CHAPTER 15.2

1.6K 93 5
                                    

Just before Draven thrust his fangs to Arabella's neck, he suddenly went back to his mind. Ano ba itong nangyayari sa kaniya? Alam niyang hindi siya dapat magpatalo sa galit, sa pagiging desperado o sa pagiging bampira niya. At higit sa lahat, hindi kailanman siya ang dapat na maging dahilan ng kamatayan ni Arabella.

Kung alam lang ni Arabella na hindi niya ikinasisiya ang mga nangyayari ngayon. Alam niyang darating ang panahon na makikikita rin ni Arabella ang tunay niyang anyo bilang isang bampira ngunit hindi sana sa ganitong pagkakataon. Ngunit wala na siyang pagpipilian.

Pumihit siya patungong pinto. Hawak pa rin niya si Arabella na hindi pa rin binibitawan ang Ragnor.

"Saan mo ako dadalahin, demonyo ka?" galit na tanong ni Arabella. Nagpipilit pa rin itong itong kumawala.

"Sa aking kastilyo. Ikukulong kita hanggang hindi mo ibinibigay sa akin ang Ragnor," mariin niyang sagot.

"Hayop ka!" sigaw ng dalaga. "Gagawin mo akong isang bilanggo?" Lalong itong nagwala ngunit mas nanaig pa rin ang kaniyang lakas.

"Kailangan kong gawin ito. Sigurado akong babalik si Braedan at maaaring makuha niya sa iyo ang Ragnor."

Arabella breathed fire. "Puwes, gagawin ko rin sa kanya ang ginawa ko sa iyo kanina."

"Never underestimate a Vampire," mariin niyang sabi habang kinakaladkad ang dalaga. Nakasunod naman sa kanila si Don Leandro.

"And never underestimate the mortals." Sa likuran niya narinig ang tinig kung kaya agad siyang napalingon. Halos magkasabay sila ni Arabella na tiningnan kung sino ang nagsalita. Napasigaw ang dalaga nang makita ang dulo ng baril na nakaumang sa kanya.

"Huwaaag!!!" sigaw ni Arabella sabay ubod lakas na tabig sa kanya gamit ang siko at balikat. At dahil bahagyang lumuwag ang hawak niya rito ay bahagya siyang nawalan ng balanse.

Ngunit huli na. Naiputok na ng bagong dating ang baril. Tumagos ang bala sa balikat niya. Nakaramdam siya ng init kasunod ay pamamanhid sa parteng tinamaan. Nang tingnan niya ito ay ganoon na lang ang gulat niya. Masaganang dumadaloy ang dugo sa sugat niya.

Nalilito man ay malinaw niyang naalala ang sinabi sa kanya ng kanyang lolo Silvero at Propesor Duncan Dmitru. Nakaimbento na raw ang mga tao ng isang uri ng armas na puwedeng makapatay sa kanilang mga bampira. At iyon ay ang balang gawa sa pilak.

Mabilis ang naging pasya ni Draven. Kailangan niyang tumakas. Hindi siya makakalaban sa kalagayan niyang ito. Lalong humahapdi ang sugat na nilikha ng Ragnor sa isa niyang braso at namamanhid naman ang isa niyang balikat dahil sa tama ng bala. Nagtutumining sa utak niya ang katotohanang taglay ng mga mortal na ito ang sandatang maaaring makapatay sa kanya.

Tinangka niyang mag-teleport ngunit sobrang nanghihina na siya kung kaya tinungo niya ang pinto kahit nakaharang doon ang taong bumaril sa kanya. Pagtapat niya rito ay nakahanda na ito at nakaumang na sa kanya ang nguso ng baril at kakalabitin na sana ang gatilyo nang magtama ang kanilang mga mata. The man stared at him with a dropped jaw. Nanlalaki ang mga mata nito habang kumikibot-kibot ang mga labi na para bang may ibig sabihin. At sa kung ano'ng dahilan ay hindi naiputok ng lalaki ang hawak na sandata. Sinamantala niya ang pagkakataon, mabilis siyang lumabas ng pinto.

Narinig pa niya ang pagmumura ng galit na galit na si Don Leandro habang papatakas siya.

DEEP WITHIN YOU (Into the Darkness Series Book 1) Published in PaperbackWhere stories live. Discover now