CHAPTER 17.1

1.7K 84 2
                                    



"Ano ang plano mo ngayon, Braedan?" tanong ni Claudiu matapos sairin hanggang sa huling patak ang dugo ng panibago nilang biktima. Isa itong binatilyo na napahiwalay sa mga lalaking nagroronda nang masabat ng mga ito ang mga gumagalang nosferatu. Naririto sila ngayon sa lumang bahay na ginawa nilang hide out.

Pinahid muna ni Braedan ang dugo sa gilid ng mga labi bago sumagot. "Ano pa? Eh, di kunin ang Ragnor mula sa maglolong nakatira sa mansyon na iyon." Iniunat niya ang mga braso at binti habang komportableng nakaupo sa malambot na upuan.

Nangingiting hinimas ni Claudiu ang sariling tiyan palatandaan na nasiyahan ito sa kanilang hapunan ngayon. "Kung bakit kasi hindi mo pa kinuha ang Ragnor kanina nang malaman mong nasa pag-aari pala ito ng mga Duarte."

"Alam mong hindi ganoon kadali iyon. Kailangang kusa itong ibigay ng kung sino man ang kinikilala nitong panginoon ngayon, at iyon ay si Blackfire. Makuha ko man ito nang sapilitan, wala rin itong bisa at hindi ko rin magagamit laban sa mga Mystical Vampire kung hindi ito kusang ipinagkaloob sa akin."

"Akalain mo, iyong matandang nakipaglaban kina Callux noong isang gabi ay si Blackfire pala, at apo niya ang magandang si Arabella. What a coincidence."

"Corectie!" sang-ayon ni Braedan. "Ilang beses na tayong nagpabalik-balik sa mansyong iyon, naroon lang pala ang ating hinahanap."

"Ang hindi ko maintindihan sa iyo, naroroon ka na mismo sa mansyong iyon nang malaman mo ang katotohanan, bakit hindi mo pa ginamitan ng hipnotismo ang mga mortal na iyon nang sa ganoon ay nakuha mo nang walang kahira-hirap ang Ragnor."

"Rahat!" asik niya. Mabilis siyang mapikon kapag ganitong nagmamagaling na naman si Claudiu. Kahit ilang daang taon ang tanda nito sa kanya, hindi siya makapapayag na mas magaling ito sa kanya. Hindi ba't siya ang napili ng kanilang coven na mamuno para sa misyong ito? "Iyon naman talaga ang balak kong gawin, pero sinabi ko na sa iyon na naroroon din ang ulol na si Draven Gualtieri at ayokong labanan siya sa mga oras na iyon."

"Huwag mong sabihin na natatakot ka sa kanya?" nakakalokong ngumisi si Claudiu.

Naningkit ang mga mata ni Braedan. Naiinis siya sa mga pang-aasar ni Claudiu sa kanya pero ayaw niya itong patulan ngayon. "You know that I fear nobody, you floppy dick. Kayang-kaya ko siya sampu ng mga kasamahan niya. Ngunit naisip ko na maaaring ibigay sa kanya ni Arabella ang Ragnor sa oras na magipit siya. Iniibig siya ni Arabella at sasagipin ng babaeng iyon ang kanyang buhay sa anumang paraan."

Tumawa ng nakakaloko si Claudiu. "Manghuhula ka na pala ngayon? How did you know that Arabella loves that Mystical Vampire?"

"Nawalan ng bisa ang hipnotismo ko sa kanya nang hawakan ko siya. Naramdaman niya ang pagkakaiba ng balat namin ni Draven kahit nasa ilalim siya ng aking kapangyarihan. Ibig sabihin, kayang makilala ng kanyang puso ang mga hindi nade-detect ng kanyang mga pandama.

Nagkibit-balikat lamang si Claudius sa narinig. "Why don't you screw that woman also para ikaw naman ang mag-register sa kaniyang sensory cells?"

"Our ancients know how much my hungry dick wants to drill the pussy of that wench also. Pero sa ngayon ay hindi ko siya malalapitan basta-basta. Siguradong babantayan na iyon ng kanyang lolong si Blackfire at ng isa pang vampire slayer na naroroon din sa mansyon. Taglay ng taong iyon ang baril na may silver bullet kung kaya nasugatan ang hunghang na si Draven. "

"Si Armand Mondragon?" pakli ni Claudiu. "Ang ama ni Draven Gualtieri."

Braedan raised his eyebrow. Hindi siya makapaniwala sa bago niyang natuklasan. Narinig na niya ang pangalang Armand Mondragon bilang isa sa mga vampire slayer na sumalakay sa kastilyo nila noon. "Paano mo nalaman?"

"Tatlumpu't anim na taon na ang nakalilipas nang masaksihan ko kung paano nilupig ni Blackfire at ng kanyang mga kasamahan ang mga kalahi natin kasama na ang ama mong si Faramundo sa kastilyo Voldova. Nagpanggap akong patay na noon kung kaya hindi nila alam na nakikita at naririnig ko sila. Hindi ako maaaring magkamali, ang vampire slayer na nagtataglay ng baril na may silver bullet ay si Armand Mondragon."

"At ang Armand Mondragon na iyon din ang dumating at tumulong kay Blackfire noong gabing ipinasalakay natin ang matandang iyon kina Callux. Pocnitoare! Bakit hindi mo agad sinabi na kilala mo pala ang vampire slayer na iyon?"

Claudiu sneered. "So, kasalanan ko pa ngayon? Malay ko bang hindi ka nagbabasa ng history nating mga bampira. At saka, ngayon ko lang naalala, eh. Alam mo namang ilang daang taon na ang edad ko kaya malilimutin na din ako.""

"Rahat!" mura ni Braedan. "Mukhang nadedehado tayo. Dumarami ang ating mga kalaban. At ang Arabella na iyon, kitang-kita ko kung gaano siya kahusay sa paggamit ng Ragnor. Halatang sinanay siya ng husto ng lolo niya. Kitang-kita ko rin kung paano niya nasugatan ang inutil na si Draven gamit ang mahiwagang espada."

"Kung nagamit ni Arabella ang Ragnor, samakatuwid ay ipinagkaloob na ito sa kanya ni Blackfire."

"Tama. Kaya kailangan kong makuha ang babaeng iyon. Kung mapapasakamay natin siya, madali na nating makukuha ang Ragnor at mapapatay ang kinamumuhian kong si Blackfire."

"Kung totoong nasugatan si Draven ng Ragnor, maaaring patay na siya ngayon. Ang talim ng Ragnor ay kayang pumunit ng ating balat at laman at tumagos sa ating buto. Kahit mababaw ang sugat, magnanaknak naman ito at susunugin ang iba pang bahagi hanggang maagnas ang buong katawan ng bampira, dahilan iyon upang hindi ito makakapag-generate ng panibagong laman."

"Maaaring totoo ang sinabi mo. Pero nakalimutan mo na bang kasama niyang pumunta rito si Athan Danovan? Siguradong alam ng isang iyon kung ano ang gagawin kapag nasugatan ng Ragnor ang isang bampira sang-ayon sa turo ni Duncan Dmitru."

"Oo nga pala." Napatango si Claudiu. "Ilang taong nagsanay si Athan Danovan sa ilalim ng Ancient Vampire na iyon."

"At habang tumatagal, pahusay nang pahusay ang mga insektong iyon sa larangan ng medisina at pakikidigma. Kapag hindi natin naubos ang mga mystical vampire sa Wallachia, siguradong tayo ang uubusin nila."

"Corectie!" muling sang-ayon ni Claudiu. "Hindi na sila mga iyakin at duwag na tulad noong panahon namin ng iyong amang si Faramundo. Dati-rati ay agad nababahag ang mga buntot nila kapag dumarating ang aming hukbo. Wala silang alam gawin noon kungdi tumakbo at magtago. Ngayon ay matatapang at palaban na sila. Pinatapang sila ng mga natuklasan nilang mga bagong kaalaman sa pangunguna ni Duncan Dmitru."

Naningkit ang mga mata ni Braedan sa muling pagkarinig sa pangalan ni Duncan Dmitru. "Pagkatapos kong patayin sa bansang ito mismo si Athan Danovan at Draven Gualtieri, isusunod ko ang pesteng propesor na iyon."

Umiling si Claudiu tanda ng hindi pagsang-ayon sa sinabi niya. "Huwag mo na siyang pag-aksayahan ng panahon. Ang ninuno mong si Amadeus Montazr na ang bahala sa kanya. Sa ngayon ay ang mga kalabang naririto ang pagtuunan natin ng pansin. Iilan lang sila kung tutuusin, ngunit nanganganib tayong lahat sa kanila sampu ng mga mga demonic vampire na naririto sa bayang ito dahil hawak nila ang Ragnor."

"Maaari akong humingi ng dagdag na hukbo mula sa Romania, hindi ako tatanggihan ni Amadeus," paniniguro ni Braedan.

"Puwes, gawin mong madali bago nila tayo maunahan,"  suhestiyon ni Claudiu.

DEEP WITHIN YOU (Into the Darkness Series Book 1) Published in PaperbackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon