CHAPTER 23.1

1.8K 93 7
                                    


Sa tulong ng liwanag ng buwan ay nakita nila sa di-kalayuan si Don Leandro na nakahiga sa batuhan habang nakatali ang mga paa at kamay. Mabuti na lang at kati pa ang dagat kung kaya ligtas pa ang matanda ngunit sa oras na tumaas na ang tubig ay siguradong malulunod ito.

Tinangka nilang lapitan ang don nang biglang sumulpot din sa batuhan si Braedan. Nakatayo ito malapit sa kinahihigaan ng matanda. Nanlilisik ang pulang-pulang mga mata. Iwinawasiwas ng hangin ang laylayan ng suot nitong mahabang black coat.

"Sabi ko na nga ba, hindi ako mahihirapan sa paghahanap sa inyong tatlo, kusa kayong pupunta rito upang iligtas si Blackfire," nakangising sabi nito.

"Pakawalan mo ang aking lolo," matapang na utos ni Arabella.

Sinulyapan siya ni Braedan. "Madaling gawin iyan, Arabella, pero may kapalit."

"Kung ang Ragnor ang tinutukoy mong kapalit ay mabibigo ka," sambot ni Draven. Tahimik namang nakikiramdam si Athan.

"I didn't come here for nothing. Kailangan ninyong mamili, si Blackfire o ang Ragnor?"

"Kukunin ko ang lolo ko nang hindi kailangang ibigay sa iyo ang Ragnor,"sagot ni Arabella. "Labanan mo ako, Braedan Voldova. Kapag natalo mo ako, kusa kong ibibigay ang Ragnor sa iyo."

Matalim na tumitig ang bampira sa kanya. "Do not underestimate a Demonic Vampire, Arabella. You are nothing but a lowly human. Without the Ragnor in your hands, you are just an ordinary woman."

Hindi nakatiis si Draven, humakbang ito palapit sa kinaroroonan ni Braedan. "Ako ang harapin mo, Braedan. Tapusin na natin ang laban dito."

"My pleasure." Umangat ang mga paa ni Braedan mula sa batuhan at lumipad patungo sa kinaroroonan nila.

Hindi na hinintay ni Draven na makalapit pa si Braedan. Lumilipad din na sinalubong nito ang Demonic Vampire sa ere. Agad na nagpalitan nang malalakas na suntok at tadyak ang dalawang bampira nang magpang-abot sa himpapawid.

Mabilis na tinakbo ni Arabella ang kinaroroonan ni Don Leandro nang biglang sumulpot sa ibabaw nito si Claudiu. Nakalabas ang mga pangil at mahahabang kuko na nakahandang ibaon sa leeg ng matanda.

"Huwag kang lalapit kung ayaw mong maging Nosferatu ang iyong lolo."

"Gagawin muna kitang abo bago mo magawa iyan," banta niya gamit ang bilis na nagmumula sa Ragnor.

Ngunit napahinto siya sa pagtakbo nang makarinig ng kakatwang ingay. Nang lumingon siya ay nakita niya ang pagdating ng isang hukbo ng mga Nosferatu na sabay-sabay na sumasalakay ngayon kay Athan. Pagtingala niya ay namataan naman niya ang lumilipad na isang hukbo ng napakaraming Demonic Vampire.

Mabilis niyang ipinihit ang mga mata upang tulungan si Athan. Saglit niyang nalimutan si Don Leandro.

Ang mga sumunod ay ang nakapangingilabot na labanan sa lupa, tubig at himpapawid. Hinarap ni Arabella ang mga Nosferatu sa lupa, samantalang si Athan laban sa mga Demonic Vampire sa ere at si Draven naman laban kay Braedan sa tubig.

Humahagis ang bawat Nosferatu na tinatamaan ng talim ng Ragnor. Alam ni Arabella na kaya niya ang mga kalaban ngunit nag-aalala siya para sa kanyang mga kasama. Alam niyang mahusay si Athan ngunit hindi sapat ang galing nito sa dami ng kalaban. Si Draven naman ay dehado lalo na't sumali na rin sa laban si Claudiu upang tulungan si Braedan. Kitang-kita niya kung paano patraydor na sumalakay ang bampira mula sa likod ni Draven dahilan upang malamangan ang binata.

Minadali niya ang bawat atake sa mga Nosferatu upang matulungan sina Draven at Athan, ngunit nakapagtatakang hindi nauubos ang mga ito at sa halip ay lalo pang dumarami. Nang sulyapan niya si Athan at Draven ay kapwa duguan na ang mga ito at nanghihina. Alam niyang kailangan ng mga ito ang tulong niya pero hindi siya makawala sa mga Nosferatung hindi maubos-ubos.

"Draven," bulong niya nang makitang ilang Demonic Vampire ang nagtutulong upang gapiin ang binata. Sinikap niyang lapitan ito pero humadlang ang napakaraming bampira. Ngayon ay hindi lang mga Nosferatu ang kalaban niya dahil sumali na rin ang iba pang Demonic Vampire laban sa kanya.

Dumagundong sa buong dalampasigan ang tinig ni Braedan. Nakalutang ito sa ere, bakas sa mukha ang tagumpay. "Ang Ragnor o ang buhay ng mga mahal mo, Arabella."

"Huwag, Arabella," hirap na sabi ni Draven. Nakaluhod ito sa buhangin habang hawak ng dalawang Demonic Vampire sa magkabilang braso. Nasa likod nito si Claudiu, hawak ang isang malaking tipak ng bato at nakahandang ibagsak sa ulo ng binata.

Galit na hinarap ni Arabella si Braedan. Tumigil naman ang mga Nosferatu sa pagsalakay sa kanya. "Traydor ka, Braedan. Bakit hindi ako ang labanan mo nang makita mo ang hinahanap mo?"

"We don't need to fight. Ang Ragnor lang ang kailangan ko."

Hirap na sumigaw mula sa batuhan si Don Leandro. "Huwag kang maniniwala sa demonyong iyan, Arabella. Huwag mong ibibigay ang Ragnor ano man ang mangyari."

"You lose the fight, Arabella. Sa mga kamay mo nakasalalay ang buhay nilang tatlo. Ibibigay mo sa akin ang Ragnor o papatayin ko silang lahat?" giit ni Braedan.

"In your dreams, demon! Your hands will never touch my sword," nanggigigil na sagot niya habang hawak nang mahigpit ang espada.

Sumigaw rin si Athan habang patuloy pa ring nakikipaglaban. "Give the Ragnor to Draven, Arabella, or all of us will die here,"

"No, Arabella," sambot ni Draven. "Hindi mo kinakailangang ibigay kanino man ang Ragnor. Labanan mo silang lahat gamit ang espadang iyan."

Luhaang tinitigan niya ang duguang binata. Parang pinipiga ang puso niya sa nakikitang paghihirap nito. "I don't want you to die, Draven. Sana'y noon ko pa ibinigay ang espadang ito kung alam ko lang na mangyayari ito. Sana'y hindi ako nagpilit na pumunta rito..."

"Then what are you waiting for? Hihintayin mo bang mamatay tayong lahat bago ka magpasya?" galit na sabi ni Athan. Nang isang tadyak ng isang Demonic Vampire ang hindi nito naiwasan. Humagis si Athan sa malayo na agad namang sinundan ng iba pang bampira upang dumugin. Alam ni Arabella na hindi na nito makakaya pang lumaban.

"One down. Draven will be the next," pagbabanta ni Braedan. Hudyat iyon upang itaas ni Claudiu ang hawak na tipak ng bato upang ibagsak sa ulo ni Draven.

"Huwaaaag!" Nakapangingilabot ang sigaw niya.

"Ang Ragnor, Arabella. Kapalit ng buhay ng taong mahal mo." Inilahad ni Braedan ang kamay.

Mabilis ang naging pasya niya. Inihagis niya ang Ragnor sa direksyon ni Braedan. Agad itong sinalo ng bampira. Humahalakhak na itinaas pa nito ang hawak na espada tanda ng tagumpay.

"Sa wakas. Nasa akin na ang espadang uubos sa lahat ng Mystical Vampire at magiging simbolo ng aking kapangyarihan."

DEEP WITHIN YOU (Into the Darkness Series Book 1) Published in PaperbackWhere stories live. Discover now