CHAPTER 24.2

1.9K 95 13
                                    


Sa gitna ng sigawan, iyakan at mga daing ay unti-unti namang hinihigit ni Athan ang sariling hininga. Kahit naghihingalo ay malinaw niyang narinig na dumating ang isang hukbo ng mga Mystical Vampire mula sa Romania upang tulungan sila. Alam din niyang nasa mga kamay na ni Draven ang Ragnor at sigurado na ang kanilang panalo sa labang ito.

In the middle of pain and death, he still managed to smile. Tagumpay sila ni Draven sa misyong iniatang sa kanila ng kanilang coven. Mamatay man siya ay alam niyang aalalahanin ng lahat ng Mystical Vampire ang kaniyang kabayanihan. Sayang nga lang at hindi na niya maisasakatuparan ang sariling misyon na iniatang naman sa kanya.

Ipinikit na ni Athan ang sariling mga mata upang payapang hintayin ang pagdating ng kamatayan nang maramdaman niyang may lumapit sa kanya.

Masuyong hinagpos ng bagong dating ang kanyang pisngi. Singlambot ng bulak ang palad nito. Nalalanghap din niya ang kakaiba nitong bango.

"I will not allow you to die, Vampire. I have waited for you for so long. Ang buong akala ko ay hindi ka na darating. Here, drink my blood. Bubuhayin ka ng aking dugo."

Parang musika sa mga pandinig ni Athan ang tinig kung kaya sinikap niyang buksan ang talukap ng kanyang mga mata ngunit hindi niya magawa. Maya-maya'y naramdaman niya ang pagpatak nang mainit na likido sa kanyang mga labi. Malinamnam ito kung kaya agad siyang nakaramdam ng gutom at uhaw. Pinilit niyang ibinuka ang bibig upang tuluyang pumasok ang likido sa loob ng kanyang lalamunan. Nakakailang lunok pa lang siya ay naramdaman niya agad ang unti-unting panunumbalik ng kanyang lakas.

Bahagya niyang idinilat ang mga mata. Sa nanlalabong paningin ay nakita niya ang isang magandang babae na nakatunghay sa kanya. Nakangiti ito habang nililipad ng hangin ang mahabang buhok.

"S-sino ka?"

Nakangiti pa ring tumugon ang babae. "Ang iyong misyon. Ang Zatara."

"I-ikaw?" Pinilit ni Athan na iangat ang isang kamay upang hawakan ang mukha ng babae ngunit bigla itong nawala.

Sa halip ay isang tinig ng lalaki ang narinig niya. "Ako ito, Athan. Si Propesor Duncan Dmitru. Salamat at buhay ka." Hawak siya ng propesor sa magkabilang balikat.

"Propesor Dmitru?" Napabalikwas siya. Nang tuluyang luminaw ang mga mata ay hinanap pa rin niya ang babae. "Nasaan siya?"

"Sino?"

"Ang magandang babae. Narito siya kanina. Pinainom niya ako ng kanyang dugo kung kaya bumalik ang aking lakas. Kanina lang ay halos malagutan na ako ng hininga."

"Walang ibang babae rito, Athan, maliban sa mga babaeng Mystical Vampire na nakikipaglaban. Peron ni isa sa kanila ay walang lumapit sa iyo."

"Narito siya. Alam kong narito siya."

"Sino?"

"Ang Zatara."

DEEP WITHIN YOU (Into the Darkness Series Book 1) Published in PaperbackМесто, где живут истории. Откройте их для себя