CHAPTER 14.2

1.6K 98 6
                                    


 "I told you!" Arabella shouted. In just one move, she showed what she was holding on his right hand. Dahil sa napakalinaw ng mga mata niya, agad niyang nakilala kung ano ito.

The Ragnor. Arabella was holding the mystical sword, wielding it with astonishing stength and agility.  At dahil sa pagkabigla ay bahagya lang siyang nakaiwas sa padating na talim nito.

"Aaaahhh!" sigaw niya nang dumaplis ang dulo ng espada sa kanyang kaliwang braso. Sa talas ng dulo nito ay nasira ang kanyang damit at iniluwa ang napunit niyang balat. Mababaw lang ang sugat ngunit sapat iyon upang mamilipit siya sa sakit. Umuusok at sumasagitsit ang kanyang laman dahil sa unti-unting pagkasunog nito.

Kung nagulat siya sa epekto ng Ragnor sa kanya ay ganoon din si Arabella. Marahil ay hindi rin nito inaasahan na kayang sugatan ng talim nito ang mala-katad niyang balat. Napaurong siya. Lalo namang pinagbuti ng dalaga ang paghawak sa espada nang makita ang epekto nito sa kanya.

Ngunit sa kabila ng determinasyon ni Arabella na labanan siya ay hindi naitago ng magandang mukha nito ang awa sa kanyang kalagayan. There was guilt and compassion in those beautiful eyes. Was he right when he saw the urge in her to run towards him and hug him?

O baka naman siya lang ang nag-iisip ng ganoon. This woman maybe a submissive creature in bed but a fierce warrior when needed.

"You own the Ragnor? Paanong nangyari iyon?" humihingal na tanong niya. Lalo niyang pinatalas ang mga mata upang mabantayan ang susunod na kilos ni Arabella. Ang ikalawang atake nito ay maaaring siyang maging wakas niya. Sa tindig at tikas ng babaeng kaharap niya ay malinaw na nagsanay ito sa paggamit ng mahiwagang espada. At hindi siya maaring maging kampante lalo na at alam na niya ngayon ang bisa ng Ragnor sa katulad niyang bampira.

He knew that he couldn't be defeated by a mortal, more so, a woman. His pride as a great warrior of their coven would not allow that, but with the Ragnor in Arabella's hands combined with her skills and strength in wielding it, he knew that he should be very prudent in dealing with her. Just like what Professor Duncan Dmitri wold always tell him, 'never underestimate your opponent'.

"I don't own it. But this can be mine if I want to," naniningkit ang mga matang tugon ni Arabella.

"Tell me, paano napunta sa iyo ang napakahalagang espada na iyan? You couldn't be Blackfire?" tanong niya sa gitna ng pagngiwi. Papasigid ang hapdi ng sugat niya, tumatagos iyon sa kanyang buto habang patuloy na nasusunog ang kanyang balat at laman.

Nang mula sa pinto ay isang tinig ang narinig niya.

"Yes. She couldn't be Blackfire."

Awtomatiko siyang lumingon upang makita ang nagsalita. He saw a tall, old man standing on the door way. He might be old but he looked like a warrior who fought many battles in the past.

"S-sino ka?" he asked with perplexity but his intuition was telling him something, at kailangan niyang makasiguro.

The old man smiled wryly. "Ako ang dapat magtanong iyan. Sino kang pangahas na basta na lang pumasok sa bahay ko?"

Draven was amused with the way the man spoke. He could sense strength and power emanating from him. "Hindi ako kaaway. Paumanhin kung pumasok ako rito ng walang pahintulot. I...I was looking for Ragnor for a long time...and a man named...Blackfire."

"I am Blackfire," walang gatol na sabi ng matanda.

He automatically dropped his jaw. Hindi siya makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Yes, he was looking for Blackfire and the Ragnor. 

But he didn't expect that it would happen too soon.


DEEP WITHIN YOU (Into the Darkness Series Book 1) Published in PaperbackWhere stories live. Discover now