CHAPTER 13.1

2K 99 6
                                    

"Mabuti ang naisip mo na lumipat ng lungga, Braedan," ani Claudiu na nag-iinat pa. Kagigising lang nila ni Braedan at ng iba pang demonic vampire mula sa mahabang pagtulog. Narito sila ngayon sa basement ng isang malaki at lumang bahay. Kagabi lang ay pinagpyestahan nilang lahat ang mag-anak na nakatira sa bahay na ito. "Dahil kung hindi tayo agad umalis sa kuwebang iyon, malamang kasama tayong naging abo ng mga nosferatu na iyon."

Bumangon si Braedan mula sa pagkakahiga sa lumang kama. Pinagpag pa nito ang suot na black tuxedo. "Sinabi ko na sa iyo, Braedan, masama ang kutob ko sa dalawang lalaking iyon sa mansyon. Mga vampire slayer sila at may palagay ako na isa sa kanila si Blackfire. Tapos na ang paghahanap natin."

"Ano ang gagawin natin ngayon? Hina-hunting din tayo ng taong hinahanap natin?"

Ngumisi si Braedan. "Ayoko ng larong taguan. Ngayon din ay babalik tayo sa mansyon."

"Para magpakamatay? No way!"

"Kukunin natin si Arabella. Ipagpapalit ko siya sa Ragnor."

"Bakit mo pa ipagpapalit kung puwede mo namang makuha pareho ang gusto mo?"

Muling siyang napangisi. Hinimas pa niya ang baba na nalalatagan nang manipis na balbas. "May punto ka. Paminsan-minsan ay ginagamit mo rin pala ang utak mo, Claudiu."

Nang mula sa basement ay nakarinig sila ng ingay sa unang palapag ng bahay. Nangingiting tumingin si Claudiu sa kanya. "Nakalikha na naman tayo ng mga bagong halimaw. Ano ang dahilan at naisipan mong ipalapa sa ating hukbo ang mag-anak na nakatira sa bahay na ito?"

"Gusto kong mataranta at mawala sa pokus si Draven Gualtieri. Sagad sa langit ang pagtutol niya na madamay ang nakatira sa nayong ito. Mas maraming biktima, mas matutuon ang atensyon niya sa pagliligtas sa mga tao at makakalimutan niya ang Ragnor. Isa pa ay alam na ni Blackfire ang ating presensya sa lugar na ito kung kaya ano pa ang silbi ng ating pagtatago?"

"Paano kung nasa mansyon na ngayon ang dalawang vampire slayer?" may pag-aalinlangang tanong ni Claudiu.

"Walang mas mabilis pa sa teleport, Claudiu." Pagkasabi noon ay biglang naglaho si Braedan. Walang nagawa si Claudiu kungdi maglaho na rin.

Nasa balkon ng kanyang silid si Arabella. Hindi pa siya inaantok kung kaya naisipan niyang magpahangin dito habang hinihintay ang pagbabalik ng kanyang lolo at ni Armand.

Ngunit si don Leandro nga ba at si Armand ang hinihintay niya ngayong gabi?

O si Draven Gualtieri?

Si Draven na bigla na lang naglaho pagkatapos niyang mawalan ng malay habang nasa ibabaw niya ito noong isang gabi. Ang tanging natatandaan lang niya ay nag-collapse siya matapos abutin ni Draven ang sariling kasukdulan at hindi naman kinaya ng katawan niya ang paraan nito ng pag-angkin sa kanya.

Ngunit ganoon pa man ay ni hindi siya nakaramdam ng ano mang panghihinayang kung inialay man niya sa lalaki ang kanyang kabirhenan. Hindi man ito nagpaalam nang maayos sa kanya ay

alam niyang babalik ito upang ulitin ang naging pagsasalo nila sa pag-ibig.

Pag-ibig?

Ipinilig niiya ang sariling ulo. At paano naman napasok sa utak niya ang ganoong kataga? Ang ibig bang sabihin ay umiibig na siya sa mahiwagang lalaking iyon sa loob ng napakaikling panahon ng kanilang pagkikilala?

At si Draven? Katulad kaya niya ang nararamdaman nito?

Pero paano naman niya malalaman? Masyadong matipid ito sa mga salita. Kahit noong mga sandaling inaangkin siya nito ay wala itong sinasabi tungkol sa tunay na nararamdaman sa kanya. Ang tangi lang niyang narinig mula rito ay mga salitang hindi niya maintindihan.

Nang mainip ay mabigat ang dibdib na ipinasya niyang bumalik na sa kanyang kama. Hindi dumating si Draven at labis niya iyong ikinalungkot.

Pagkahigang-pagkahiga ay may dinukot siya sa ilalim ng kanyang unan. Inilabas niya rito ang isang nakatiklop na maliit na papel na nakita niyang nakaipit sa pagitan ng kanyang mga daliri nang muli siyang magkamalay pagkatapos ng pagtatalik nila ni Draven. Sulat iyon ng binata sa kanya.

Lubirea mea,

Ipagpaumanhin mo ang aking kapangahasan,

lubirea mea. Batid kong marami akong dapat

ipaliwanag sa iyo upang maglaho ang lahat ng

katanungan at pagdududa sa iyong isipan.

How I wish we could have so much time to

know each other more, and I am looking

forward to that. Pero sa ngayon, ang tanging hiling ko

sa iyo ay ang iyong lubusang paniniwala at pagtitiwala

na malinis ang aking hangarin sa iyo.

Pagkatapos kong tapusin ang napakahalagang

misyon na iniatang sa aking mga balikat, ipinapangako

ko na ako ay babalik upang ipagtapat sa iyo ang

isang bahagi ng aking pagkatao.

Nagmamahal,

Draven Gualteri

Isang bahagi ng aking pagkatao? Bahagyang napangiti si Arabella sa huling pangungusap na iyon ni Draven. Wala ng kailangang ipagtapat pa sa kanya ang binata. Alam na niyang isa itong bampira. A mystical vampire to be exact.

Noon pa man ay may pagdududa na siya sa mga kakaibang kakayahan nito, minsan nga ay natatakot pa siya. Pero kung bakit hinayaan niyang mahulog ang loob niya dito to the point na ibinigay pa niya ang kanyang kabirhenan ay hindi niya maipaliwanag. She could not resist him. Para siyang hinihigop ng kung anong kapangyarihan kapag kaharap niya ito. Or was it a sort of hypnotism? Kilala ang mga bampira sa paghipnotismo sa kanilang bibiktimahin.

Pero kailangan pa bang gumamit ni Draven ng ganoong uri ng kapangyarihan? With his manly physique and alluring charm, all women of all ages and race would surely befall to him.

She could feel mixed feelings. Oo at natatakot siya sa kaalamang isang bampira si Draven at hindi niya alam kung saan siya dadalahin ng kabaliwan niyang ito, ngunit ang liham na ito ng binata ay nagpapahiwatig naman ng taglay nitong katapatan at kabutihan.

At sapat na iyon upang baunin niya ang katiwasayan at pagkasabik sa pagtulog. Bukas na bukas din paggising niya ay lalo niyang pag-iibayuhin ang pagbabasa tungkol sa mga bampira. Mukhang may nakaligtaang sabihin sa kanya ang kanyang lolo Leandro tungkol sa mga alagad na ito ng dilim.

Eksaktong pagpikit niya ay siya namang pagbulong nang malamig na hangin sa kanya.

"Lubirea mia..."

DEEP WITHIN YOU (Into the Darkness Series Book 1) Published in PaperbackWhere stories live. Discover now