Chapter 11.1

2.4K 96 3
                                    

"Lubirea mia..."

Biglang nagmulat ng mga mata si Arabella. Dilat na dilat siya. Kahit bagong gising siya ay malinaw niyang narinig ang tinig na dinala ng hangin sa kanyang mga pandinig.

"Draven?" lakas-loob na bulong niya.

"Ako nga. Ipagpaumanhin mo ang pagpukaw ko sa iyong pagtulog. Nais ko lamang na masilayan ka at makasama kahit ilang sandali," may pagsusumamo sa tinig ng lalaki.

Hindi siya kumilos mula sa pagkakahiga. Nakapako lang ang kanyang mga mata sa kisame ng kanyang silid ngunit gumagana naman ang kanyang utak. Nagtatalo ang kanyang isip at puso.

Gusto niyang makitang muli si Draven. Gustong-gusto. Kung alam lang nito na labis niyang kinasasabikan ang pagsapit ng dilim at ang muling pagdalaw nito sa kanya at kung maaari ay ulitin nila ang ginawa nila noong isang araw sa tabing-ilog.

Ngunit sa isang sulok ng utak niya ay naroon ang namumuong takot. Si Draven ay maaaring isang Gualtieri, and worst, isang mystical vampire sang-ayon sa narinig niyang pag-uusap ng kanyang lolo at ni Armand. Kahit wala pang pag-amin mula sa lalaki ay malinaw ang mga palatandaan.

Ang mga abilidad nito na hindi karaniwan para sa isang ordinaryong tao katulad ng pakikipag-usap sa kanya gamit ang isip lamang, ang kakayahang mag-teleport, maging invisible at lalong-lalo na ang pagpapakita sa kanya pagsapit lamang ng dilim.

Hindi siya mangmang pagdating sa mga alagad na ito ng kadiliman. Bata pa siya ay iminulat na siya ng kanyang lolo tungkol sa mga nilalang na ito at sa posibleng pagdating ng mga ito sa kanilang bansa dahil sa paghahanap sa Ragnor. Kung kaya inihanda siya ng don para sa isang pakikipaglaban labag man sa kaniyang kalooban.

No. She would never fight a vampire. Hindi ganoon kalakas ang loob niya. At kahit pa sabihing gagamitin niya ang Ragnor laban sa mga ito ay hindi pa rin iyon sapat upang makaipon siya ng sapat na tapang at lakas ng loob upang harapin ang mga bampira.

All she wanted was a normal life. At ipinagkait na iyon sa kanya ng pagkakataon ngayon.

And it's because of Draven Gualtieri. Walang oras o araw na hindi ito sumasagi sa isip niya. At kahit na malaki ang posibilidad na isa rin itong bampira ay hindi pa rin niya maiwasang hangarin na makita at makausap ito nang mas madalas.

At ang isang Gualtieri ay itinuturing ng kanyang lolo na maaaring isa sa mga kaaway. Patuloy ba siyang makikipag-ugnayan sa isang nilalang na posibleng isa sa mga dahilan ng takot at kamatayan sa kanilang nayon?

"Lubirea mia..."

Lubirea mia...my love. Bakit siya tinatawag ni Draven ng ganito? Ano ba ang tunay nitong nararamdaman sa kanya?

At siya? Ano naman ang totoong nararamdaman niya para sa mahiwagang lalaki? Bakit natataranta siya sa kaalamang nasa labas lamang ito ng kanyang silid at naghihintay? At bakit siya nasasaktan sa kanyang palagay na hindi ito isang tao kungdi isang bampira? Isang bampira na nakatakdang patayin o mapatay ni Blackfire o kaya naman ay ni Armand Mondragon?

Ngunit higit siyang nasasaktan dahil pinapapaghintay niya ito ngayon.

"Draven..." wala sa loob na nausal niya. At huli na para bawiin niya ito.

"Alam kong kinasasabikan mo rin akong makita, lubirea mia. Nararamdaman ko sa tinig mo, sa tibok ng puso mo..."

Nakagat ni Arabella ang pang-ibabang labi. May katotohanan sa mga sinabi ng lalaki at nasasaktan siya. "T-tigilan na natin ito, Draven. Hindi dapat..." Napahikbi siya.

DEEP WITHIN YOU (Into the Darkness Series Book 1) Published in PaperbackWhere stories live. Discover now