Chapter 9.1

1.9K 97 5
                                    

Nagmamadali ang mga hakbang ni don Leandro. Patungo siya ngayon sa kubo ng pamilya ni Delfin. Mahigpit niyang hawak ang isang bote ng benditadong tubig. Habang daan ay naririnig pa rin niya ang sigawan at iyakan ng isang babae at mga bata.

At hindi nga siya nagkamali dahil pagdating niya sa kubo ay naroon na si Delfin habang pilit nitong hinihila palabas ng pinto ang maybahay nito habang nag-iiyakan naman ang tatlo nitong anak. Isa na itong nosferatu at ang sariling kabiyak ang balak na biktimahin.

"Delfin!" sigaw ni don Leandro upang agawin ang atensyon ng bampira. Nang makita siya nito ay binitawan nito ang kabiyak saka siya naman ang hinarap. "Ipagpaumanhin mo, Delfin pero kailangan kong gawin ito," pagkasabi noon ay isinaboy niya ang benditadong tubig na nasa plastic bottle. Agad na umusok ang balat ni Delfin kasunod ay ang mabilis na pagkaagnas ng katawan nito. Nakapangingilabot ang sigawan at iyakan ng buong pamilya. Ilang sandali pa at naging abo na lamang ang taong pinagkatiwalaan niya ng mahabang panahon.

Sa gitna ng mga panaghoy ng buong pamilya sa sinapit ng ama ng tahanan ay ipinaliwanag niya ang buong pangyayari. Kung bakit naging isang nosferatu si Delfin at kung bakit kinailangang sabuyan niya ito ng agua bendita. Bago umalis ay ipinangako niya sa kabiyak ni Delfin na hindi niya pababayaan ang mga ito. Mabigat ang kalooban na humakbang na siya palayo sa kubo.

"Tawagin mo ang masibang si Callux," utos ni Braedan kay Claudiu habang sinusundan ang matandang lalaki na ngayon ay pabalik na sa mansyon.

"Bakit!" angal ni Claudiu. "Hindi ba ipinagbabawal mo ang madalas na pambibiktima sa mga tao?"

"Meron lang akong gustong mapatunayan sa matandang iyan. Masama ang kutob ko sa kanya."

"Sa palagay mo ba, papatusin ni Callux ang huklubang iyan? Choosy rin iyon, baka akala mo."

"Tama na ang satsat. Basta sundin mo na lang ako o ikaw ang titira sa tuyot na iyan?"

"Eto na. Ikaw naman, hindi na mabiro." Pagkasabi noon ay pumikit si Claudiu at nag-mental telepathy upang tawagin ang isa pang bampira na si Callux.

Nasa harapan na ng mansyon ang matandang lalaki nang dumating si Callux. May katabaan ito, malaki ang tiyan at punong-puno ng balbas ang mukha.

"Ano'ng gusto mong gawin ko, Braedan?" tanong nito.

"Atakihin mo ang matandang iyan. Sa iyo ang lahat ng dugo niya kapag natalo mo siya," utos niya sa matabang bampira.

"Sisiw." Pagkasabi noon ay agad dinaluhong ni Callux ang nakatalikod na matanda na abala sa pagbubukas ng pinto ng mansyon.

Ngunit maliksi ang matanda. Agad nitong naamoy ang padating na panganib kung kaya maliksi itong pumihit at tinadyakan ang paparating na bampira. Sa lakas ng puwersa y humagis pa si Callux sa malayo kung kaya nagkaroon ng pagkakataon ang matanda na makakuha ng isang mahabang kahoy. Iwinasiwas pa nito ang hawak na kahoy sa ere at humanda para sa isang pakikipaglaban. Sa porma ng matanda ay mukhang isa itong mahusay na mandirigma.

"Matapang siya," puna ni Braedan. Nasa likod lamang ng mga halaman at puno sila ni Claudiu habang nanonood sa nangyayaring labanan. "Sa halip na magtatakbo papasok sa kanyang mansyon ay hinarap pa si Callux."

"At mukhang mahusay siya," sang-ayon ni Claudiu. "Tingnan mo at walang magawa sa kanya ang hunghang na si Callux."

"Pero saan ba at mapapagod din iyan, tao lang iyan at matanda na. Mamaya lang ay kusa na iyang bubulagta sa lupa," kampanteng sabi niya.

"Pero parang nagkakamali ka, Braedan," sabi ni Claudiu nang biglang humagis si Callux nang tamaan ng dulo ng kahoy ang leeg nito. "Maliksi at malakas pa ang matanda. At tukoy niya kung saang parte ng katawan dapat patamaan ang katulad nating bampira na sapat upang manghina tayo."

"Rahat!" mura niya. "Tawagin mo pa ang iba nating kasamahan. Dalian mo!"

DEEP WITHIN YOU (Into the Darkness Series Book 1) Published in PaperbackOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz