CHAPTER 17.2

1.6K 87 8
                                    

Arabella wielded the Ragnor with ease and confidence. Naririto siya ngayong umaga sa lanai kasama si lolo Leandro upang magsanay. Si Armand Mondragon naman ay tumangging sumalo sa kanila sa almusal at nanatili lamang ito sa silid nito. Halata niyang may hindi pinagkasunduan ang dalawang lalaki nang iwan niya ang mga itong nag-uusap kagabi. Ngunit isinantabi muna niya ang planong pagtatanong dahil may mas dapat siyang unahin ngayon.

Nagtataka man ang lolo niya ay nagpaunlak pa rin ito na samahan siya. Sa totoo lang ay ngayon lang siya nagkusang magsanay gamit ang Ragnor. Dati-rati ay kailangan pa nilang magpilitan ni Leandro dahil lantaran niyang sinasabi na labag sa kanyang kalooban ang maging katulad ng kanyang lolo, ang maging isa ring vampire slayer.

Pero iba na ngayon. Pagkatapos ng mga rebelasyong naganap kagabi ay nagkaroon siya ng matinding dahilan upang mas lalo pang sanayin ang sarili sa paggamit ng espada. Higit kailanman ay ngayon siya dapat magpakadalubhasa sa paggamit ng Ragnor lalo na ngayong alam na niya ang tindi ng kapangyarihan nito laban sa mga bampira.

Her grandfather chose her to be the owner of the mystical sword. Therefore, she was the only one who could possess and use it against the creatures of the dark, even Draven Gualtieri.

Pilit niyang iwinaksi sa isipan ang binata. Walang puwang ang emosyon sa mga panahong ito lalo na at alam na niya kung ano ang tunay na kulay ng lalaking pinalalaanan ng espesyal na damdamin.

She continued wielding the sword. Kung hindi siya kilala ng sino mang makakakita sa kanya habang iwinawasiwas ang malaki at mahabang espada ay siguradong mamamangha sa taglay niyang lakas. Iyon ay dahil sa kahit balingkinitan ang katawan niya, pinalakas naman niya ang sarili sa pamamagitan ng araw-araw na ehersisyo at disiplina. Idagdag pa ang enerhiya na idinudulot sa kanya ng mahiwagang espada sa oras na hawakan niya ito.

Kung tutuusin ay isa lamang siyang mortal ngunit ibayong lakas ang nararamdaman niya kapag ginagamit niya ang Ragnor. Ano pa kaya kung isang imortal ang hahawak dito katulad ng isang bampira? Kaya pala ganoon na lang ang kagustuhan ng mga alagad ng dilim na iyon na makuha ang artifact na ito. Gamit ang Ragnor, magkakaroon ang sino mang nilalang ng ibayong kapangyarihan na sapat upang sakupin ang buong mundo.

Don Leandro was right. Nobody could own Ragnor except their family. Not even Draven Gualtieri.

Her face grimaced as poignant pain pierced her heart. Kahit ayaw niya ay patuloy pa ring sumisingit sa utak niya ang binata. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya mapaniwalaan na kaya siyang ipagpalit ni Draven sa Ragnor. Na kaya nitong patayin siya makuha lang ang minimithing espada.

Kahit pa ibinigay niya rito ang kanyang katawan ng walang kapalit. Kahit na ni katiting na pahiwatig ng pagmamahal mula rito ay wala siyang natanggap.

Arabella cursed herself as a solitary tear peeked on the corner of her eye. Yes, guilt and anger was enslaving her now. But nothing could surpass the pain that was crushing her broken heart. Kung bakit kasi siya nagtiwala agad. Kung bakit kasi siya nagmahal agad.

Mabilis niyang pinahid ang luha nang maramdaman ang paglapit ng kanyang lolo Leandro. Hawak pa rin nito ang mug ng umuusok na kape. "I'm glad that you changed your mind, Arabella," mahinahong sabi nito na ang tinutukoy ay ang seryoso niyang pagsasanay.

She just smiled a bit. Wala na sigurong makapagpapasaya sa kanyang lolo kungdi ang makita ang dedikasyon niya sa pagsasanay gamit ang mahiwagang espada. "Ito naman ang gusto mo, hindi ba?" matabang niyang sagot nang hindi tumitingin sa matanda.

Nagpakawala nang malalim na buntong-hininga si Don Leandro. "At labis ko iyang ikinatutuwa. Mas lalong lalakas ang Ragnor kapag taos sa puso ang pagtanggap sa kanya ng taong pinagkalooban nito."

Arabella didn't say a word. Of course, she knew it. At kanina pa niya nararamdaman iyon. Ibayong lakas ang ibinibigay ng Ragnor sa kanya ngayon at unti-unti niyang iyong nagugustuhan. Gumagaan ang pakiramdam niya at lalong nagiging maliksi ang kanyang mga galaw. Ni hindi nga niya nararamdaman ang bigat ng espadang gawa sa purong pilak. She couldn't believe that a mortal like her could be very strong and powerful because of this mystical sword.

At gamit ang espadang ito, uubusin niya ang mga pesteng bampira na nanggugulo ngayon sa kanilang dati ay tahimik na baryo. Kung si Blackfire ang naging tagapagligtas ng mga inosenteng Wallachian sa kamay ng mga Demonic vampire, siya naman ang magiging tagapagtanggol ng mga taga-Matala.

"Arabella, iha..." Mahinang umubo si Don Leandro, palatandaan na ayaw lumabas sa bibig nito ang gustong sabihin. Itinuloy niya ang pagsasanay habang hinihintay ang susunod na sasabihin ng agwelo. "I know it will hurt you but...you need to forget Draven Gualtieri..."

Bigla siyang napatigil sa ginagawa. Hindi niya inaasahan na sasabihin iyon ng kanyang lolo. Napatungo siya. Alam ba ni Don Leandro ang namamagitan sa kanilang dalawa ni Draven? Ganoon ba siya ka-transparent upang mahalata ng matanda ang kanyang nararamdaman?

Nagpatuloy si Don Leandro. Hindi alintana ang sakit na unti-unting dumudurog sa puso niya. "Hindi karapat-dapat sa pag-ibig mo ang sino mang hindi natin kauri. Masasaktan ka lang o maaaring...mamatay. And I don't want that to happen. Mahal kita. Ikaw na lang ang nag-iisa kong pamilya. Ang tanging alaala ng iyong ina. Sana'y maunawaan mo ako." Pagkasabi noon ay malungkot na tumalikod na ang matanda.

Napapikit siya. Alam niyang may katotohanan ang sinasabi ng kanyang lolo ngunit kung bakit ibayong sakit ang nararamdaman niya.

Draven couldn't be her lover. He would never be hers.

A solitary tear dropped from her eye.


DEEP WITHIN YOU (Into the Darkness Series Book 1) Published in PaperbackWhere stories live. Discover now