CHAPTER 14.1

1.7K 95 7
                                    

Draven served a deadly kick to a nosferatu he was fighting for a couple of minutes. Kung kanina lang ay ini-enjoy niya ang pakikipaglaban nila ni Athan sa apat na nosferatu na nasabat nila sa kagubatan, ngayon ay hindi na pagkatapos niyang marinig ang tinig ni Arabella na parang humihingi ng tulong.

"Where are you going, moron?" tanong ni Athan nang mahalatang paalis na siya. "Hindi pa tayo tapos rito," dugtong ni Athan sabay turo sa paparating na isang grupo ng mga bampira.

"Nasa panganib si Arabella, Athan. I need to save her," sagot niya na naudlot ang balak na pag-teleport.

"Holy crap!" singhal ni Athan. "Huwag mong sabihing iiwan mo akong mag-isa rito? Look at them," sinulyapan ni Athan ang mga paparating. "They are all Demonic Vampire. Pinamumunuan sila ni Claudiu Askenazi, ang baklang side kick nang mortal mong kaaway na si Braedan Voldova."

"Which means?" nakakalokong tanong niya.

"Which means dehado ako sa labang ito," singhal ni Athan.

"Bakit? Natatakot ka ba? At kailan pa natakot sa laban ang isang Athan Danilov?" Umasta siyang itutuloy na ang naudlot na pagte-teleport. Napasigaw tuloy si Athan upang pigilan siya.

"Holy shit! Wala sa usapan ito!"

"At wala rin sa usapan na kailangang labanan mo silang lahat ngayon. We can fight all of them some day, some time," pagkasabi noon ay tuluyan na siyang naglaho. Naiwan si Athan na sige ang pagmumura sa inis sa kanya.

"Rahat!" mura ni Draven pagtapak na pagtapak ng mga paa niya sa balkonahe sa silid ni Arabella. Paano'y agad niyang naamoy na nanggaling din sa silid na iyon si Braedan Voldova.

Ngunit sa halip na sundan ang bampira kahit alam niyang hindi pa ito masyadong nakalalayo ay mas pinili niyang hanapin si Arabella. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyari sa dalaga. Sinisiguro niyang maaga niyang ihahatid sa impyerno si Braedan kapag nalaman niyang sinaling nito kahit man lang ang dulo ng daliri ni Arabella.

He had not been very worried about a woman like this before. Kung puwede nga lang na oras-oras ay nasa tabi siya ni Arabella upang mabantayan ito ay gagawin niya kung hindi lang siya nakatali sa isang misyon. He knew that she was now in danger. Lalo na't alam na ni Braedan ang koneksyon niya sa dalaga. Siguradong may binabalak na masama ang mortal niyang kaaway sa babaeng minamahal niya.

Minamahal? Napatigil sa paghakbang si Draven. Totoo ba ang huling salitang nasa isip niya? At kailan pa niya natutunang magmahal?Hindi ba't laruan lamang para sa kanya ang mga babae sa Romania? Paano nangyari na mayroon siya ngayong nararamdaman na napakataas na uri ng pagpapahalaga sa isang babae?

No! it can't be. Katulad ng sinabi ni Athan, mahigpit na ipinagbabawal sa kanilang uri ang magmahal ng mortal. Hindi ba't ilang ulit nang hinadlangan ng mga matatanda sa kanilang angkan ang napakaraming pag-iibigan sa pagitan ng ilan nilang miyembro at ng mga mortal? At kung paiiralin niya ang katigasan ng kanyang ulo, tiyak na aanihin niya ang galit ng kanyang lolo na si Silvero Gualtieri.

Para sa kanyang lolo at sa bumubuo ng konseho ng mga Mystical Vampire, ang pagiging isang bampira ay parang isang uri ng sakit na nakahahawa at nakamamatay. Ang pakikipagrelasyon ng isang bampira sa isang tao ay hindi nakapagpapagaling ng sakit at sa halip ay lalo nitong dinadagdagan ang mga nilalang na magdurusa sa sakit na ito. Sapat na raw ang kanilang lahi na ilang siglo nang nagdurusa sa sumpang ito at ang pagpapakalat nito ay maituturing na isang mortal na kasalanan.

Walang anumang pumasok siya sa silid ni Arabella. Dahil sa tatlong beses na siyang naglabas-masok sa silid na ito, hindi na niya kailangan ng imbitasyon upang muling makapasok dito. Wala sa loob ng silid ang dalaga kung kaya sinundan niya ang halimuyak nito hanggang mula rito ay humantong siya sa hagdan.

"She must be in the second floor," bulong niya sa sarili nang mas lalo niyang naamoy si Arabella mula sa hagdan. Nagmamadali siyang bumaba. Pagdating sa ikalawang palapag ay kusa siyang dinala ng kanyang mga paa sa isang silid na nasa dulo ng mga hanay ng mga kuwarto. Ayaw niyang matakot ang dalaga kung kaya ibinulong niya sa hangin ang pangalan nito upang hindi ito masorpresa sa kanyang pagdating.

"Arabella..." naghintay siya ng ilang sandali bago itinulak ang dahon ng pinto ng silid.

And he was right. Arabella was in the room. Nakatayo ito paharap sa pinto na tila ba sadyang hinihintay ang kanyang pagdating. Matalim na nakatitig ito sa kanya habang nakalagay ang kanang kamay sa likod na para bang may itinatago. He heaved a sigh of relief upon knowing that Braedan did not hurt her. Sa tuwa ay gusto niyang takbuhin ang dalaga sa kinatatayuan nito at yakapin ngunit hindi niya nagawa iyon. Kakaibang Arabella ang nakikita niya ngayon.

Nagtataka man sa kakatwang ikinikilos ni Arabella ay pinilit niyang pakalmahin ito. Maaaring nakaharap na nito si Braedan at nagdulot ng ibayong takot ang ganoong karanasan kaya nagkakaganito ngayon ang dalaga.

"Thanks God, you are safe," bulalas niya pagkakita sa dalaga.

Ngunit parang walang narinig si Arabella. Matalim pa rin ang tingin nito sa kanya na nagpapahiwatig ng matinding galit. "Hanggang diyan ka lang, demon. Huwag kang lalapit," banta nito.

"Arabella? What the..." Bahagyang nagtaka si Draven sa kakaibang inaasal ngayon ni Arabella. Bakit tila hindi siya kilala nito?

"I warned you. Don't approach me or you'll die!"

"What's happening to you, Arabella?" He became impatient. "It's me, Draven."

"You cannot fool me again this time, Braedan Voldova. At hindi na rin ako natatakot sa iyo," sigaw ni Arabella, matatag pa rin ito sa pagkakatayo.

Unti-unting lumiliwanag sa utak ni Draven kung anu-ano ang mga posibleng nangyari kanina. That Braedan disguised himself as him.

That demon! Mabuti na lamang at hindi tuluyang napahamak si Arabella sa kamay ng animal na iyon. Dahil kung nagkataon ay siguradong hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kung bakit mas pinili niyang makipaglaban kanina sa mga walang kuwentang nosferatu kaysa bantayan ang babaeng itinatangi.

He slowly stepped forward. Desidido siyang papaniwalain si Arabella na hindi siya si Braedan. Habang papalapit sa dalaga ay pinagsawa niya ang mga mata sa pagtitig sa napakagandang mukha nito. Kahit tikom ang manipis na mga labi at matalim ang pagkakatitig ni Arabella sa kanya ay naghahatid pa rin ng saya ang anyo nito sa kanang puso at kaluluwa. She was, indeed, a very beautiful sight to behold.

From the thin fabric of her sleeping clothes, he could see her curvaceous body. Her breasts crowned with perky nipples were cursing beneath the soft cloth. He feasted his eyes on her long, slender legs until he focused on the part between her thighs. He was there before, buried but alive. He could still remember how he felt when he entered her most sacred region while she moaned in pain and in pleasure. It was real heaven.

And he wanted to feel that bliss again now.


DEEP WITHIN YOU (Into the Darkness Series Book 1) Published in PaperbackWhere stories live. Discover now