Chapte 1

41.4K 558 22
                                    


Michael

Huling kanta na niya ngayong gabi. Nakisabit lang naman siya sa tropa niya para kahit papaano makalimutan yung pag uusap nila Daddy. At medyo nahihilo na din siya kasi panay ang abot ng alak ng mga kaibigan niya.

Ano na lang sasabihin ng makakakita sa kanya? Na yung taga pagmana ng Green Chemicals eh andito sa maliit na bar sa Batangas at bigay todo sa pagkanta?

"Hey, I was doing just fine before I met you
I drink too much and that's an issue
But I'm OK
Hey, you tell your friends it was nice to meet them
But I hope I never see them
Again"

Napadako ang tingin sa babaeng nasa may gilid ng stage. Nakikisabay siya sa pagkanta habang umiindayog pa ang katawan niya. Lasing na siguro. Pero ewan sanay naman siyang makakita ng mga babaeng halos magwala na sa kalasingan pero hindi niya maaalis ang tingin niya dito.

"I know it breaks your heart
Moved to the city in a broke-down car
And four years, no calls
Now you're looking pretty in a hotel bar
And I, I, I, I, I can't stop
No, I, I, I, I, I can't stop"

Hindi niya alam pero wala sa sariling lumapit siya dito at ilahad ang kamay para samahan siya sa stage. At halos makalimutan niya ang lyrics ng kinakanta niya ng mapungay siya nitong tingnan habang matamis na ngiti ang ibinigay sa kanya.


"So, baby, pull me closer
In the back seat of your Rover
That I know you can't afford
Bite that tattoo on your shoulder
Pull the sheets right off the corner
Of that mattress that you stole
From your roommate back in Boulder

We ain't ever getting older

We ain't ever getting older
We ain't ever getting older


Inagaw nito sa kanya ang mic at yung chorus nga ay siya na ang kumanta. Hindi kagandahan ang boses nito at halata nga na medyo may tama na pero hindi yun naging dahilan para hindi lalo siyang pakatitigan. Ano bang nangyayari sa akin?


Wala sa sariling hinapit niya ang bewang nito para mapalapit lalo sa kanya para sabayan siya sa pagkanta. At ngumiti lang ito sa kanya. Hindi ko alam kung paano namin yung kanta pero naramdaman ko na lang na pababa na kami sa stage.

Ethan Michael ano bang nangyayari sayo? Parang hindi mga babae ang naghahabol sayo sa Manila para umasta kang teenager sa harap ng isang babae.





"Sorry.."



"Para saan?"



Umupo na ito at wala itong kasama sa table na yun. At base sa mga boteng walang laman sa lamesa malamang nga malalasing ito.


"Sa pagkanta dun. Ang panget panget ng boses ko."




"Hindi naman masyado"




Ngumiti ulit ito. Bakit ba lalo siyang gumaganda sa mga ngiting yun?


"Pasensya ka na. Sanay kasi ako na pag umiinum kasama yung mga katrabaho ko dati eh may videoke na kaharap tas pag lasing na mang aagaw ako ng mic. Alam na nila yun. Kaso nasa bar nga pala ako ngayon at nakakahiya ang ginawa ko"




"Ethan Michael nga pala"




Inilahad ko ang kamay ko at hindi naman ako napahiya kasi tinanggap nito agad yun.





" Bernadette"



"Mag isa ka lang?"



Inubos nito ang laman ng mug bago nito ako sagutin.



"Sanay naman akong mag isa"




"May hugot?"


Tumawa lang ito. Umupo na din siya sa tapat nito. Buti na lang pala huling kanta na niya yun kanina at malaya siya na samahan ito.




"May sasakyan ka?"


"Meron"



Tumayo ito at hinila ang kamay niya. Anong meron sa babaeng ito?





"Alam mo papuntang Pinamucan? Gusto kong lumangoy sa dagat"





Mukhang buong magdamag kong makakasama ang unang babaeng nagpatigil ng pagtibok ng puso ko.


Bernadette

Hindi niya alam kung anong pumasok sa utak niya at hinila niya si Michael. Oo nga at medyo nahihilo siya pero matino pa naman siya at kahit gaano kadaming mainum niya matino pa din siya pero yung mga titig niya kanina, yung paghawak sa bewang ko ay sapat na para mawala sa katinuan ang utak ko. At heto siya ngayon nasa sasakyan nito at tinatahak ang papuntang Pinamucan.



"Ituro mo na lang ang daan ahh. Hindi kasi ako pamilyar sa lugar na yun. Hanggang bayan lang ang alam ko dito."






"Pasensya na ulit." Nahihiya talaga siya kasi parang inabala na niya ito. Hindi naman kasi siya Uber na basta ko na lang sinet ang destination tas ihahatid niya ako. Oo kung uber man siya. Uber gwapo. Ano daw?






"Isa pang pasensya Dette hahalikan kita" Ngumiti lang itong bumaling sa kanya. "Tapos na ako doon sa bar kaya free ako na samahan ka."






"Ok.. pase.." Medyo natigilan siya na banggitin ulit yung salitang yun. Kahit parang ang sayang isipin na halik ang kapalit nun. Pasensya. Pasensya . Pasensya. Ang daming halik na sanang kapalit noon.






"Anong meron dagat at bigla mong gusto mong pumunta doon?"






"Baka may isda doon"




Napatawa na lang siya na parang pinipigilan nito na tumawa din. Anong meron sa lalaking ito? Oo nga at " Closer" yung kinanta namin kanina ano yun magic na bigla bigla na close agad kami? Paano kaya kung Versace On the Floor ang kinanta namin? Parang mas gusto ko ata ang kakalabasan noon. At medyo namumula siya na isipin ang mga bagay na yun na yung lalaking nagmamaneho ang makakasama niya.




"Tuwing umiinum kasi kami laging may videoke at swimming pool. Kaya medyo nasanay ako na pag medyo may tama na ako kailangan ko yung dalawang yun. Kaso first time ko na mag inum na mag isa. Kaya pasensya na sa abala"





Napatingin siya dito ng bigla nitong itigil ang sasakyan. Buti at gabi na at wala naman nga kaming kasunod. Pero mas mas lalong natigilan siya nung bigla siya nitong halikan. At hindi lang halik yun. Hindi lang simpleng halik yun. Yung halik na wala sa sariling tinugon ko.


Wala na uwian na. Ginalingan niya lalo at aanhin ko pa ang dagat kung yung pagkahilo na hatid ng alak ay hindi ko na nararamdaman? Mas nakakahilong pakiramdam ang hatid ng mga labi niya. At mukhang ngayon lang siya aamin na mukhang mawawala siya sa katinuan dahil sa tinamaan siya.






_casper_

UntitledWhere stories live. Discover now