Two Hours More - Five

39K 196 42
                                    

Five


Jam’s POV

“Hiro, thank you ha,” sabi ko kay Hiro pagkababa ko ng kotse n’ya. Sinamahan n’ya kasi akong puntahan si Mommy, birthday n’ya kasi. Kaninang umaga, magkakasama na kami nila Daddy, Mama’t Papa, at syempre ni Migs na pumunta rito. Pero ngayong hapon, bumalik ako kasama naman si Hiro. Gusto n’ya daw kasing dalawin si Mommy. May business trip si Dad, at kanina pang ala-una ang flight n’ya kaya naman pumayag na ‘ko.

“Good afternoon po, Tita,” sabi naman ni Hiro nang makalapit na kami sa puntod ni Mommy. Napangiti na lang ako. Lagi n’ya na talagang ginagawa ‘yon kapag napunta kami rito.

“Sayang, hindi ko nakilala si Tita Carmen.”

“Oo nga no. Magkakasundo siguro kayo.” Kahit ako man, nanghihinayang din kasi hindi ko nakilala ang Mommy n’ya, si Tita Martha. “Hiro, bakit hindi mo s’ya puntahan?”

“Sino? Si Mommy? Ayoko. Mas masaya na s’ya siguro sa ibang pamilya n’ya. Ayoko pati ng gulo, mahirap na.” Sobrang lungkot ng mga mata n’ya noon. At gusto kong mawala ‘yon. Naging desidido tuloy ako na pilitin s’yang puntahan ang Mommy n’ya. Para din naman sa kanya to. Sa palagay ko magiging masaya s’ya kung magkakausap na sila.

“Pupuntahan mo lang naman s’ya. Hindi mo ba s’ya nami-miss?”

“Nami-miss syempre. Naiisip ko lang kasi baka mamaya, hindi n’ya pala ko gustong makita. Ayoko Jam. Ayoko s’yang puntahan.”

“Namimiss mo naman pala e. Tsaka, imposible ‘yang sinasabi mo. Lahat ng mommies ang gusto, lagi nilang makasama ang mga anak nila. Ano bang malay mo sa laman ng isip ng mommy mo? Maswerte ka nga kasi may mommy ka pa. Ako nga, wala na...” Naging seryoso ang tono ng boses ko no’n. Nakatingin lang s’ya sa’kin. Tapos, biglang nagbuntong hininga.

“Gusto mo bang puntahan ko talaga s’ya, Princess?” Halatang ayaw n’ya talaga. Pero sana mapapayag ko s’ya.

Dahan-dahan lang akong tumango. Bago s’ya magsalita ulit, napabuntong-hininga na lang ulit s’ya.

“Sige gagawin ko, ‘yon ang gusto mo e.”

Sobrang natuwa ako sa sinabi n’ya. Magiging masaya talaga ko kung magkakayos na sila ng mommy n’ya.

“Talaga? Wow, thank you Hiro!” Inuuga ko pa ‘yong mga balikat n’ya habang sinasabi ‘yon. S’ya naman, nakangiti lang ng tipid na tipid.

“Sa isang kondisyon Princess.” Tapos binigyan ako ng napakagandang ngiti ni Hiro. ‘Yong ngiting kahit anong sabihin n’ya ay hinding-hindi ako makakatanggi.

“Basta kaya ko.”

“Sasamahan mo ko pagpunta kay Mommy. Deal?”

“Ha? Bakit ako?”

“Ikaw nakaisip ‘diba? Deal?” Nasa labi n’ya pa rin ‘yong ngiting makakapagpapayag sa akin. Wala naman akong magagawa. Kaya tumango lang ulit ako. Ng dahan-dahan.

“That’s a deal!” Tuwang-tuwa pa si Hiro.

The next Saturday, magkasama kaming pumunta sa isang napakalaking bahay. No’ng papunta palang kami don, halatang halatang kinakabahan s’ya. Hindi s’ya mapakali sa sasakyan. Nagpapawis s’ya. Tapos, napakabilis ng paghinga n’ya.

"Kinakabahan ako, Princess. Ikaw kasi e." Bago pa man kami makababa ng sasakyan, ito ang nasabi n’ya. Nasa bibig n’ya ang dalawang kamay n’ya. Parang ‘yong itsura ng isang taong nilalamig na humihinga sa mga palad n’ya.

Two Hours MoreWhere stories live. Discover now