Two Hours More - Five

35.5K 156 17
                                    

Jam’s POV

Ngayong araw na to ang birthday ng pinakamamahal kong prinsipe. Ito ang kauna-unahang birthday n’ya na ma-cecelebrate namin mula nang nagkakilala kami. February kasi ‘yon last year no’ng nag-meet kami, kaya ngayon lang talaga. Pero hindi kami magkasama. Ipinagdiwang namin ang birthday n’ya sa pamamagitan ng makapangyarihang webcam ng laptop. Cyber celebration. Nakakalungkot man, pero mas okay na rin kesa wala na talagang kahit anong klaseng celebration.

“Tingan mo ‘yang eyebags mo o, ang laki-laki na. Ang pula pa pati ng mata mo, tapos, nag-aakit ka pa ng dinner? Ano ka nagpapakamatay sa pagod? Ang layo-layo ko kaya sa’yo. Magda-drive ka pa ng matagal.”

“Kahit na, at least ikaw naman ang makakasama ko sa mismong birthday ko, so I won’t mind. E kaso, hindi umayon ang lahat sa schedule ng Daddy mo, kaya ayun, sayang. Pero masaya na ko ng ganito. Pakurot ako Princess!!” Ngiting-ngiti pa s’ya habang kunwari kinukurot n’ya ko mula sa loob ng monitor. Ang cute n’ya. Kinikilig tuloy ako. “Thank you talaga.” Pahabol n’ya pa.

“You’re welcome Hiro. Teka, may gift ako sa’yo. D’yan ka lang ha, wait lang.”

“Sige ba, dito lang ako, hindi ako gagalaw.”

Narinig ko pa ang pagtawa n’ya habang naglakad ako papalayo ng laptop. Kukuhanin ko ‘yong gift ko para sa kanya na nilagay ko sa may bintana ng kwarto ko.

“Happy happy birthday Hiro!!!” Punong-puno ng saya ang pagkakasigaw ko nang nakabalik na ko sa harap ng laptop, bitbit na rin ang regalo ko para sa kanya, pero nawala ‘yon kasi nakita ko ‘yong reaction n’ya. Hindi kasi s’ya mukang masaya. Malungkot ‘yong mga mata n’ya.

Nawala ang ngiti sa mukha ko. Napalitan rin ng lungkot. Hindi n’ya man lang nagawang mameke ng ngiti kung ayaw n’ya pala sa regalo ko. Hirap na hirap pa naman kami ni Migs na makahanap ng cute na hamster, tapos ganun lang ang magiging reaction n’ya. Nakakainis.

“A-ayaw mo siguro no? Sorry ha, akala ko kasi gusto mo ‘to. Babawi ako, promise.” Binaba ko na ‘yong cute na hamster na para sa kanya. Ang alam ko kasi paborito n’ya talaga to. Pero bakit ganon, muka s’yang disappointed. Maluha-luha na ko sa lungkot. Ang sama pala sa pakiramdam ng ganito.

“H-hindi. Ano ka ba, masaya ko. Favorite pet ko kaya ‘yan. Thank you ha. Teka, bigyan natin ng pangalan.”

Kunwari, masaya na ‘yong itsura n’ya. Pero hindi s’ya magaling umarte. Halata naman sa mga mata n’ya. Nalungkot ako ng sobra dahil sa ginawa n’ya.

“Wag na. Ayaw mo naman e.” Matamlay ang pagkakasabi ko no’n sa kanya. Ano namang magagawa ko ung ayaw n’ya sa regalo ko? Pwede ko namang alagaan to ng sa’kin kung ayaw n’ya pala.

“H-hindi, Jam naman. Pwede ko ba namang ayawan e galing sa’yo ‘yan?”

“Ewan ko sa’yo!”

Two Hours MoreWhere stories live. Discover now