Two Hours More - One

54.1K 332 33
                                    

Friday.

May meeting ang council kaya nasa school na naman ako. Actually, wala talaga ‘kong pasok pag Friday, pero dahil officer ako, kailangan kong pumasok. Pagkatapos ng meeting, nakaupo lang ulit ako sa tagong garden ng school, mag-isa na naman. Nanlalambot ako. Mga magtatatlong araw na ring hindi nagpaparamdam si Hiro. Aaminin ko na ba? Oo na. Namimiss ko na s’ya. Pa-promise-promise pa s’ya, ganito naman pala.

Para ipaglaban itong nadarama ko, isinigaw ko na lang lahat dahil alam ko namang walang makakarinig sa'kin dito. Nakakainis kasi.

"MEN ARE LIARS!!!!!" sigaw ko.

"Count me out."

Napabalikwas naman ako ng bahagya sa upuan ko. Bakit ba naisipan ko pang isigaw ‘yon?

"Hiro?!" Nagulat ako do’n.

He asked me if I'm alright. Kung may kaaway daw ba ako o ano. Sabi ko naman syempre, wala. Sa totoo lang masaya nga ako kasi pinuntahan n’ya ulit ako. Ang selfish ko pala. Hindi ko man lang naisip na pwedeng busy lang s’ya kaya ‘di s’ya nakakapagparamdam. Pero nandito na s’ya, at ‘yon ang mahalaga. Nagkwentuhan lang kami. Hindi lang pala halata pero napakadaldal n’ya pala. Ang dami n’yang kwento. Kinwento n’ya din kung pano n’ya nalaman ang pangalan ko at ang interest ko sa pagpa-piano. ‘Yong restaurant pala namin ang salarin. Actually, Madison's ang pangalan no’n dahil Madison talaga ang childhood nickname ko. Janella Madison R. Cruz ang buo kong pangalan. Naging Jam lang ako mula noong high school.

Sa kalagitnaan ng kwentuhan namin ay may inabot s’yang cute na doll prince keychain sa’kin.

"Second peace offering ko," he said.

"Sabi ko naman sa’yo----" Hindi n’ya na ko pinatapos kasi nagsalita na s’ya.

"Sabi ko naman sa’yo, babawi ako ‘di ba? That's a promise, okay? Akin na ‘yang bag mo, ikakabit ko."

Napakulit n’ya pala. Kinuha n’ya ‘yong bag ko at ikinabit si Mr. Prince.

"Ang cute. Salamat."

"Ayan ka na naman, nagte-thank you ka na naman."

Parang nahihiyang ngiti ang sinagot ko sa kanya. Napansin kong s’ya naman ang naglagay ng cute doll princess sa bag n’ya na halata naman na kapartner nitong nasa akin.

"Ang cute no?" Parang bata na naman s’ya kung makangiti.

"Oo, boy with a doll princess!" Tapos tumawa ako.

Mukang hindi naman s’ya napikon sa'kin. Tumawa lang s’ya then he started talking again.

"E, syempre, alangan namang kapwa princess mo ang mag-alaga sa’yo ‘di ba, e hindi naman pwede ‘yon. So prince na lang ‘yang sa’yo, para maalagaan ka n’ya. Ako na lang bahala dito sa maliit na prinsesang ‘to", then he tapped Ms. Princess. "Anyway, magsisimula lang ang trabaho n’yan sa’yo everytime na wala ako ha," he said while pointing to Mr. Prince. "At ako naman, dito", referring to Ms. Princess.

 Sobra n’ya kong pinasaya ng narinig ko. Princess daw ako? Ang sweet pala n’ya. Pakiramdam ko, namula ko no’n. Nararamdaman ko kasi ang init ng mukha ko.

"Wow, really? Well thank you for this little warrior." Pa-cute pa ang ngiti ko. Parang langit ang nararamdaman ko nang mga oras na ‘yon.

Nagkwentuhan pa ulit kami na parang walang bukas. Tapos maya-maya, he asked me if he can drive me home. Syempre ‘di naman ako pumayag kasi baka ma-chismis pa kami. Lagot na ‘ko kay Daddy.

Since then, araw-araw na kong tinetext ni Hiro. Nagkekwentuhan kami most of the time. Nagbibiruan. Kulitan. Minsan nga natawag pa s’ya.

Parang naisip ko tuloy, sa wakas, nagka-special na dahilan na rin ako para hawakan ko ‘tong telepono ko.

Syempre, nandyan na si Hiro.

Two Hours MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon