Two Hours More - Five

37.2K 176 17
                                    

Jam’s POV

Alam kong malungkot pa rin si Hiro sa pagkawala ni Tita Martha. Sino ba naman ang hindi kung iiwan ka ng magulang mo? Pero masaya na rin ako na nakikita s’yang nagiging maayos na habang lumilipas ang mga araw. He’s a man of strength. Hanga ako na nagagawa n’ya pang ngumiti pagkatapos ng nangyari. Basta ako, nandito lang ako lagi para sa kanya, lalo na sa mga ganitong kailangan n’ya talaga ng kasama.

Nitong haponmang flight ni Daddy para sa isang business trip. Ito ang dahilan kung bakit nagkasama kami ni Hiro para sa isang dinner. Kasama namin no’ng una si Tito Harry, ang Daddy n’ya. Naging masaya naman ang dinner namin. Sobrang palabiro ng Daddy ni Hiro. Magaan ang loob ko sa kanya. Nagkakasundo na kami mula pa nang una kaming nag-meet. At kung hindi ako nagkakamali, ‘yon ay no’ng graduation ni Hiro. Mula noon, naging close na rin ako kay Tito.

Pagkatapos ng dinner namin, umalis na rin si Tito. Maaga pa naman noon at sabi ni Hiro, may surprise daw s’ya sa’kin. Simple lang, isang stargazing date. Bago ko pa makilala at maging crush si Hiro, at maging first love na rin, sabi ko noon pangarap kong magkaron ng isang stargazing date kasama ang isang espesyal na lalaki. Ginagawa kasi namin ‘yon ni Migs, kaya gusto ko gawin rin namin ng special someone ko someday. At ito na nga ‘yon. Ang saya-saya. Hindi ko sinasabi kay Hiro ‘yong tungkol sa dream date ko na ito. Siguro naisipan n’ya lang talaga dahil alam n’ya nga na mahal ko ang mga bituin. Hindi ko alam kung bakit pero may malaki talaga kong paghanga sa mga stars. Kasing ningning naman ng mga ‘yon ang mga mata ko dahil sa ginawa n’ya.

“Princess, anong balak natin sa pasko?” Nakatingin ako noon sa mga bituin kaya’t napalingon ako sa kanya habang nandudulat ang mga mata ko sa gulat. Seryoso kasi ang pagkakatanong n’ya sa’kin.

“Pasko? Natin?”

“Sige na. Gusto kong magkasama tayo. Tapos sa bagong taon pa. Sa Valentine’s Day. Tapos, sa birthday ko pa.” Birthday n’ya na nga pala sa January. “Tapos magbe-birthday ka pa! Hindi na talaga ko papayag na hindi tayo makapag-celebrate nun. Princess, lahat ng ‘yon, dapat ma-celebrate natin ng magkasama. Sayang naman kung hindi.” Hindi ko napansin kaagad na hawak n’ya na pala ‘yong kamay ko no’n.

Seryosong seryoso ang pagkakasabi n’ya no’n sa sa’kin. Parang ang lalim ng pinaghuhugutan n’ya. Nakatingin lang tuloy ako sa kanya. Bakit kaya? Anong meron? Bakit parang iba ‘yong nararamdaman ko sa sinasabi n’yang to?

“Princess, seryoso ako.” Nakatingin pa rin ako sa kanya.

“B-bakit? A-aalis ka ba? Mag-a-abroad ka?”

Hindi ko alam kung saan galing ‘yong mga nasabi kong ‘yon. Pero ‘yon talaga ‘yong una kong naisip dahil sa sinabi n’ya. Hindi pwede ‘yon. Paano na lang ako?

Two Hours MoreWhere stories live. Discover now