Two Hours More - Six

34.4K 151 21
                                    

“Hindi ba nakareserve ang araw na to para kay Hiro?” Medyo pasigaw ang pagkakatanong n’ya dahil sa ingay sa park. Nakaupo lang kami sa isang bench rito. Napapagod na rin kami ng konti sa kakalakad.

“Wala namang okasyon ngayon no.”

“Mabuti naman. ‘Di kita nakasama no’ng Valentine’s Day gawa no’n e.” Napangiti ako sa narinig ko. “O, anong nginingiti-ngiti mo d’yan?”

“Tampo ka pa rin?”

“Ang daya mo kasi! ‘Di tuloy ako nakapunta sa Black Party ng college namin. Wala kasi akong date.”

“Migs, isang buwan na ‘yon ano ka ba? Move on!” Pinipigilan kong tumawa. Ang sama kasi ng tingin n’ya sa kin. Mula noong pagkatapos ng Black Party na ‘yon lagi n’ya ng binabanggit sa’kin ‘tong pagtatampo n’ya sa’kin. Paulit-ulit. “Ayan kasi. Kung naghahanap ka na ng babaeng mamahalin mo e ‘di sana ---“

“Tigil! Hindi ko kailangang maghanap.”

“Migs, wala ka ba talagang hilig sa mga babae? Lalaki ka ba talaga?”

“Anong sabi mo?!”

“Hindi ‘yon! Alam kong lalaki ka no. Ang sa’kin lang, wala ka ba talagang nagugustuhan? Nililigawan? O sinisikreto mo lang? Ikaw ha. Ako walang sini-secret sa’yo, tapos ikaw ganyan ka.”

“Jam, ano bang sinasabi mo? Secret na ano? E sa wala kong pwedeng ligawan ngayon, anong gagawin ko?”

“Wala talaga? Try mo ma-inlove minsan, masaya promise. Parang gigising ka na lang tuwing umaga na alam mong magiging special ang araw mo dahil sa taong mahal mo. Basta. Unexplainable. Magestic. Fascinating. Ang saya pala nito Migs.”

“Hey, Jam! Nagdi-diliryo ka na ba?”

“Ewan ko sa’yo! Basta ha, pag-nainlove ka na, sasabihin mo sa kin. Tingnan mo tuloy wala kang ibang naaakit sa mga parties mo kundi ako.”

“Ako’y tigilan mo Jam ha. Basta tampo pa rin ako. Bahala ka d’yan.”

“Tampo ka d’yan?! Pumayag ka pa rin naman na kay Hiro ako sumama ah. Nag-usap tayo bago pa mag February 14 ‘di ba?”

“E syempre mas masaya ka kay Hiro. Mas magiging masaya ka kung s’ya ang kasama mo. Hindi ko naman sisirain ang kaligayahan mo. Kaya pumayag ako. Sino ba naman ako piliin mo over someone? Best friend mo lang naman kasi ako.” Madiin ang pagkakabanggit n’ya sa ‘lang’. Nakakatawa talagang magtampo itong best friend ko. Inaartehan lang naman ako nito e. Magpapalibre lang to ng paborito naming ice cream.

“Parang isang buwan na ata akong bumabawi sa’yo dahil sa party na ‘yon?” Tumayo ako at hinila ko ang mga kamay n’ya. “Tara na! Dali, ililibre kita.”

“‘Yon ang sinasabi ko Jam! Kaya mahal na mahal kita e.”

“Ang corny mo Migs ha! Emote ka pa d’yan, papalibre ka lang naman.”

Mapayapa naman kaming nakauwi. Hindi pa rin nawala ang asaran at kwentuhan.

Nang gabing ‘yon, hindi ako pinatulog ng lahat ng sinabi ni Migs kanina. Siguro naaawa na s’ya sa’kin kaya n’ya nasabi ang mga ‘yon. Lagi ko kasing iminumukmok sa kanya ang lahat ng meron sa’min ni Hiro. Buti nga hindi s’ya nagsasawa.

Ang swerte ko talaga sa mga taong nakapaligid sa’kin. Definitely, God has reasons of sending different kind of people in one’s life. Si Hiro, para turuan ako at iparamdam sa’kin ang mga bagay na hindi ko alam noon. Si Migs, para ipamuka sa’kin ang mga bagay na hindi ko nalalaman ngayon.

Malapit na palang matapos ang second semester. Malapit na rin ang birthday ko. Isang araw pa na naka-reserve para kay Hiro. Makapag-celebrate kaya kami together? Sana naman, oo.

Two Hours MoreWhere stories live. Discover now