Two Hours More - One

51.1K 280 15
                                    

Friday.

Quote:

Dumaan ako sa school mo, wala ka. Take care.

Si Hiro ‘yong nagtext. ‘Di n’ya pa din alam na wala talaga kong pasok pag Friday. Nagreply ako at sinabi ko na sa kanya ‘yong tungkol dun.

"Sa bahay ka lang maghapon?"

"No, I was with Miguel, ‘yong best friend ko."

"I see."

Then my phone rang. Tumatawag naman s’ya this time. Katext ko lang tapos biglang tatawag?

"Napatawag ka."

"How was your date?"

"That wasn't a date."

"Really?"

Parang hindi ko gusto tono ng boses nito. Anong problema nito?

"Oo. Sinamahan ko lang s’ya sa pagbili ng regalo para sa Mommy n’ya."

At bakit naman ako nag-eexplain?

"Good." Tapos iniba n’ya na ang usapan. Nagkwento na s’ya ng kung anu-ano. Ano naman kayang nangyayari do’n?

Since birth, best friend ko na si Miguel at hanggang do’n lang ‘yon. Best friends kasi ang mga mommies namin. Mama at Papa na nga ang tawag ko sa parents n’ya, at s’ya din sa parents ko.

Sanay na rin ako na mapagkamalan kaming couple. Doon s’ya nag-aaral sa pinapasukan ni Hiro. Hindi na kami n’yan schoolmates, pero napagkakamalan pa rin kami.

Days passed, at si Hiro, ganon pa rin. Araw-araw pa rin kaming nagtetext and that makes us grow closer and closer. Sa lahat ng kwentuhan at biruan namin, parang mas lalo ko s’yang nakikilala na nagpapalapit talaga sa'min sa isat'isa. ‘Pag minsan nga, ‘pag may project ang grupo namin sa simbahan, sinasamahan n’ya ako. One time pa, ininvite n’ya pa ko na sabay daw kami magsimba. Syempre ‘di ako pumayag. Baka mapatay pa ko ni Daddy.

Kaso naisip ko, ginagawa n’ya lang naman lahat ng ‘to kasi he promised to make it up to me. That makes me so sad. One day, matatapos din to kapag feeling n’ya nakabawi na talaga s’ya sa’kin. Bakit ba kasi sa ganitong paraan kami naging close? The certainty that we'll really be friends is so unclear. Pag nakabawi na s’ya, pupuntahan n’ya pa rin ba ko sa school? Itetext ara-araw o tatawagan?

Probably no. 

Two Hours MoreWhere stories live. Discover now