Two Hours More - Ten - Day 64-68

27.6K 124 20
                                    

This is for you Joy! Thank you thank you ng super sa pagbabasa talaga!


Jam's POV 

Day 64 Saturday

“Dito nagsimula ang lahat,” sabi ko sa isip ko.

Nasa simbahan kami ni Hiro. Nasa pinakahuling upuan kami at tahimik na nakaupo habang nakikiramdam lang sa isa’t-isa. Dito pala n’ya ko dadalhin nang sabihin n’yang magkita kami ngayong Sabado. Walang nagbabago sa pangangatawan n’ya. Malalim pa rin ang mga mata. Nanghihina. Mabuti na nga lang at hindi na s’ya mas pumapayat pa. Hanggang do’n na lang s’ya sa kung gano s’ya kapayat no’ng isang buwan. Stressed ba s’ya? Parang ngayon. Tahimik na tahimik na naman. Parang ang lalim-lalim na naman ng iniisip.

 “Hiro, may pinoproblema ka ba? Pwede mo namang sabihin sa’kin.”

Ngumiti s’ya na parang napapakunot ang noo. “Bakit mo naman naisip ‘yan?”

“Tingnan mo ‘yang mata mo o, tapos parang lagi ka na lang may iniisip.”

“Ikaw talaga. ‘Wag mo kong alalahanin.” Paano naman kayang hindi ako mag-aalala? Hinawakan n’ya ang kamay ko at tumayo. Ako naman ay sumunod na lang.

Dinala n’ya ko sa aisle ng simbahan at sabay kaming naglakad papuntang altar habang magkahawak ang kamay. Naisip ko tuloy na sa susunod na maglalakad ulit ko sa aisle na ito, sana, dahil nando’n s’ya sa may altar at hinihintay akong maihatid na ni Daddy papunta sa kanya. Ang sarap mangarap.

Ilang sandali pa, nakaharap na kaming dalawa sa altar ng simbahang saksi sa simula ng istorya naming dalawa. Magkahawak pa rin ang mga kamay namin.

“I, Hiro C. Go, take you baby…my princess, to be my wife and my queen…”

Napatawa na lang ako sa sariling version n’ya ng wedding vow. Pero ‘yong luha ko nagpapaalam sa’kin na lalabas na daw sila mula sa mga mata ko. Humarap s’ya sa’kin at nagsalita.

“San mo gustong ikasal baby?”

“H-ha?” Nagulat ako sa pagkakatanong n’ya. “D-dito.” Kasi sigurado naman ako na s’ya ‘yong taong pakakasalan ko kaya, halimbawa lang naman na akitin n’ya ko in the next years, dito ko gusto. Ayoko sa iba, dito lang ang gusto ko. Kanina pa ko nangangarap, sa totoo lang.

Nakita kong ngumiti s’ya. “Maganda nga dito. Ako nga din, dito ko sana gusto.” Tumingin s’ya sa’kin. “Princess, promise me, you’ll be married someday. Have kids. Have a family of your own. Just like what you’ve wanted. Ha?”

Nawala bigla ang ngiti sa labi ko at napaisip. Dito ko sana gusto. O, bakit naman hindi? Bakit sana? And what about him making me promise some things?

I was trying to see beyond his words. I was trying to look for a deeper interpretation of his words through his eyes. Pero wala akong makuhang sagot. Ang blanko ng mata n’ya. O blanko lang ang isip ko?

“W-what do you mean?”

“Kasi kung ipapangako mo, ibig sabihin tutuparin mo. Kaya gusto ko mag-promise ka. Na kahit anong mangyari, you’ll be married.”

As if he’s saying this because he’s not --- NO. Stop.

“Baby…” Niyuyugyog n’ya ang kamay ko na hawak n’ya.

Magpa-promise lang ako kung sure ako na ikaw. Pero sa pananalita mo bakit parang hindi magiging ikaw? Kaya ayoko.

“Ayoko…” Naiisip ko pa lang na hindi s’ya, ayoko na. Hindi nakisama ang mga luha ko dahil bigla silang bumagsak. Nababaliw na ata ako kakaisip kaya kung anu-ano na tuloy ang nagagawa’t nasasabi ko.

Two Hours MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon