Two Hours More - Eight - Day 7- 10

33.6K 150 26
                                    

Jam’s POV

Day 7 Saturday

The days are much more filled with love, I can notice. And honestly, I’m okay with this than to have nothing at all. It feels so nice to know that there is this prince who is willing to wait for you no matter how long. This is love. I knew this is love.

“Daddy, church lang po ako. May meeting lang po for our next community service.”

“Take care, baby.” I kissed him on the cheeks. Sobrang excited na kong makapunta ng church dahil nando’n rin sa meeting na ‘yon si Hiro. Parehas na kasi kami ng group sa simbahan, pero tuloy pa rin naman ang pagtuturo n’ya sa mga bata. Sa sobrang excitement ko naman ata, napa-aga naman ako ng twenty minutes. Nakaupo lang tuloy akong mag-isa sa pagmi-meetingan namin.

“Hi Princess.” Nagulat ako nang narinig ko s’ya tapos ‘diretso na s’yang umupo sa tabi ko. Pagkakataon nga naman, napaaga rin s’ya. Ibig sabihin makakakwentuhan ko pa s’ya ng mas matagal. Napatulala ako ng konti. Hanggang ngayon ba naman may Hiro-madness na nararamdaman pa rin ang puso ko pag nakikita ko s’ya? “Ang aga mo ah.” Nakita ko na naman ang ngiti n’ya.

Love is when your heart starts beating not only just for yourself, but for your special someone also.

“Napaaga lang. Ikaw din naman a.” May kinuha ako sa bag ko na isa rin sa mga dahilan kung bakit kanina pa ko excited na makita s’ya. Matutuwa s’ya pag nakita n’ya to. “Hiro o.” Ngiting-ngiti pa akong iniabot ‘yon sa kanya.

Takang-taka ang itsura ng mukha n’ya. “Ano ‘to?” At binasa n’ya na nga ang hawak hawak n’ya. Tapos nakita ko na lang na nandulat ang mga mata n’ya sa nabasa n’ya, sabay ngumiti. “T-teka, totoo ba ‘to?!”

Napangiti ako habang tumatango. “Oo, pupunta ka ha.” Dahil gagawin ko ulit ‘yon para sa kanya.

“Wait lang Princess ha. Itong hawak kong to, ay ticket para sa piano contest na sinalihan mo? Next Saturday?” Punong puno talaga ng pagtataka ang mukha n’ya. “Teka, ikaw ba talaga ‘yan? Sinong pumilit sa’yo?”

Napatawa na tuloy ako sa kanya. “Hiro, wala! O, ikaw. Noon. Remember?”

“Oo, pero ---“

“Makakapunta ka ba?”

“Wow, Princess! I can’t  really believe ginawa mo ‘to nang walang pumipilit sa’yo. Parang after no’ng birthday mo last year, pag sinasabihan kitang sumali sa ibang contest, ayaw na ayaw mo, tapos ngayon, nagkusa ka na?” Sabi ko na nga ba, matutuwa s’ya pag nakita n’ya ‘yon eh. Kung alam n’ya lang kung pano n’ya laging pinapalakas ang loob ko. “I’ll be there. One hundred percent sure.” Bakas sa labi n’ya ang ngiti. Ang saya-saya ko kasi ang saya-saya n’ya.

“Thank you! Pero pag natalo ako, sorry ha.”

“Ha? Ano ka ba? Ang pinakaimportante ‘yong confidence mo to join that contest, okay? ‘Yon lang naman ang wala ka e.” Kinukurot-kurot n’ya na naman ng marahan ang pisngi ko.

“Promise, okay lang sa’yo?” Nakakahiya naman kasi kung matatalo ako e, para sa kanya nga ‘to. Pero dahil ‘yan ang sabi n’ya, sige. Pero promise, pipilitin kong manalo.

“Pro-mise. Okay lang na hindi manalo basta nag-eenjoy ka sa ginagawa mo. Okay?” Tumango ako habang nakangiti. Napaka-sweet naman talaga o. “Parang tayo lang ‘yan e. Kahit hindi tayo, basta masaya.” Itsura ng wala sa wisyo ang pagkakasabi noon ni Hiro. Hindi n’ya na rin siguro napansin kung ano na sinasabi n’ya.

Napataas ang kilay ko. “H-ha??!!”

Nagulat rin ata s’ya sa nasabi n’ya. Wala nga sa wisyo. “W-wala! Wala  akong sinabi Jam. Wala kang narinig. Wala.” ‘Yong itsura n’ya parang batang nahuli sa kalokohang ginawa n’ya habang iwinawasiwag ang kamay n’ya para ipagduldulang wala daw s’yang sinabi. Wala daw, e malinaw naman ang pagkakarinig ko. ‘Kahit hindi tayo, basta’t masaya.’ Tama. Siguro namula ako dahil don. Pigil na pigil na rin ang pagngiti ko dahil sa itsura n’ya.

Two Hours MoreWhere stories live. Discover now