Two Hours More - Four

39.4K 185 19
                                    

Sis somberDoll!! Haha. Hindi ko alam kung lampas ka na ba dito or what but this is dedicated to you! Super thank you sa patuloy na pagbabasa. Sa friendship. Sa pagta-tyagang kausapin ako. Hahaha. Masaya ko't naging close tayo! Thank you!! Love you! ♥ 

Jam's POV

Matapos ang usapan namin na ‘yon ni Dad, lumuluha akong bumalik sa kwarto ko. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klaseng sakit. Ang sakit pala ng ganito. Napakasakit. Parang mas lalo pang bumagsak ang luha ko nang makapasok ako sa kwarto ko. Wala atang makakapagpatigil sa’kin sa pagluha. Ayoko ng ganitong klaseng pakiramdam.

Walang anu-ano biglang nag-ring ang telepono ko. Akala ko si Migs ‘yon at tinatawagan n’ya ko dahi sa lakad namin miya-miya. Pero mali, si Hiro pala.

Natuwa ako nang nakita ko ‘yong pangalan n’ya. Hindi nga pala kami nakapag-usap maghapon. Kahit natutuwa ako, hindi ko sinagot ‘yong tawag n’ya. Mag-aalala kasi ‘yon kapag narinig n’yang ganito ‘yong boses ko. Patuloy ang pagring ng telepono ko, kasabay ng patuloy na pagtulo ng mga luha ko.

Hanggang sa ang sunod ko na lang na naaalala ay ginigising na ko ni Migs. 9:30 na ata ng gabing ‘yon. Sinundo n’ya ko dahil may lakad kaming panoorin ang meteor shower  maya-maya. Balak naming gawin ‘yon sa rooftop ng rest house nila mga ilang oras ang layo mula sa bahay namin.

Kahit kailan, hindi talaga ko pinapayagan ni Dad sa mga lakaran na gabing-gabi na. Ganon s’ya kastrikto. Noong highschool nga ako, tanging JS at Graduation Ball lang ang party sa school na napuntahan ko. Ngayon namang college, nakakapunta lang ako sa mga gabing events sa school kapag kasama si Migs, pwede namang makapasok ang outsider. Tiwala si Dad kapag si Migs ang kasama ko. s’ya lang ang tanging pinagkakatiwalaan ni Dad mula noon hanggang ngayon. Kung pwede ko lang sanang sabihing “Dad, pwede nyo rin namang pagkatiwalaan si Hiro”. Kaso hindi.

“Tama na ‘yang pag-iisip Jam, mahal ka naman ni Hiro.”

Nang marinig ko ‘yon para kong biglang nagising sa pagkakatulog ko ng mulat. Natulala na pala ko ng sobra kakaisip ng mg apangyayari.

“Mahal na mahal ka ng taong kanina pa tumatawag sa’yo.” Dugtong pa ni Migs habang ipinagduduldulan ‘yong cellphone ko sa mukha ko.

“Si Hiro…”

“Oo. Sagutin mo na at ang dami na ring texts n’yan kanina pa.”

“Akin na.” Wala akong buhay ngayong gabi. Matamlay lang ang bawat pagsasalita ko.

Lumayo ako kay Migs at sinagot na nga ang tawag ni Hiro.

“Hiro.”

“Hello Jam, okay ka lang ba? May nangyari ba sa’yo? Ano? Kanina pa ko nagtetext bakit ‘di ka nagrereply? Bakit ngayon mo lang sinagot ‘yong tawag ko? Ano? Anong nangyari sa’yo?”

Sa narinig kong to, hindi ko maiwasan ang ngumiti. Si Hiro talaga.

“Hiro, pano ko sasagutin ‘yang mga tanong mo e tuloy-tuloy ka sa pagsasalita?” Nasamahan ko pa ng mahinang tawa ‘yong sagot ko.

“I-ikaw kasi Jam ih. A-akala ko naman kung napa’no ka na.”

Naramdaman kong uminit ang muka ko sa narinig kong ‘yon.

“Ayos lang ako Hiro. Salamat ha. Sorry na rin pala kung nag-alala ka.”

 Saglit lang kami nakapag-usap ni Hiro, tapos nagpaalam na ko. Alam ko namang kasing pagod s’ya sa trabaho, at medyo late na rin no’n, kaya naisip kong dapat magpahinga na s’ya. Ayoko pa nga sanang magpaalam e, kaso mas mabuti na rin ‘yon. 

Two Hours MoreWhere stories live. Discover now