CHAPTER 22.1

3.5K 103 5
                                    

Nagising sa malalakas na katok sa pinto si Draven. Bago bumangon ay sinulyapan muna ang nahihimbing na si Arabella sa tabi niya. Napangiti siya nang makitang payapang natutulog ang dalaga.

Ang aburidong mukha ni Athan ang bumungad sa kanya pagbukas niya ng pinto.

"Ano'ng balita, Athan?" tanong niya habang nagmamadaling binabalutan ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan.

"Galing pala sa Romania ang bagong hukbo ng mga demonic vampire na dumating kagabi. At balita ko, may paparating pa."

"Anon'ng problema? Puwede rin tayong humingi ng tulong sa mga kalahi natin sa Romania. Ang totoo ay naghihintay lang ang aking lolo sa ating senyales," kalmado niyang tugon.

Lalong nagdilim ang anyo ni Athan. "Para ano? Para isubo rin sila sa kapahamakan? Hindi ba't nangako tayo sa kanilang lahat na tatapusin natin ang misyong ito na tayong dalawa lang?"

"I know. But that's because we didn't know that Braedan and other vampires would follow us here. Ang usapan ay hahanapin lang natin si Blackfire at ang Ragnor. Sino ba ang mag-aakalang pupunta rin dito ang mga animal na iyon?"

"Kahit na. Ang paghingi ng tulong sa ating mga kalahi ay tanda ng kahinaan. Isa pa, ayokong may ibang madamay dahil sa kapalpakan mo."

"Ano? Ano'ng kapalpakan ng sinasabi mo?"

"Look at that woman," sagot ni Athan sabay turo sa natutulog pa ring si Arabella. Noon lang naalala ni Draven na hindi pala niya naisara ang pinto ng kanyang silid. "We are already in danger but you still managed to bring that wench to bed."

Naniningkit ang mga matang ibinalik ni Draven ang mga mata kay Athan. "Do not insult her. I'm warning you."

"And why not?"

"I told you. Do not insult her."

"At ano ang gusto mong gawin ko? Hangaan ko siya? I know you, Draven. You are an adventurous sex maniac. Pero ang Arabella na iyan? Sino ba'ng matinong babae ang papayag na ikama siya ng isang lalaki habang ang sariling lolo niya ay nasa panganib?"

Biglang umigkas ang kanang kamao ni Draven diretso sa panga ni Athan. Humagis ang sa lakas ng impact. Mabilis na sinundan niya ito upang suntuking muli.

Dahan-dahang bumangon si Athan mula sa pagkakalugmok sa sahig. "Huwag mo siyang pagsalitaan nang masama dahil hindi mo siya kilala at wala kang alam." Sigaw niya habang nakatikom pa rin ang mga kamao. Nakahanda siya sa anumang gagawin ni Athan.

"At ano ang hindi ko alam, Draven?" tanong ni Athan habang pinapahid ng likod ng kamay ang dugo mula sa pumutok na labi. "Na mahal mo na siya? At siya naman ay ganoon din? Kaya ba balewala na sa iyo kung magtagumpay man tayo sa misyong ito o hindi? Na kahit hindi mo makuha ang Ragnor at marami ang mamatay sa lugar na ito ay ayos lang basta ligtas siya sa piling mo?"

"You don't know what you're talking about. Hindi sa lahat ng oras ay kaya mong basahin kung ano ang nasa isip ko."

"Pero kaya kong basahin ang mga ikinikilos mo. Dinala mo siya rito hindi dahil sa Ragnor kung hindi dahil sa gusto mong tiyakin ang kaligtasan niya."

"Nagkakamali ka. Gusto kong malaman mo na sa ating dalawa, hindi lang ikaw ang nag-iisip at nagpaplano. I won't bring her here kung hindi ako makikinabang."

"At nagawa mo na. You feasted on her the whole night. Siguro naman ay nagsawa ka na. Now, it's time for you to get the Ragnor. Kung paano mo iyon gagawin ay wala na akong pakialam. Ang importante ay mapasakamay mo ang espadang iyon bago pa dumating dito ang panibagong hukbo ng demonic vampire mula sa Romania, or else, mauubos ang lahat ng tao sa bansang ito."

DEEP WITHIN YOU (Into the Darkness Series Book 1) Published in PaperbackTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang