Two Hours More - Nine

27.8K 124 13
                                    

Jam’s POV

This is karma. Although alam ni Daddy ang paglabas namin, at least karma ko to kasi hindi ko ‘yon pinagpaalam sa kanya. Nang sabihin sa’kin ni Nay Mira na nandito si Dad, lahat na ata ng kaba sa mundo naramdaman ko na. Kinakarma na nga siguro ako. I’m such a bad girl. I’ve been a very bad girl for some time. Ang sama-sama ko.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ko na hindi sinungitan ni Dad si Hiro, o kakabahan dahil baka may bombang sasabog mamaya once na makapasok na kami? Pakiramdam ko isa kong kriminal na may malaking kasalanan. This is bad.

“What’s wrong with Dad?” Nasa likod ako ni Dad kaya hindi n’ya makikita ang pagbuka lang ng bibig ko para kausapin si Migs. Papasok kami sa pinto noon at nandon naman s’ya sa may hagdan. Nakabandera sa mukha n’ya ang itsura ng isang taong wala sa mood, kaya kinibit n’ya lang ang balikat n’ya na parang nagsasabing ‘Hindi ko alam.’ Pagod lang siguro.

Parang biglang uminit sa buong bahay. Si Nanay Mira, tensionado. Si Migs, tahimik na nag-aabang din ng mangyayari. Ako, mamamatay na sa kaba. Nahawakan ko pa ang kamay ni Migs habang nakatayo kami sa may hagdan kung nasan s’ya kanina nang dumating ako. Si Hiro, kausap ni Daddy sa living room at halatang hindi komportable. Si Dad, poker-faced. What is wrong with him?

 Iba ‘yong aura na nakikita ko kay Hiro during that time. Hindi itsura ng isang batang nahuling may ginagawang mali. Pero parang itsura ng isang taong may tinatago at nadiskubre kung ano man ang tinatago n’ya. Pero ano bang pinagkaiba ng dalawang ‘yon, e sa pagkakahuli sa’min ngayon ni Dad, parehas namang magagamit ‘yong nasabi kong ‘yon. Pero iba talaga. Iba.

And then I saw Dad leaving Hiro. Nilapitan n’ya kaming dalawa ni Migs na nasa may hagdan pa rin.

“Oy kayo? Ano kayo d’yan? Kausapin nyo si Hiro, maiinip ‘yon.” Tumingin s’ya kay Nay Mira. “Pakibigyan nyo po sila ng makakain at maiinom.” Pagkasabi n’ya ‘yon umakyat na s’ya sa taas. Naiwan kaming lahat na nagtataka. Si Nanay Mira hindi din agad nakapaghanda ng ipapakain sa’min. Kaming dalawa ni Migs nagkatanginan na lang na para bang may malalaking question mark sa mga noo namin.

“What’s wrong Dad?”

“What’s wrong with Papa?”

Nagkasabay pa ang pagkakasabi namin. Pero katulad ng utos n’ya, pinuntahan namin si Hiro. Hindi naman close ‘yong dalawa kaya hindi sila nag-uusap.

“Anong sabi sa’yo?” Tanong ko kay Hiro.

“Tinanong lang ako ng pang-resumѐ na tanong, baby. Tatay ko, saan ako nag-aral, trabaho ko. Ganon...”

“Tapos?”

“Papapatay n’ya daw ako --- Aray!!” Hinampas ko s’ya sa braso n’ya. Magbiro na s’ya sa kahit anong klaseng panahon, ‘wag lang sa ganitong kinakabahan na nga ko. “Mabait naman pala Daddy mo no?”

“Syempre naman, Daddy ko ‘yon e. Ano ngang sabi?”

“Ang sabi, sa susunod daw, magpapaalam ako sa kanya ng maayos. Tapos sabi n’ya, mananagot daw ako kapag hindi ko ‘yon ginawa at pag may nangyaring masama sa’yo kapag ako ang kasama mo.”

“Sinabi n’ya ‘yon? Seriously?

“Yeah. And lastly pala, umuwi na daw ako bago mag 9pm.”

“Hindi s’ya galit?”

“Hindi, baby. Cool lang.”

“Hindi nga?”

“Oo nga.”

Two Hours MoreWhere stories live. Discover now