado naman ako na tapos mo na siguro ‘yon no?”

“Hmm. Siguro naman. Kailan mo ba kailangan?”

“Hindi ko alam. Pero feeling ko malapit na.”

Naiintindihan ko na ang ilan sa mga sinabi n’ya sa sulat.

“Please keep on wishing on stars and sunsets. Whispers of prayers  work.”

“And also, please take Ms. Princess, I want you to give her to your new prince, which God will send to you, someday.”

At naiintidihan ko na rin kung bakit n’ya ko pinipilit mangako.

Hindi Hiro. Hinding hindi na ko magmamahal pa ng iba. Sa’yo lang ako, ‘diba?

Magkikita rin tayo, in time.

“Jam, tara na,” sambit ni Migs na nasa likuran ko na pala. Nandito ako, nakatayo sa lugar kung saan nakalibing si Hiro sa mismong araw ng libing n’ya. Nakaalis na ang ibang tao, pero minabuti kong magpaiwan. Palagay ko ay parati akong pupunta rito para lang makasama s’ya.

Nilingon ko si Migs. Nakita ko sa ‘di kalayuan si Daddy na nakatayo sa may kotse, hinihintay na rin ako. Pati sila Reema at Aira nandoon rin.

Really, God has different reasons of sending people in one’s life. We don’t know how long they would stay, or when will they leave but the most important thing is that we learn from them, just like what God wants to happen.

God has reasons for everything, and this, I just entrust to Him. I just keep in mind that Hiro’s safe with Him, and that he’s in the best place now.

Thank You for lending Hiro to us. To me.

Thank You God.

You deserve all thanks and praises.

Two Hours MoreWhere stories live. Discover now