Two Hours More - Thirteen

27.1K 137 21
                                    

Thirteen

Jam’s POV

“Doctor Sy, there’s someone waiting for you at the lobby.” A nurse interrupted the short talk Doctor Angela and I was having.

“Basta Jam, be strong for Him, okay?”

“Opo. Thank you po. Hmm… Doc?”

“Yes, Jam?”

“Gagaling pa po s’ya ‘diba?”

“We’re all hoping for that.”

It was 6:05pm when I arrived at the hospital. It was a two-hour drive from our house. I saw him lying helplessly on his hospital bed. Sound asleep. Slowly, my tears started falling. My knight in shining armor, my prince, has kidney cancer, and has been fighting for it for 10 months. The doctor said they thought Hiro can’t make it this far. They didn’t imagine Hiro can still brawl for three months longer. He’s really a fighter.

Ako pa ‘yong hindi agad nakaalam. Ako pa ‘yong huli sa lahat.

Hawak hawak ko ang kanang kamay n’ya habang nakaupo ako sa tagiliran ng kama n’ya. 6:11 na nang magising s’ya. Nginitian ko s’ya ng punong-puno ng pag-asa.

“How was your sleep?”

Pinilit n’yang higpitan ang hawak sa kamay ko at ngumiti sa akin. “Kung isang anghel na, prinsesa pa ba ang nagbabantay sa’yo, panong ‘di gaganda tulog mo?”

“Ikaw talaga.. Anghel at prinsesang inlove sa’yo? Naman!” Ang sarap pakinggan ng nagdu-duet naming tawa.

“Pinapakilig mo naman ako e..”

Nang nagsabog kasi ang langit ng ugaling pagiging iyakin, nasambot ko ata lahat. Kaya heto na naman ako, umiiyak na naman. Hindi ko maimagine ang mga susunod kong araw kung hindi s’ya gagaling.

“Ssshh. Don’t cry. Hindi pa ‘ko patay.”

“Hiro, ano ba?!”

Maya-maya ay nag-ring ang cellphone ko.

“Ay, Hiro, wait lang ha. Sagutin ko lang ‘tong tawag ni Dad.”

I went outside the room. Tinanong n’ya ko kung nasan ako at sinabi ko naman na binisita ko lang si Hiro. Sinabi ko rin ‘yong kalagayan n’ya.

“Wait for me there. Susunduin na kita. Gusto ko din s’yang makita.”

Binalikan ko na si Hiro.

 “I’m sorry last time, baby. ‘Di ko na dapat pinatulan ang selos ko.”

“No, I’m sorry. Nagkulang kasi ako sa’yo. Pero Hiro totoo namang mahal kita e...”

“Wala kang pagkukulang no. OA lang ako,” pagkatapos ay tumawa s’ya. “Alam ko ‘yon baby. Alam kong totoo ‘yon.”

“Nabasa mo na ba ‘yong sulat ko?”

“Hindi pa. Mamaya na siguro.”

“Kinausap ko na kasi si Dad e. Payag na s’ya.” Nagsimula na naman ang paghikbi ko. “Oo, Hiro… Tayo na. Imaginine mo ‘yon? Tagal nating hinintay ‘yon.”

Gumuhit sa mga labi n’ya ang ngiti. “Totoo?” sabay patak ng luha n’ya.

“Hmm..” Tumatango-tango pa ako.

“Dreams really happen…”

“…if you will just believe.”

Hinaplos n’ya ang pisngi ko.  “I love you..”

Two Hours MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon