Two Hours More - Two

46.6K 251 44
                                    

Two

 

Hiro's POV

Ready na ako. Paninindigan ko ang ginawa kong pagtatapat kay Jam. Handang-handa na ‘ko. Bago ang leather black shoes ko, not-so-tight jeans, and casual long sleeves. I have with me flowers and chocolates for Jam, and of course, myself. Nasa tapat na ‘ko ng palasyo ng prinsesang handa ko ng i-pursue. Hindi ko sinabi kay Jam ang plano kong ito. Sigurado kasi ako na kapag sinabi kong pupunta ako sa kanila ay pagbabawalan n’ya ‘ko dahil nga sa Daddy n’ya.

Nanlalamig na ang pawis ko, medyo nanginginig ang mga kamay ko at nanlalambot ang mga tuhod ko. Kaya ko ‘to.

Magdo-doorbell na ko nang biglang may nagsalita.

"Sino ka?"

Napatigil ako sa narinig ko. Mas lalo akong kinabahan at nanginig. Humarap ako sa taong nagmamay-ari ng boses na narinig ko na nasa likod ko lang pala.

"G-good evening po", sabay lunok ng laway. Mabuti naman akong tao. Wala akong bisyo. Hindi ako masamang lalaki. Malinis ang hangarin ko. Pero bakit kabang-kaba ako? "S-sir. Ako po si Hiro." Hirap na hirap ako sa pagbigkas ng mga salitang iyon.

"I'm sorry hijo, pero call me rude or whatever, pero I honestly have to tell you na no, you can't. Ayoko pang paligawan ang anak ko. Bata pa s’ya. Naiintindihan mo ba?"

"But Sir, I have good intentions po for your daugh---"

"I don't care. Go." Ang lupit n’ya. ‘di man lang ako pinatapos.

"Sir, I'll show you ---" Pinigilan n’ya na naman akong magsalita.

"I don't care. Go. NOW!" Nandilat na ang mga mata n’ya. Nakakatakot pala talaga ang Daddy ni Jam. Kaya naman pala ganon na lang s’ya kadisiplina. Napakabait kasi talaga nun ni Jam. Lahat ng bilin at utos ng Daddy n’ya, sinusunod n’ya. Wala ka na talagang masasabi.

Napabuntong hininga na lang ako.

"I'm really hoping that someday, you'll give me the chance I'm asking from you." I tried to smile after saying this. "Nice meeting you, Sir." Then I left.

Actually, I don't really think it was nice meeting him.

Umalis akong broken-hearted. Pagpasok ko sa kotse ko, hindi ko na napigilan ang pagluha. Naniniwala akong hindi senyales ng isang mahinang lalaki ang pagluha. Pero naniniwala akong senyales ito ng isang tapat na pagmamahal. Katulad ng nararamdaman ko para kay Jam.

I shall not give up.

Two Hours MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon