Chapter 4

18.4K 397 41
                                    




Bernadette

First day ko ngayon as Process Engineer sa Green Chemicals Inc. Nakakatuwa na hindi sila tumitingin kung may lisensya ba o wala. Basta sabi sa akin ni Sir Michael basta ba maging loyal lang ako sa Company wala naman daw magiging problema. Kung loyalty lang naman ang pag uusapan wala namang problema sa akin. Five years akong nagtrabaho sa unang kumpanyang pinasukan ko. Wala naman akong balak umalis doon kaso nagsara sila dahil sa kadahilanang hindi na pinaalam sa amin.






At medyo nagulat ako na Michael ang pangalan ng nag interview sa akin. Medyo may hawig din kasi siya sa Michael na umangkin sa akin. At lahat ba ng Michael gwapo?






"Miss andyan ba si Sir Michael? Sabi kasi after orientation eh pumunta ako dito para sa kontrata? May idadagdag ata sila kasi problema ata yung laging nagreresign ang mga Engineer dito"






"Sige pasok ka na lang Engineer. Andyan siya sa loob"







Nakakatuwa ang ngiti nung secretary. Mukhang makakasundo ko siya. Sa palagay ko eh hindi naman nagkakalayo ang edad namin.





"Bernadette na lang. Hindi naman ako Engineer."







"Asus ganun na din yun. Mae nga pala. Sige punta ka na kay Sir."







Hindi naman siya kinakabahan kasi nakaharap na naman niya ito nung final interview. At nakakatuwa kasi parang hindi ito ang may ari ng kumpanya habang kausap ko siya.







"Sir Michael.. andito po ako para kontrata ko. May ipapabago daw ka... ikaw?!"






Medyo nagulat siya na ibang Michael yung nabalingan niya matapos isara ang pinto. Hindi yung Michael na nag interview sa kanya. Hindi yung Michael ba nagpapasok sa kanya sa kumpany kundi yung Michael na pinasok siya. Shet.







"Ikaw pala yung sinasabi ni Daddy na ininterview niya. At hindi ka ata niya tinama na Jace ang pangalan niya. Jace Michael kasi siya. Ako si Michael at siya si Jace."






Lalong hindi ko magawang kumilos ng lumapit ito sa kanya. Akala ko pagkatapos ng dalawang linggo makakalimutan ko na siya. Pero heto at palapit pa lang ito sa kanya ay bumibilis na ang tibok ng puso niya.






"Kamusta ka na Dette? Hinanap kita pero wala naman nakakilala sayo nung bumalik ako sa Bar"







"Ayos lang naman ako Sir Michael.."




Bahagya siyang lumayo dito. Akala ko kahit papaano may pagasa ako sa kanya. Hindi naman siguro masama na umasa ako. Shet sa kanya ko binigay ang virginity ko. Akala ko pwede kami. Parehas naman kami ng course. Parehas kaming mahilig mag inum. Kaso sobrang yaman nito. Ako kailangan ko agad maghanap ng trabaho para mabuhay ako.






Akmang hahawakan siya nito ng umatras lalo siya palayo dito. Hindi pwede to. Tama na hindi ako nabuntis nung may mangyari sa amin. Nakahanap agad ako ng trabaho. Mapagpapatuloy ko ang buhay ko. Oo medyo nasasaktan ako ngayon pero kakayanin ko.






"Ano po ba ang babaguhin niyo sa kontrata Sir Michael?"






Binigyang diin lalo niya ang pagkakasambit ng Sir para lalong iparating sa binata na ganun kalayo ang agwat niya sa akin. Hindi ako pwedeng umalis sa kumpanyang ito. Sa lahat ng inapplyan ko ito ang may pinakamagandang benefits. Bibihira lang naman niyang makakasalamuha ang binata kung sakali kasi sa doon siya abala sa Production Area. Hindi naman siguro ito mamalagi doon. Presidente siya ng kumpanya. Dito lang ito sa opisina niya. Ngayon lang niya ito makakaharap.









"Bakit parang balewala sayo na makaharap ako?"






Napaangat siya ng tingin dito kasi napakaseryoso ng boses nito. Oo pinangarap niya ulit makita ang mga mata nito pero hindi sa ganitong paraan na parang nasasaktan siya.








"Ganun lang ba para sayo ang nangyari?"






"Sir.."






Hindi na niya natapos ang sasabihin niya kasi bigla na lang siyang hinalikan nito. Shet. Parang binalik ng paraan ng paghalik niya ang lahat ng init na naramdaman niya nung gabing yun. Hindi niya mapigilan na tugunin pa ng mas maalab ang paghalik nito.





"Michael.."





Impit na ungol niya ng ibaba nito ang paghalik sa leeg niya. Tas bahagya itong tumigil at matiim na tumitig sa kanya.






"Dapat ganyan. Michael lang. Kasi pag narinig ko yang Sir mula sayo kahit nasaan pa tayo sa kumpanyang ito hahalikan kita talaga"






Marahan niya itong itinulak para mailayo ang sarili sa nanganganib na ulit na pagpapaubaya ng katawan niya. First Day ko pa lang sa trabaho pero anong ginagawa ko?




Tumalikod si Michael sa akin at may hinawakan na folder. Lumapit na ako dito kasi yun naman talaga ang pakay ko sa kanya. Yung kontrata.







"Tama nga pala si Daddy. Kailangang mahalin para hindi iwan"






"Ano?"



Medyo nagtataka lang siya na ang ganda ng ngiti nito. Siraulo ata to. Kanina ang seryoso tas ngayon kung makangiti akala mo walang pusong bumibilis ang tibok dahil sa mga ngiting yun.








"Wala yun." May inabot itong folder sa kanya ata agad naman niya itong kinuha. "Nasabi naman ni Dad di ba? Yung sa issue namin sa Loyalty ng mga empleyado. Kaya naisip ko taasan ang sahod at mas gandahan pa ang benefits para hindi niyo na maisip na umalis dito."





Binasa niya yung nakasaad sa kontrata. At tama nga na mas pinaganda pa lalo nila.





"13th to 20th month pay? 8 months na sahod ang ibibigay niyo sa november? Ang laki naman."






Ngumiti lang ito. Ewan kung sa sahod na yun ako natigilan o sa ngiti niya.




"Yup. Isa yan sa adjustment ko. At para sa mga bagong hire na katulad mo kung nangungupahan ka, may nakalaan na ang kumpanya na titirhan mo. Mas malapit dito at libre na"






"Seryoso?!"





Nakakagulat lang. Ang hiling lang niya ay magkatrabaho tas bibigyan siya ng ganito kagandang benepisyo.






"Sa ngayon ikaw pa lang ang unang libreng pabahay kasi itetest pa namin yung iba ng ilang buwan pa bago sila sabihan. Ok lang ba? If wala ka ng tanong. Pirmahan mo na yan at ipapadala ko na lang kay Mae mamaya sa HR."





Hindi niya mapigilan an ngumiti habang pinipirmahan ang mga yun.






"Welcome sa Green Chemicals Inc."





Inilahad nito ang kamay sa kanya na alinlangan pa niyang tinanggap.






"Salamat Si.. ahhm Michael. Sige po. Lalabas na ako"







Akmang tatalikod na siya pero pinigilan nito ang braso dahilan para mapaharap siya dito.








"Masaya ako na makita ka Dette"






Masaya din naman ako. Hindi na siya sumagot dito. Nagmamadali siyang lumabas kasi baka kung anong masabi niya. Trabaho ang kailangan ko. Hindi ang tatrabahuin ako.








_casper_

UntitledOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz