Two Hours More - Five

37.6K 184 34
                                    

Hiro's POV

Goodbye.

Life has given me different examples just to explain to me what goodbye is. ‘Yong unang beses ay nang iwan kaming dalawa ni Daddy ni Mommy para makasama ang ibang lalaki. ‘Yong pangalawang beses ay nang nakipag-break sa’kin ang una kong girlfriend sa kadahilanang hindi ko na nalaman. The third time was when I had to break up with Liah because of her another man. And the fourth goodbye? Which happened to be the hardest of it all? Was when Mom died and left me again, but this time, for a lifetime.

Jam has just made things easy for me, or for us. Kung hindi n’ya siguro ako pinilit na puntahan at kausapin si Mommy, sa palagay ko, hindi ko man lang masisilayan si Mommy bago pa man s’ya tuluyang nawala. Hindi man lang namin nalaman ni Dad na may sakit na pala s’ya. Nilabanan n’ya ang sakit na ‘yon kasama ang pangalawa n’yang pamilya. Hindi n’ya man lang kami binigyan ng pagkakataon na samahan s’ya. Nalaman ko na lang nang huli na. Nalaman na lang ni Dad nang wala na s’ya. Habang humihinga pa ko, mananatili ‘yon sa isip ko. ‘Yong araw na nakita ko s’ya ulit. ‘Yong araw na naramdaman ko muli ‘yong pagmamahal n’ya.

And even until now, Jam is still making things easy for me. Dahil bukod sa Diyos, dahil rin sa kanya, nagagawa ko pa ring ngumiti kahit sobrang lungkot na ang nararamdaman ko.

Sobrang tagal ko ng hiniling sa Diyos na sana magkaroon ako ng tapang na puntahan s’ya. At noong nagkaroon na nga ‘ko ng tapang na kailangan ko, tsaka pa s’ya nawala. Pero hindi ko naman S’ya masisi, tinupad n’ya pa rin ang panalangin ko. Not too early. Not even too late. Just on time. Just before Mom was gone. Tinupad n’ya pa rin ‘yong panalangin ko.

Sana itong sunod kong ipapanalangin ko sa Kanya, pagbigyan n’ya rin ako. Sigurado naman ako na tutuparin n’ya ‘yong ipinagdadasal ko. Ang hindi ko lang alam ay kung kailan. Tiwala lang ang kailangan.

Goodbye.

Ito ang pinakamasakit na salitang aayawan mong sabihin kahit na kanino, lalo na sa taong sobra-sobrang minamahal mo. Bakit ka nga naman ba magpapalam sa isang taong wala ka ng ibang ginusto kundi makasama?

Kaya simula ngayon, ituturing kong biyaya ang bawat araw na makakasama ko pa ang mga mahal ko. Wala akong oras na sasayangin. Bawat pagkakataon ay mahalaga.

Two Hours MoreWhere stories live. Discover now