Two Hours More - Three

41.3K 204 18
                                    

GRADUATION DAY.

Nasa dorm lang ako. Si Dad naman, 30 minutes away na daw from here. Isang oras pa naman bago magsimula ‘yong ceremony. Hindi ako excited, hindi ko pa rin nararamdaman si Jam kahit sa text man lang. Gaano ba kalaki ‘yong favor na to? Sana naman makarating s’ya.

The ceremony started. Wala akong buhay. Jam, nasan ka na ba?

Miya-miya may text akong natanggap. Inasahan ko na s’ya na ‘yon pero hindi pala. Si Niko pala ‘yon.

Quote:

 Uy bro, anong iniisip mo?

“Wala pa si Jam. Kainis.”

“Nyak. Asa ka pa eh ‘di baka pinagalitan na ‘yon ng Daddy nun. Yaan mo na. Enjoy the moment.”

How could I even enjoy this moment?

 30 minutes passed. I'm starting to get bored. Inikot ko lang ‘yong paningin ko sa buong stadium. Jam, nasan ka na ba kasi?

 "Wait, si Jam ba ‘yon?" napaisip ako. Parang nakita ko kasi s’ya. Kahawig ng babaeng ‘yon ‘yong likod ni Jam.

 "Come on, look at this side. Look at this side." I thought again. They say hypnotism like this works.

 And just like magic, she turned her side to my direction.

 "JAM!"

 Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong s’ya nga ‘yon. Tuwang tuwa ako. Kaya walang habas akong tumayo sa kinauupuan ko. Wala akong pakialam kung magtinginan man sa’kin ang mga tao. Wala din akong pakialam kung pumangit ang video coverage ng graduationg ito. Basta ang mahalaga nandito si Jam. Tapos ang usapan.

 "Princess." Nagulat s’ya nang nakita n’ya ko.

 "Hiro." She just smiled.

 "You came."

 "Sorry ha. Hinintay ko pa kasi si Miguel na sunduin ako --- Hiro wait!"

 Hinila ko s’ya palabas ng stadium. Mabuti na lang sa pintong nilabasan namin walang masyadong tao. Kasi right after stepping put of the door, I hugged her.

 "Hiro."

 "Thank you dumating ka. Akala ko talaga hindi kita makakasama ngayon."

 Wala s’yang kibo. Nakatayo lang s’ya. Gulat na gulat siguro. Ngayon ko lang kasi ginawa to sa kanya. Siguro sa sobrang saya ko na lang talaga.

 Hinawakan ko ang dalawa n’yang pisngi.

 "Pinasaya mo ko."

 Ang sarap talagang balik-balikan ng araw na ‘yon. Isa na sa mga pinakamasayang araw ng buhay ko ‘yon. 

Two Hours MoreWhere stories live. Discover now