Two Hours More - Six

34K 156 15
                                    

Jam's POV

"Madison, sino ba ‘yong lagi mong kausap sa telepono tuwing gabi? Lagi na lang kitang naririnig na may kausap," nagulat na ako sa itinanong sa’kin ni Dad habang nagdi-dinner kami.

"Dad?" Hindi ako makapagsalita pa ng iba. Bigla akong kinabahan. Siguro kasi nitong nakaraang araw, napapadalas talaga ang pagtawag ni Hiro. Sana hindi na s’ya magtanong ulit. Although alam ko naming alam n’ya kung sino ‘yong kausap ko talaga.

"Baby, alam kong ilang araw na lang 19 ka na, pero---"

"Dad, for the nth time na sasabihin nyo po ‘yan, opo, alam ko na po. Saulo ko na nga po e. Lagi po ‘yang nasa isip ko." Nakangiti naman ako habang sinasabi ‘yon. Saulo ko na naman kasi talaga ‘yong dialogue n’ya na ‘yon.

Napatawa naman si Daddy. "Saulo mo na ba? Pagpasensyahan mo na ang Daddy. Bata ka pa kasi, at kung makikipagrelasyon ka kaagad, ay magkakasakitan lang kayo. Pwede namang makapaghintay ‘yan, baby. Gumraduate ka muna, ipasa ang board at magkaron ng stable na trabaho. Sa palagay ko naman, sa mga panahon na ‘yon ay ready ka na. Maaasahan ko ba ‘yon, baby?"

Natahimik na lang ako. Bawat salita kasi ni Dad ay sumusugat sa umiibig kong puso. Inulit n’ya na naman sa mukha ko ‘yong noon ko pang saulong dialogue n’ya na kahit anong mangyari ay dapat kong sundin. Naiintindihan ko naman ang point n’ya. Naiintidihan ko naman na siguro nagiging over-protective lang s’ya kung minsan. Hindi naman siguro pagiging masama ang ginagawa n’ya. Nagkataon lang din siguro na inlove lang ako. Kung hindi naman ako inlove at nililigawan ng taong ‘yon, siguro kahit ulit-ulitin pa sa’kin ‘yan ni Daddy, wala lang siguro sa’kin. Parang dati, noong hindi ko pa nararamdaman ‘to para kay Hiro. Noon, pag naririnig ko ‘yan, ayos lang naman sa’kin, pero ngayon pag naririnig ko ‘yan, bakit parang ang sakit-sakit na?

"Yes, Dad…" halos pabulong na lang ang pagsagot ko sa kanya sa sobrang lungkot, kasabay ng isang bitter smile.

Bawal na pag-ibig. Nalulunod ako sa bawal na pag-ibig.

“Kung itong si Miguel sana ‘yon ay okay lang, pero kung hindi, tama na ‘yan ha.” Muntik na kong mabilaukan pagkarinig ko nun. Naalala ko kasi ulit ‘yong narinig ko no’ng gabi ng birthday ni Hiro. Muntik ko na ring makalimutang kasama nga pala namin si Migs ng mga oras na ‘yon.

“Papa naman.” Yon na lang ‘yong nasagot ni Migs.

“Halata naman kasi kung ikaw o ‘yong mga kaibigan n’yang babae ang kausap n’ya e. Kaya alam ko, iba ‘yon. Pero ‘wag na nating pag-usapan. Sige na, kumain na kayo.”

Salamat naman at si Daddy na mismo ang naglayo ng usapan. Kinakabahan kasi talaga ko sa pwede n’ya pang maitanong. Napatingin na lang ako kay Migs, tapos ngumiti s’ya.

Pagkatapos ng dinner ay dumeretso kami sa rooftop ng restaurant na pinagkainan namin habang si Daddy ay may nakitang kaibigan sa loob kaya kakwentuhan n’ya ‘yon nang mga panahon na ‘yon.

“Kinabahan ka no?” This time, hindi nang-aasar ang itsura n’ya.

“Oo e. Si Daddy talaga.”

“Syempre makakahalata ‘yon. Alam n’ya rin naman na hindi kita tinatawagan ng madalas pag gabi dahil marami akong ginagawa. Tapos alala mo pa, sabi n’ya halata daw kung ako o hindi ang kausap mo? Ang tinik ni Papa. Mag-iisip talaga ‘yon.”

“’Yon na nga. Buti na lang talaga Migs, hindi na s’ya nagtanong pa, natakot talaga ‘ko.”

“Buti na lang talaga. Nako, ayan ka na naman sa ‘takot’ mo… Ay, Jam, pwedeng mahiram ng phone mo? May titingnan lang ako.”

“‘Yong pictures ba natin kanina? Malo-lowbat na ha, tingnan mo. Ang bilis ng malowbat ng phone ko, nakakainis. ‘Wag mong i-e-empty.”

“Opo. Takot na takot ka namang ‘di matanggap ang text o tawag ni Hiro.” Narinig ko na naman ang nakakaasar n’yang tawa. “Nasan ‘yong bagong biling phone sa’yo ni Papa? Bakit ayaw mong gamitin?”

“Ha? E. Ayoko lang. Mas gusto kong gamitin ‘yan e.”

Naningkit ang mata n’ya habang tinitingnan ako, tapos nakangiti na parang nakakaloko. Walang anu-ano bigla s’yang tumawa.

“Nako, Jam! Alam ko na ‘yang mga ganyan mo!” Hindi pa rin s’ya natigil sa pagtawa habang gamit gamit ang cellphone ko. “Ayaw mong mawala sa piling mo ‘yong unang text ni Hiro sa’yo no?” Tawa pa rin s’ya ng tawa. “O, bakit namumula ka? Totoo no? E, totoo naman talaga e, heto o!” Tapos itinapat n’ya sa’kin ‘yong cellphone ko na naka-display ‘yong unang text sa’kin ni Hiro. Parang lalo ata akong namula. Nahihiya ako!

“Migs, pakelemero ka!” Inagaw ko sa kanya ‘yong cellphone ko, pero ayaw n’yang ibigay.

“Pathetic! Nagta-tyaga ka sa lumang phone na to dahil lang sa unang text n’ya? Move on, girl!” Wala pa rin s’yang tigil sa kakatawa.

Wala namang nakakatawa kung gusto kong nakikita ko lagi ‘yong message n’ya ah. Bakit ba? Akin ‘yon! Kaya ayaw kong pinapahawak ang cellphone ko sa iba eh.

Bigla ko tuloy naalala na noong una, ang sabi ko, wala sa bokabularyo ko ang burahin ‘yon dahil hangga’t umaasa pa ko, dito lang ‘yon. Talaga. Dito lang talaga ‘yon sa piling ko kahit anong mangyari.

Two Hours MoreWhere stories live. Discover now