Two Hours More - Three

41.7K 201 8
                                    

Naalala ko pa ilang araw bago ang araw na ‘yon. Pinapanood ko lang s’yang makipagkwentuhan sa mga kaibigan n’ya habang palapit ako sa mesang kinauupuan nila. Nandoon sila sa tagong garden ng school na para bang naging pagmamay-ari na rin nila, o namin. Wala kasi laging tao dun.

“Hey ladies. Hi Jam.”

“Hi Hiro!” Sabay na bati ni Reema at Aira, best girl friends ni Jam.

“O pano, I think we shall go.”

“Wag na no.” magkasabay pa kami ni Jam sa pagpigil sa kanila.

“Ay nako, sabihin nyo pa istorbo kami. Bye Girl, bye Hiro”, said Aira.

Pinilit pa sila ni Jam kaso hindi sila nagpapilit. And so, we bid them goodbye.

“‘Yong mga ‘yon talaga”, sabi ni Jam pagkalayo no’ng dalawa.

“Hayaan mo na. May sasabihin din naman ako e.”

“Ha? Ano ‘yon?”

 Medyo ‘di agad ako nakapagsalita. Pano ba ko magsisimula?

“Jam, sa Friday kasi, graduation na namin.”

“Sabi nga ni Migs. Then?”

“Hmm. I’m just thinking if you could go, well, you know ---“

“What?”

Nako. Si Jam talaga ‘yong tipong dapat straight to the point ka lagi pag may sasabihin ka sa kanya or else, hindi kayo magkakaintindihan, walang mangyayari. Hindi ko alam kung inosente lang talaga s’ya, manhid o unassuming lang talaga. Well, siguro ‘yong panghuli. Unassuming.

“Can you come and celebrate with me on that day? Please?”

Nakatingin lang s’ya sa’kin. Alam ko na ang sagot n’ya pero tinanong ko pa rin.

“Sorry Hiro ha.”

Napangiti lang ako ng konti. Ganon talaga, kung naging matapang ka sa pagtatanong, dapat maging matapang ka din sa pagtanggap ng sagot.

“Alam mo naman si Daddy. Bahala na. Hindi ko alam.”

Medyo parang hirap din s’yang sabihin ‘yon. Nakakalungkot naman.

Two Hours MoreWhere stories live. Discover now