Two Hours More - One

72K 462 60
                                    

Jam's Point of View

Hiro C. Go. Half-chinese s’ya. Daddy n’ya ang Chinese tapos Filipina naman ang Mommy n’ya. Very casual lang s’ya manamit. Napakatahimik n’ya din lagi. Suplado. Masungit. Para bang dala-dala n’ya lagi ang mundo. Pero kapag ‘yong mga batang tinuturuan n’ya sa simbahan ang kasama n’ya, parang bumabata s’yang tingnan. Ibang-iba si Hiro kapag ang mga batang iyon ang kasama n’ya. At ‘yon ang gustong gusto ko sa kan’ya, ang bait n’ya sa mga bata.

S’ya si Kuya Hiro para sa mga batang tinuturuan n’ya. He’s teaching them, of course, God’s precious words. At s’ya naman si Hiro para sa isang taong tulad ko. Isang taong pinipilit s’yang abutin. Isang taong hinahabol lang s’ya sa tingin; naghahangad na kanyang mapansin; habang hinahangad ang kanyang pagtingin.

Gaano katagal na nga ba? Mga walong buwan pa lang naman. Sabi nila ‘pag lampas apat na buwan mo na daw crush ang isang tao, in love ka na sa kanya. Pero para sa’kin, hindi totoo ‘yon. Kasi hindi ko pa naman s’ya mahal. Paano ka naman magmamahal ng taong hindi mo pa nga masyadong kilala?

Walong buwan. Walong buwan ng paghihintay sa wala. Malabo naman kasi masyado ang lahat. Sa pagkakaalam ko, sila pa rin ng girlfriend n’ya. Dalawang taon na ata sila. At kung wala man s’yang girlfriend, paano naman n’ya ko magugustuhan? Unang-una, napakasimple ko. ‘Yong buhok at mukha ko, walang ayos, wala akong dating, walang appeal. Boring. Not so interesting. Hindi ko naman magagawang baguhin ang sarili ko. Anong magagawa ko, ito ako.

Mag-aalas onse na. Kung anu-anong naiisip ko, hindi tuloy ako makatulog. Tapos iniisip ko pa ‘yong kanina. Ang galing. Kahit na kinabahan ako do’n, at least nag-krus ang landas namin ni Hiro kahit saglit.

Lumipas ang gabi at nang nagising ako no’ng umaga…

“OMG.” Ito na lang nasabi ko nang mahawakan ko cellphone ko. “OMG.”

Quote:

Hi Jam. Good evening. Hmm. Just wanna say I’m sorry about kanina, and thank you for that wonderful favor. I honestly want to tell you that you were awesome. ‘Yong pagtugtog mo, pagkanta mo… Everything. Perfect. Hiro

Quote:

And anyway, I think I owe you an explanation. That was Kuya’s dream wedding, and ayoko naman masira ‘yon. Pasensya ka na talaga, nadamay ka pa. Kuya would like to say thank you nga pala. Sabihin ko daw sa’yo. I hope you understand. Goodnight. Hiro.

Sa sobrang saya ko, umabot na sa batok ko ang ngiti ko. Una kong ginawa, sinave ko muna ang number n’ya. Tapos, nagreply naman ako.

Quote:

Forget about that Hiro. Of course, I understand. Hmm.. Are you sure? Anyway, thanks.

Hindi ako masungit na tao. Wala pati akong dahilan magsungit dahil ang saya-saya ko nga dahil nagtext s’ya. Ayoko lang isipin n’yang okay na ang lahat pagkatapos kahapon. Dahil hindi pa ‘ko okay. Medyo hindi pa ko nakaka-get over kaya kahit konting inis ay meron pa rin ako para sa kanya.

Pero, sa totoo lang, medyo umaasa ako ng konti na magrereply s’ya. Tapos magkekwentuhan kami sandali. Tapos masusundan pa sa ilang araw. Tapos magiging magkaibigan kami. Finast forward ko na nga ang lahat lahat. Pero, hindi s’ya nagreply! Mas lalo tuloy akong nainis. Ano ba ‘yan?

Quote:

Sorry if it took me two days bago makareply. It seems like you’re still mad at me. I really hope I could make it up to you. Again, I’m sorry.

Two Hours MoreWhere stories live. Discover now