Chapter 1.2

3.5K 122 2
                                    

Patuloy na naglunoy sa malinis na tubig ang walang kamalay-malay na babae habang siya naman ay walang tigil sa ginagawa. Malapit na sa kaluwalhatiang inaasam. Para na siyang nilalagnat sa sobrang init. Ano mang oras ay sasabog na ang lahat ng pagtitimpi niya. Kaunting hagod na lang. Kaunting pisil na lang. Napapikit siya nang mariin.

"Arabella?"

Napakislot si Draven pagkarinig sa tinig na iyon. Mabilis siyang tumigil sa ginagawa at nagpakatago-tago sa likod ng mga halaman. Nakita niya ang isang babae na nakatayo sa pampang ng ilog. Medyo may edad na ito, may kaliitan at maitim. Sumisigaw ito habang nakatingin sa babaeng naglulunoy sa ilog.

"Ano ka ba, Arabella? Hindi ba't ang usapan natin ay sasamahan kitang maligo dito sa ilog? Ano't iniwan mo na naman ako?"

Matinis na humalakhak ang babae na tinawag na Arabella. Dahan-dahan itong naglakad patungong pampang.

"Arabella pala ang pangalan niya. Napakagandang pangalan." bulong ni Draven na naantala sa ginagawa.

"Alam ko namang susundan mo ako rito, Aurea. Kaya para ano't hihintayin pa kita?" Nakangiti si Arabella habang palapit kay Aurea. Lalong nabistahan ni Draven ang kabuuan nito. Magaganda rin ang hubog ng mga hita at binti nito. At matangkad kumpara sa karaniwang Pilipina. Saglit niyang nakalimutan ang ginagawa upang panoorin ang kabuuan ni Arabella.

"Gusto mo talagang napapagalitan ako ng lolo mo, ano?" inis na wika ni Aurea habang iniaabot sa dalaga ang malaking tuwalya.

"Hindi ka na nasanay kay lolo," sagot ni Arabella habang binabalot ng tuwalya ang buong katawan. Napabuntong-hininga si Draven nang matabingan na ang kanina lang ay pinapantasyang katawan. "Saka eighteen years old na ako. Hindi na ako kailangang bantayan palagi."

"Ano ngayon kung eighteen ka na? Alalahanin mong nag-iisa kang kapamilya ng lolo mo. Natural lang na pangalagaan ka niya."

"Ang sabihin mo, praning lang masyado si lolo. Feeling niya lagi ay may aagaw sa akin mula sa kanya."

"Hindi mo siya masisisi, Arabella. Ilang beses na siyang nawalan ng mga mahal sa buhay. Una ay ang unang asawa niya at anak. Sumunod naman ay ang iyong ina."

"Ah, basta. Hindi talaga normal ang pagiging overprotective niya sa akin. Minsan ay nasasakal na ako sa kaniya."

Napailing na lang si Aurea sa pagmamatigas ni Arabella. "Halika na. Bata ka, hindi ka ba natatakot sa lugar na ito at ang lakas ng loob mong pumunta rito nang mag-isa?"

"Wala namang ibang pumupunta rito, Aurea. Saka nasa hangganan ng lupain ni lolo ang lugar na ito. Ibig sabihin, bago sila makarating dito, kailangan muna nilang dumaan sa napakalawak na teritoryo ng mga Duarte," pangangatwiran ni Arabella habang tinutuyo ang buhok gamit ang mas maliit na tuwalya.

"Iyan ang akala mo," inis na sabi ni Aurea. "Paano kung sa kabila ng ilog sila dumaan? Hindi na teritoryo iyon ng mga Duarte kundi sa mga Garteri na."

"Gualtieri, Aurea," natatawang wika ni Arabella.

"Gualtieri na kung Gualtieri. Aber, paano nga kung doon dumaan ang ibang tao na nakabalita na sa ganda ng talon na ito at makita ka? Sa ganda mong iyan, siguradong mapapahamak ka."

"Ano ka ba, Aurea? Paano naman makakadaan ang mga tao sa lupain ng mga Gualtieri ay napapalibutan iyon nang matataas na bakod?

"Eh, paano kung iyong nakatira mismo sa loob ng bakuran na iyon ang maligaw dito?"

Muling humalakhak si Arabella. "Ano ba'ng pinagsasabi mo? Alam nating lahat na walang nakatira sa malaking kastilyo roon. At ni minsan ay hindi yata dumalaw doon ang may-ari. Isa pa ay alam mo namang kayang-kaya kong ipagtanggol ang aking sarili, hindi ba?"

"Iyan ang akala mo." Umingos pa si Aurea. Pero alam mo ba? Kanina habang nasa palengke ako ay usap-usapan doon ang tungkol sa pagliliwanag ng buong kastilyo kagabi? Inisip ng mga tao na malamang ay dumalaw din doon ang may-ari sa wakas."

"Baka naman si mang Andoy lang iyon, iyong katiwala."

"Hindi tumitigil doon si mang Andoy sa gabi. Natatakot yata o ano."

"Eh, di tanungin si mang Andoy kung dumating na ang may-ari ng kastilyong iyon."

"Iyon nga ang plano ng mga tsimoso't tsismosa sa palengke. Ang siste, ilang araw nang hindi nakikita si mang Andoy. Wala pa naman iyong pamilya o kamag-anak dito kaya wala ring mapagtanungan ang mga tao."

"Kinikilabutan naman ako sa kuwento mong iyan, Aurea. Mabuti pa ay umuwi na tayo." Dinampot ni Arabella ang hinubad na damit na nakapatong sa malaking bato at mabilis na lumakad palayo kasunod si Aurea.

"Basta huwag mo nang uulitin ito, ha? Mangako ka kung ayaw mong pugutan ako ng ulo ng lolo mong masungit."

"Opo," parang batang tumakbo si Arabella papasok sa kahuyan. Humahalakhak pa ito. Walang nagawa si Aurea kundi habulin ito habang humahalakhak din. Maya-maya pa ay tuluyan nang mawala sa paningin ni Draven ang dalawang babae.

Napabuntong-hininga na lamang siya. Mukhang hindi maganda ang unang araw niya sa lugar na ito. Bukod sa hindi siya nagkaroon ng lakas ng loob na makipagkilala kay Arabella ay nabitin pa siya.

DEEP WITHIN YOU (Into the Darkness Series Book 1) Published in PaperbackWhere stories live. Discover now