Chapter 5.2

3.5K 141 9
                                    

Ala-singko ng hapon. Habang abala sa pag-aayos ng mga halaman ay napakislot si Arabella nang parang may bumulong sa kaniya.

Tinig iyon ni Draven. Tinatawag na naman siya.

Kinasasabikan kitang makapiling muli, Arabella. Hihintayin kita ngayon din sa ilog. Sana'y huwag mo akong bibiguin.

Sinulyapan niya si Aurea sa di kalayuan. Abala ito sa paglalagay ng lupa sa mga bagong paso na paglilipatan nila ng mga bagong sibol na halaman. Parang nahihipnotismo na binitawan niya ang hawak na grass cutter saka tumayo. Inayos ang sarili saka walang kibong naglakad palayo sa hardin. Tiyak ang mga hakbang niya. Patungo siya sa ilog sa hangganan ng kanilang lupain.

Narito na ako, Arabella. Hinihintay kita, lubirea mea.

Lalong binilisan ni Arabella ang paglalakad. May kakaibang panghalina ang tinig na naririnig niya at hindi niya kayang tanggihan iyon. Kagabi pa laman ng kanyang isipan ang may-ari ng tinig na iyon at may kaakibat na kilig ang paanyaya nito.

Darating ako, Draven. Hintayin mo ako.

Pagkatapos ng malayo-layo ring paglalakad ay sinapit niya ang pampang ng ilog. Agad niyang nakita si Draven. Nakaupo ito sa malaking bato. Sadyang naghihintay sa kanya. Napakakisig nitong tingnan sa suot na white long sleeves at black pants. Hindi naka-butones ang bandang itaas ng suot nito kaya kitang-kita niya ang manipis na balahibong nakalatag sa malapad na dibdib ng lalaki. Napalunok siya.

Inilahad ni Draven ang palad sa kanya. Walang alinlangang iniabot niya ang kamay dito. "Salamat at hindi mo ako binigo, Arabella," nakangiting bati ng lalaki sabay pisil nang mahigpit sa kanyang kamay.

Mula sa palad ni Draven ay agad na dumaloy ang kakatwang init sa mga ugat ni Arabella at mabilis na kumalat sa buo niyang katawan. Nakaramdam siya ng pananabik sa isang bagay na hindi pa niya mawari kung ano.

Hinila siya ni Draven palapit dito. Ni katiting na pagtutol ay wala siyang naramdaman. Mas gusto pa nga niyang mas mapalapit dito. Iyong malapit na malapit.

"Salamat at hindi mo ako binigo..." masuyong wika nito habang titig na titig sa kanya. May kakaibang kislap ang mga mata nito pero hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi siya natatakot dito. Mas gusto pa niyang salubungin ang nakapapasong titig nito.

"Paano mo nagagawa ang bagay na iyon?"

"Ang alin?"

"Ang tawagin ako kahit malayo tayo sa isa't isa?"

"Sinabi ko na sa iyo, hindi ba? Iba ako sa inyong mga karaniwang tao. May mga kakayahan akong hindi kapani-paniwala. Ngunit sana ay hindi maging hadlang ang mga iyon upang putulin mo ang pakikipagkaibigan sa akin."

"Naririto ako sa harap mo ngayon, hindi ba? Patunay na hindi ako natatakot sa iyo."

"Salamat, lubirea mea." Namungay ang mga mata ni Draven. Pero taglay pa rin ng mga iyon ang mga tinging nakapapaso ngunit hindi masakit sa balat. Natutupok siya pero masarap naman sa pakiramdam.

Dios mio. Ano itong nangyayari sa kanya ngayon?

"Halos buong magdamag ay ikaw ang laman ng isip ko, Arabella..." halos pabulong na wika ni Draven. Unti-unting gumapang ang mga palad nito pataas sa kanyang braso hanggang humantong sa magkabila niyang pisngi.

"G-ganoon din ako," nahihiyang sambit ni Arabella.

"Sana'y ang tungkol sa mga halik at yakap ko ang laman ng isipan mo kagabi, lubirea mea."

"Oh, Draven..." Wala na siya halos masabi. Ano kaya ang iisipin ng lalaking ito kapag nalaman na hindi lang imahinasyon ang pinagana niya kagabi? Na mahinhin siya sa araw pero may ginagawa siyang milagro sa loob ng kanyang silid pagsapit ng dilim?

"Tanda ba iyan ng pag-amin na nagustuhan mo rin ang mga iyon? Ako man. Hindi rin ako pinatulog ng alaala nang mabango at malambot mong katawan. Tila mababaliw ako kung hindi ko mauulit iyon."

"Draven..."

Inilapit ni Draven ang sariling mukha sa kanya, akma siyang hahalikan. Napapikit na lamang siya habang hinihintay ang mga labi nito.

Nang sa wakas ay naglapat ang mga labi nila ay agad siyang napaungol. Masarap ang halik ni Draven. Napakasarap. Tumatagos sa kanyang kaluluwa ang init na dulot ng bibig at dila nito at kumakalat sa buo niyang katawan.

Ilang minuto silang nagpalitan nang maiinit na mga halik. Hindi nila kapwa alintana ang tunog ng lagalas ng tubig sa talon at ang panaka-nakang huni ng mga ibon. Ang tangi nilang naririnig ay ang tunog ng pagtatagisan ng kanilang mga labi at mga dila. At ang malakas na tibok ng kani-kanilang mga puso.

Naramdaman niya ang isang kamay ni Draven na hinihila pababa ang suot niyang off-shoulder na bestida ngunit hinayaan lamang niya ito hanggang mahantad ang malulusog niyang dibdib na natatabingan ng manipis na bras. Itinaas naman ito ng Draven hanggang leeg niya upang makita ang nais makita. Bahagyang inilayo ni Draven ang mukha sa kanya upang pagsawain ang mga mata sa nakabuyangyang niyang alindog.

Nang magsawa ang mga mata ay unti-unti nitong inilapit ang bibig sa isa sa mga tuktok noon. Nahulaan niya ang susunod nitong gagawin kung kaya napahingal siya. Nang isubo ni Draven ang isa niyang nipple at simsimin ito na parang isang sanggol ay nakagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang sarili na makagawa ng ingay. Ngunit nang isabay ng lalaki ang paghimas sa isa pa niyang dibdib ay kusa nang kumawala sa kanyang bibig ang mahihinang daing.

Paano naman ay gustong-gusto niya ang ginagawang ito ni Draven. Gustong-gusto.

Ngunit alam niyang may mas higit pa roon ang kayang gawin ni Draven sa kanya at alam rin niyang papunta na sila roon. At hindi siya mangingiming ipagkaloob iyon kung hihilingin ng binata.

Ewan ba kung bakit wala siyang lakas upang tumutol.

May kakaibang panghalina ang bughaw na mga mata ng lalaki. Kung ginamitan siya nito ng hipnotismo ay hindi niya alam.

Ang tanging alam niya ay uhaw na uhaw siya ng mga sandaling ito. At tanging ang mahiwagang lalaking kaharap niya ang makakatighaw noon.

Maingat siyang iniupo ni Draven sa isang malapad na bato. Ni katiting na pagtutol ay walang narinig sa kanya nang dahan-dahang itinaas ng lalaki ang dalawang binti niya niya dahilan upang malilis ang laylayan ng kanyang mahabang damit at malantad ang mapuputi at makikinis niyang hita.

Masuyong hinagpos ni Draven ang dalawang hita niya habang titig na titig sa kanya. Tumagos sa kaloob-looban niya ang hatid na init ng bughaw nitong mga mata kasabay ng kakaibang kiliti bunga ng maerotiko nitong paghimas sa kanyang mga hita. Bahagya siyang napaungol habang matapang na nilalabanan ang mapanuksong titig nito.

Bahagya siyang napakislot nang dahan-dahang lumuhod si Draven. Agad niyang nahulaan kung ano ang gustong gawin nito. Saglit na huminto ang kanyang paghinga dahil sa antipasyon sa susunod na mangyayari.

Hindi siya handa para rito kahit na laging laman ng kanyang imahinasyon ang ganitong mga tagpo. Nag-aalinlangan at natatakot siya. Pero wala siyang lakas ng loob na pigilan ang lalaki.

Nang unti-unting inilapit ni Draven ang sariling mukha sa pagitan ng kanyang mga hita ay napapikit na lamang si Arabella. Hindi siya handa pero kinasasabikan niya ito. Nakagat niya ang labi upang pigilan ang daing na kanina pa nag-uumalpas sa kanyang dibdib.


DEEP WITHIN YOU (Into the Darkness Series Book 1) Published in PaperbackWhere stories live. Discover now