Two Hours More - Nine - Day 55-60

27.9K 148 14
                                    

Rica! Thank you talaga kasi binabasa mo pa rin to ha.


Jam’s POV

Day 55 Thursday

“Ano ba Hiro? I love you ka na naman d’yan.” Nakasimangot na ko no’n. Paulit-ulit kasi s’ya. Nahihirapan na kong itago ‘yong sayang nararamdaman ko, tapos naiisip ko pa na baka pulang pula na pala ko, nakakahiya.

“Imposible namang sabihin kong ‘I hate you’, ‘di ba? Ay, o, take this.”

“Ano to?”

“Card po.” Pamimilosopo n’ya.

“Alam ko!” Sabay hampas sa braso n’ya. Ngingiti ngiti lang s’ya.

“I  missed you a lot baby.” Napatigil na lang ako. Nag-blush ako sigurado.

Mula talaga noon, hanggang ngayon suki na ng mga cards si Hiro. Pwede na nga kong magbenta ng cards dahil sa kanya. Pero hindi ko pa rin gagawin ‘yon, dahil kayamanan ko ang bawat letter at card na binibigay n’ya sa’kin. Hanggang ngayon parang first time pa rin kapag binibigyan n’ya ko ng ganito. Ang saya-saya ko pa rin.

“I-ito ba ‘yong sinasabi mong ginagawa mo kagabi?”

“Hmm. Oo..” Tapos ngumiti s’ya ng pagka-cute cute.

“E…” napakunot ang noo ko. “Nagkita tayo the day before kagabi di ba?”

Ngumiti lang s’ya na parang bata.

“Exactly.”

For once, I suddenly felt what heaven is.

Jam’s POV

Day 60 Tuesday

Magkikita kami nitong gabi ni Hiro. Galing naman akong OJT kaya nag-drive na lang ako papunta sa restaurant na napag-usapan namin.

“Buti pumayag ka ngayon. Nasan si Daddy?” All I can see on his face was his naughty smile.

“Sino?” Medyo napapatawa pa ko.

“Si Daddy. O, bakit ka natawa?”

“Daddy ko ‘yon!” Nagtatawanan na lang kaming dalawa.

“Daddy ko na rin ‘yon no."

“Ewan ko sa’yo! Nasa isang party si Daddy e. Birthday ata no’ng classmate n’ya no’ng college.”

“Bakit ‘di ka ata kumontra sa huling sinabi ko? Parang payag na payag kang Daddy ko na nga rin ang Daddy mo a.”

“Ang kapal mo ha.”

“Eh bakit ka nagba-blush?” Ang kulit kulit pa rin ng pagkakangiti n’ya.

“Titigil ka ba, o uuwi na ko?!” I rolled my eyes on him.

“Ang taray naman nito. Hindi na.”

Mabuti naman at tumigil na s’ya. Hindi ko kayang makipagsabayan kay Hiro kapag ganitong hirit ang ginagawa n’ya.

“Happy second monthsary baby.” Inabot n’ya sa’kin ang isang bouquet of flowers.

Tama ba ‘yong narinig ko? Second? Monthsary?

Ang laki ng mata ko sa pagkakagulat ko sa sinabi n’ya.

“ANO?!”

Pero tumawa na naman s’ya.

“Inaasahan ko ng ‘yan ang sasabihin mo.”

Natapos na rin ang dinner namin. And of course, he drove me home gamit ang kotse ko. Pinapunta n’ya na lang si Tito Harry sa restaurant para maiuwi ang kotse n’ya. Mabilis lang naman s’yang makakauwi mamaya pagkagaling sa’min. Mga 8:15 na siguro kami nakarating ng bahay. Ganong oras pa lang pero napakatahimik na ng subdivision. Pagtingin ko sa mga kwarto namin sa taas, patay naman ang mga ilaw. Ibig sabihin wala pa si Daddy.

“Thank you Hiro ha, I enjoyed the night.”

“Everything for you baby.” He kissed me on my forehead. “Good night.”

“Good night. Ingat sa byahe ---”

 “Jam, anak, buti dumating ka na!” Napalingon ako sa humahangos na si Nay Mira. Halatang-halata sa mukha n’ya ang pag-aalala.

“B-bakit po?” Kinakabahan ako dahil sa nakikita kong itsura n’ya. Napano ba si Daddy? O si Migs? Wala naman sanang problema.

“Maaga kasing nakauwi ang Daddy mo, e hindi naman kita matawagan dahil patay ‘yang cellphone mo.”

Nagkatinginan kami ni Hiro. Lagot na ko nito. May problema pala talaga. Bumilis ang tibok ng puso ko. Tuloy-tuloy din ang paglunok ko ng laway ko.

Hanggang sa nakita ko ng lumabas ng front door si Dad. Kalmado lang ang mukha n’ya. Hindi galit, hindi masaya. Mas lalo pa akong kinabahan sa bawat paghakbang n’ya palapit sa amin. Naiiyak na ko sa takot. Pero hindi. Hinding-hindi na ko iiyak dahil sa takot na ‘yan. Wala naman sanang masamang mangyari. Positive lang ako.

Hiro’s POV

Parang may ang daming tinuturok na cyringe sa puso ko nang marinig ko ang sinabi ni Nanay Mira kanina, pero mas lalong-lalo na nang nakita ko itong tatay ni Jam. Pakiramdam ko namuo ata ang mga pawis ko no’n. Bakit ba lagi akong kinakabahan pag nakikita ko ang mukha ni Mang Carlos?

“I’m pretty amazed you still bring her home not too late at night. Akala ko si Miguel lang ang nakakagawa no’n.”

 “S-sir, siguro, magkatulad pala kami ni Miguel. Good evening ho.”

“Tito Carlos na lang.”

Napalingon si Jam na kanina’y nakayuko lang habang maluha-luha pa sa Daddy n’ya. Nagulat siguro. Kasi kahit ako nagulat dahil hindi s’ya galit o ano. Parang okay lang sa kanya na makita akong kasama ang anak n’ya na halata namang lumabas kami. Samantalang noon parang allergic s’ya sa mga manliligaw na pinagtabuyan ako. Anong espiritu kaya ang sumanib kay Mang Carlos? Dapat ba kong magpasalamat, o dapat ba kong kabahan?

“T-tito Carlos, good evening po.”

“Pasok tayo.”

Napatingin sa’kin si Jam. Parang sinasabing ‘Is this true?’. Pero ngumiti na lang ako. Bahala na. Wala din akong idea sa kung anong nangyayari. Ang alam ko lang kung ano mang meron, handa ako.

Two Hours MoreTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang