CHAPTER 25.1

2.2K 107 13
                                    


Tahimik na ang buong dalampasigan na kanina lang ay naging saksi sa madugong labanan sa pagitan ng dalawang hukbo ng mga bampira. Nagkalat ang mga bangkay ng mga Nosferatu at Demonic Vampire. Ang mga minalas na tamaan ng Ragnor ay tanging abo na lang ang naging labi kabilang si Braedan Voldova.

Natanaw ni Draven si Athan na papalapit sa kanya, kasunod ang isang lalaki na pamilyar na sa kanya.

"Maraming salamat, Athan," sabi niya nang makalapit ang lalaki. Inilahad niya ang isang palad upang kamayan ito.

"Hindi ka sa akin dapat magpasalamat, Draven. Tapos na sana tayong lahat kanina kung hindi dumating si Armand Mondragon," sabi ni Athan.

Draven dropped his lower jaw. Kilala niya si Armand Mondragon pero sa pangalan lamang. A familiar ache crushed his heart.

"Draven, ipinapakilala ko sa iyo si Armand Mondragon, ang iyong ama," sabi ni Athan sabay turo sa lalaking katabi nito.

Hindi makapaniwalang sinulyapan niya ang lalaking itinuro ni Athan. Ito ang lalaking hindi nagawang barilin siya noong gabing nahuli siya sa mansion ng mga Duarte, ito rin ang lalaking buong husay na lumaban sa mga Demonic Vampire kasama ni Blackfire. At ito rin ang taong nagligtas sa kanya sa tiyak na kamatayan kanina.

At ang lalaking ito ay walang iba kungdi...ang kanyang ama.

Hindi niya alam ang susunod na gagawin. Nanatili lang siyang nakatitig kay Armand. Nakangiti ang lalaki na para bang hinihintay siya na lapitan ito. Ngunit patuloy na nagtalo ang kanyang puso at utak sa kadahilanang hindi siya handa sa pagkakataong ito.

Finding the man who abandoned him and his mother was never in his plan.

Nang isang tinig ang narinig niya mula sa likuran. "Tama siya, Draven. Siya ang iyong ama."

"Mama?" Hindi makapaniwala si Draven nang makita ang ina. "Narito ka rin pala."

"Oo naman. Isa rin akong warrior ng ating coven. Kung nasaan ang digmaan ay naroon din ako. At labis akong natutuwa dahil magkakasama tayong tatlo na lumaban sa kasamaan." Yumakap sa kanya ang ina. Pagkuwa'y nakangiting hinarap si Armand Mondragon. "Kumusta, Armand? Wala ka pa ring kupas sa pakikipaglaban."

"At ikaw rin, Astrid. Wala pa ring pagbabago . Napakaganda mo pa rin gaya ng dati."

"Ipinagpapasalamat ko ang pagliligtas mo sa ating anak." Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi ni Astrid. Bakas sa mukha nito ang kaligayahan sa muli nilang pagkikita ni Armand.

"Ako ang dapat magpasalamat, mahal ko. Binuhay mo at pinalaki ang ating anak sa kabila ng aking pag-abandona sa inyo."

Magsasalita pa sana si Astrid nang isang tinig ang narinig nila. "Palagay ko'y panahon na upang itama ang mali." Nilingon nila ang nagsalita, ang kanyang lolo ito, si Silvero Gualtieri. "Sana ay mapatawad ako ng pamilya mo, Armand, sa malaking kasalanan ko sa inyo."

"Palaging may kapatawaran ang ano mang kasalanan sa puso ko, Silvero," maagap na sabi ni Armand.

Ipinatong ni Silvero ang isang palad sa balikat ni Armand. "Salamat. Sana'y mapatawad mo ako sa pagtataboy sa iyo noon sa Romania. Pinakasalan mo si Astrid pero ginawa ko ang lahat upang hindi kayo tuluyang magsama sa takot na ubusin mo ang aming coven bilang isang vampire slayer. Hindi ako naniwalang puwedeng magmahalan ang isang tao at ang isang bampira. Nagbanta akong papatayin ko sa Astrid at ang sanggol sa kanyang sinapupunan kapag itinuloy mo ang iyong kahibangan, kung kaya napilitan kang lumayo upang iligtas ang buhay niya at ng magiging anak ninyo."

Tears peered on the corner of Draven's eyes. "Hindi totoong inabandona mo kami ni mama?" tanong niya sa naluluha ring si Armand.

"I didn't and would never do that. Ang mama mo lang ang babaeng minahal ko at mamahalin habang buhay."

"Papa..."

"Come here, my son. Nasasabik na akong mayakap ka."

Iyon lang at tinakbo ni Draven ang direksyon ng ama saka yumakap dito. Sinuklian iyon ni Armand nang mahigpit ding yakap. Maya-maya'y yumakap na rin sa kanila ang umiiyak na si Astrid.

"Hindi pa huli ang lahat, Astrid. Puwede pa nating ituloy ang ating pag-ibig," mahinang sabi ni Armand sa lumuluhang si Astrid.

"Oh, Armand. Mahal na mahal pa rin kita."

Naglapat ang mga labi ng dalawang nilalang na taos pusong nagmamahalan. Draven's heart was filled with joy seeing his parents reunited.

"Siyangapala, nasaan si Blackfire? Alam kong narito siya kanina sa labanan," si Silvero ang nagsalita.

Isang tinig ang narinig nila mula sa batuhan.

"Narito ako." Nang tingnan nila ang direksyon ng matanda ay nakita nila itong may buhat na katawan ng isang babae.

Si Arabella.

Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Draven nang makita ang wala ng buhay na katawan ng babaeng iniibig.

*Last chapter to go. Salamat sa lahat ng nagbasa at tumangkilik. I read all comments, though hindi ko lang nasasagot lahat. Salamuch!!!

DEEP WITHIN YOU (Into the Darkness Series Book 1) Published in PaperbackWhere stories live. Discover now