Two Hours More -Seven

32.5K 138 11
                                    

Jam’s POV

Kahit kaming lima lang ang magkakasama ngayon, masaya naming na-celebrate ang birthday ko. Hinintay naming pumatak ang twelve midnight kaya naman pagod na pagod sila Daddy, Mama  at Papa. Malayo rin kasi ang binyahe namin tapos deretso party kaya pagod talaga sila.

Natapos ang maliit naming party ng mga 2:00am. Sa loob ng dalawang oras, nakapag-games na kami ng kung anu-ano. Pagkatapos no’n, the three wonder parents were happily drinking their wines, habang kaming dalawa ni Migs, nagdesisyong pumunta sa malapit sa sea shore.

Tahimik lang akong nagmamasid sa mga alon. Mga along malaya sa pag-agos. Pati na rin sa mga bituin sa kalangitan. Mga bituing malaya sa pagningning. Mabuti pa sila malaya. Samantalang ako, lunod na lunod na. Lunod na lunod na sa bawal na pag-ibig.

“May kulang ba?” Napalingon ako kay Migs na nasa kaliwa ko. Nirerespeto n’ya siguro ang sentimyento ko dahil hindi naman s’ya mukhang nang-aasar.

Napabuntong-hininga na lang ako. “Oo e.”

“Hayaan mo na. Hanggang mamayang 12 midnight pa naman ang birthday mo. At saka marami ka pa namang birthdays na darating.”

“Pero gusto n’ya talaga kong makasama ngayon. Six months ago sinabi n’ya na sa’kin ‘to.”

“Wala naman tayong magagawa e. Ang layo kasi nitong napiling lugar ni Papa.”

“Sana nandito na lang s’ya.”

“May 22 hours ka pa bago matapos ang birthday mo at para makasama s’ya, ano ka ba? ‘Wag ka munang malungkot.” Hinawakan n’ya ang mga pisngi ko. “Ngiti na Janella.” Napatawa na lang ako kahit maluha-luha na ko.

“Namiss kong tawagin mo ko sa pambatang pangalang ‘yan. Parang feeling ko, ang bata ko ulit. Parang noong high school lang tayo.”

“Bakit naman pambata, ikaw lang kaya nagsasabi n’yan. Hindi naman ah. Ikaw kasi, e mula nang nag-college ka, ayaw mo ng magpatawag ng ganun e; nagdadalaga ka na ika mo nga. E ‘di, hindi.” Ngumiti na lang ako, pati s’ya. Tapos sumandal ako sa balikat n’ya. S’ya naman, inakbayan ako.

“Ayan, mas bagay sa’yo ang nakangiti. Happy birthday Janella.”

“Thank you Migs.” Bulong ko.

And then the next thing na naaalala ko, nagising na lang ako late in the morning na nasa kwarto na. Nakatulog na pala ko sa balikat ni Migs kanina.

Two Hours MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon