Chapter 34

9.3K 240 11
                                    






Bernadette






"Michael!"










Yung kakamulat ko pa lang ng mata tapos yung gwapo niyang mukha ang masisilayan ko? Sinong hindi magugulata doon? Napabalikwas tuloy ako ng bangon. Akala ko ba araw araw siyang umiinom? Eh bakit ang gwapo gwapo naman niya lalo ngayon? Ang linis ding tingnan? Parang hindi naman niya ako namiss sa itsura niya.








"Tara kain na tayo"








Nakangiting sabi ni Michael. Yung normal lang na tono ng boses. Yung walang halong galit o pagtatampo. Mas hindi ko tuloy alam ang ikikilos ko. Umuna siya sa akin ng labas sa kwarto. Ako naman ay dumiretso sa banyo para maghilamos at mabilis din na nagtoothbrush.






"Ano ng gagawin mo Dette?"





Hindi ko naman akalain na ngayong araw ko siya mismo makakaharap. Akala ko bukas o sa susunod na bukas pero hindi ngayon. Tapos yung inaasahan ko na galit at tampo wala akong nabanaag sa kanya. Pagdating ko sa kusina nakahain na. Nakatayo lang si Michael at hinihintay niya ako. Pagkalapit ko agad niya akong niyakap tas hinawakan ng mahigpit ang aking kamay. Iginiya na niya akong umupo. Mga paborito kong pagkain ang nasa lamesa. May cake pa doon. Parang fiesta lang.








"Bibitayin na ba ako?"







Hindi ko maiwasan na tanungin. Mukhang kanina pa niya ako nakita kasi napaghandaan na niya ang kakainin namin.








"Bibitayin talaga? Hindi ba pwedeng pa welcome party lang?"





Yung ngiti niya ganun pa din. Yung ngiting Villaluz na walang palyang magpabilis ng puso ko.




"Michael.."






Hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto kong ihingi ng tawad ang paglayo ko pero nauunahan ako ng takot at hiya. Tapos kung kumilos siya parang balewala lang yung ginawa ko.








"Kain muna tayo" Pinisil nito ang kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa. "Huwag kang kabahan. Hindi naman kita kakainin. At kung kakainin man kita magugustuhan mo naman yun"






Tas kinindatan pa niya ako. At alam ko na pulang pula ang mukha ko ngayon. Ang baliw lang talaga ng lalaking ito. Nilagyan niya ng pagkain ang pinggan ko. Asikasong asikaso niya ako. May pagkakataon pa nga na sinusubuan pa niya ako. Ang sweet lang niya. Feeling ko talaga bibitayin na ako maya. Yung mga paborito kong pagkain at ang kasweetan niya. Hindi ko namalayan na halos naubos naming dalawa yung pagkain. Sabagay nung lumayo ako hindi din naman ako masyadong kumakain. Siguro ganun din si Michael.








"Ngayon lang ako ulit nakakain ng ganito kadami at ganito kagana."








Ako din naman. Pero nahihiya pa din ako na makipag usap sa kanya.
Nagulat na lang ako ng buhatin niya ako at inilapag sa may sofa.







"Lilinisin ko lang ang pinagkainan natin. Babalikan kita Mahal"








Lalo akong naiiyak sa ikinilos niya. Parang pinamumukha niya na ito ang sinayang mo sa pag iwan mo sa akin. Kanina ko pa siya gustong yakapin. Miss na miss ko na siya pero nahihiya ako. Sobrang nahihiya ako. Hindi ko namalayan ang pagpatak ng luha ko. Yung kanina ko pang pinipigil na iyak ay kumawala na.






Naramdaman ko na lang ang pagyakap sa akin ni Michael. Mas lalo tuloy akong umiyak sa kanya.








"Sorry Michael.. alam ko na mali na iwan ka. Sorry talaga. Dapat magalit ka sa akin. Dapat sumbatan mo ako. Dapat saktan mo ako."







Umiyak lang ako ng umiyak sa kanya. Akala ko sa araw araw kong pag iyak noong nakaraan naubos na ang luha ko pero iba din talaga ang epekto sa akin ni Michael.









"Bakit kita sasaktan? Hindi ako nagalit sayo kahit kailan. Mas lamang kasi na namimiss kita kesa sa kung ano yung dapat kong maramdaman. At ngayon na andito ka hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon. Ng makita kita na natutulog. Naligo ako ng mabilis. Nag ahit at nagpagwapo para pag gising mo hindi naman nakakahiya ang itsura ko"









Hinaplos ko ang mukha niya. Bakas sa mga mata niya yung sinseridad ng nararamdaman nito.









"Itong gwapong mukhang ito? Ikakahiya mo?"







Patuloy pa din ang paghaplos sa mukha niya. Bakit ko nga ba nagawang iwanan ang lalaking ito? Pero ayaw ko ng isipin pa ang pagkakalamali na yun. Ang mahalaga andito na ako at magkasama kaming dalawa. Dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Nakatingin lang din siya sa akin. Ilang beses akong napalunok ng pagmasdan ko ang mga labi niya. Ang mapang akit na labi niya na miss na mis ko na din talaga. Pakiramdam ko nanginginig pa ang mga labi ko habang palapit sa labi niya. Parang first time ko lang na gagawin na halikan siya. Sa tagal na hindi ko siya nahahalikan parang ilang taon ang katumbas noon. Dahan dahan kong iginalaw ang labi ko ng tuluyang maglapit ang aming mga labi. Tinugon din naman niya ito ng dahan dahan lang din. Walang pagmamadali at tila ibinubuhos sa halik na yun ang pagkamiss namin sa isa't isa.







"Huwag mo na ulit akong iwanan huh?"







Sambit ni Michael ng maghiwalay ang aming labi. Tapos inangkin niya ulit ang mga labi ko ngayon eh mas mapang akin ito. Yung ramdam na ramdam na ang pagkasabik sa akin. Akala ko kung saan na makakarating yung halik na yun pero bigla siyang tumigil at niyakap na lang ako.







"Anong oras ka pala dumating?"






Tanong nito sa akin. Nakasandal na ako sa kanyang dibdib tas hawak hawak niya ang aking kamay.








"Maaga pa. Siguro mga 9 am. Tapos naglinis na ako ng buong bahay. Ang hindi lang ay yung kwarto ni baby"









"Kung nilinis mo yun makikita mo ako na tulog na tulog doon. Ayaw ko kasing matulog sa kwarto natin kasi mas lalo kitang namimiss. Kaya ang gulat ko ng makita ka. Ngali ngali ko ng gisingin ka agad. Kaso mukhang pagod na pagod ka. Kaya tiningnan na lang kita habang natutulog ka"







"Dapat ginising mo na lang ako. Nakakahiya"







"Anong nakakahiya? Hinding hindi ko pagsasawaan ang mukha mo mahal"







Yumakap na lang ako sa kanya. Siguro mas gusto din niya na ganito lang kami. Tamang usap at tamang yakap lang. Ayaw niya din muna sigurong pag usapan si baby. Ang mahalaga ngayon kaming dalawa muna. At yung pagmamahalan naming dalawa.







_casper_

UntitledWhere stories live. Discover now