Chapter 18

10.9K 261 22
                                    

Michael

Sa unit ko kami dumiretso. Sabi ko ipagluluto ko siya. Tutal wala naman din pasok bukas kaya kahit gabihin kami. At isa pa wala din naman akong balak siyang pauwiin. Sobrang namiss ko si Dette. Yung paglayo niya ay nagdulot ng sobrang takot sa akin. Parang hindi ko maisip na walang siya sa hinaharap ko. O may ibang magiging ina ang magiging anak ko.





"Naalala ko lang Michael" Nanunuod kasi siya habang nag chochop ako ng mga ingredients. Sinigang lang naman ang lulutuin ko. "Alam mo ba na nung huling andito ako at ibang body shot ang nangyari sa akin. Pagpasok ko sa company nakita ni Stephen na may kiss mark sa leeg ko"






"Talaga?" Hindi ko naman sinasadya na lagyan siya. Siguro nawala lang talaga ako sa sarili. Iyon naman kasi ang epekto ni Dette sa kanya. Nakakawala sa sarili. Nakakabaliw. Parang ang cute siguro niya sa markang yun.







"Yeah" Medyo namumula ito. Ang ganda talaga niya. Bakit kaya naisip pa nito na papalitan ko siya? "Nakakahiya kay Stephen. Buti siya lang nakakita. Tas tinawanan pa ako. Ayusin ko na daw agad kasi baka lalong mainggit sa akin ang iba pag nakita na may nilagay kang kissmark"







"Sorry baby" Lumapit ako sa kanya at magaan na niyakap ito. "Kahit hindi ko sinasadya na lagyan ka ng kissmark. Pero sayang sana nakita ko yun. Ang ganda mo lalo siguro."






"Baliw" Gumanti lang din ito ng yakap. "Ipapakita ko nga sana sayo. Kaso ayun iba yung naabutan ko. At sorry din kasi hinusgahan agad kita."







"Tapos na yun" Kinintalan ko siya ng halik sa labi. "Basta tandaan mo na wala naman akong balak palitan ka. Ikaw lang ang nakaapekto sa akin ng ganito. Wala na akong balak pakawalan ka pa. Magsawa ka sa akin"






"Parang hindi ko naman pagsasawaan ang ganyang kagwapuhan" Hinaplos nito ang mukha ko. Minsan lang niya ako sabihan ng ganyan kaya hindi ko maiwasan na mamula din ang mukha. Ganyan talaga epekto niya sa akin.







"Huwag mo akong bolahin ng ganyan. Baka hindi ako matapos sa niluluto ko."





Ngumiti lang siya sa akin. At bahagyang lumayo. Parang naiisip din niya na may punto ako. Sa ilang araw namin pagkakalayo miss na miss ko na siya. Pero ayaw kong madiliin siya. Gusto ko na ganito muna kami. Nag uusap. Nagkakalinawan.







" so girlfriend mo na ako? Wala na yung parang? Tayo na talaga?"





Hindi ko maiwasan na hindi mapangiti dahil yung ngiti ni Dette ay parang nakakaloko. Parang balak lang akong asarin. At parang may tinatago ding kilig sa pagtatanong niya. Mahal na mahal ko talaga siya. Kung hindi ko man alam dati kung ano ang pagmamahal masaya ako na nung maramdaman ko yun ay para sa babaeng kaharap ko.







"Kung gusto mo mas ilevel up natin?"






Lolokohin ko lang ang sarili ko kung hindi sumasagi sa isip ko na magpapakasal kami. Kung sa kasagsagan ng pag iwas niya sa akin ay nagkaharap kami hihilahin ko talaga siya para pwersahang magpakasal. Para maging malinawa sa kanya na yung parang tayo namin ay kasal na ang nasa isip ko.







"Paanong level up?"







"Yung dito ka na titira."





Hindi naman yun talaga ang sasabihin ko. Parang nakakatuwa lang na makita kung ano ang magiging reaction niya.








"Alam mo Michael. Literal na level up talaga yung sinasabi mo kasi mas mataas tong unit mo sa unit ko. Pero kung balak mong makipag live in lang? " Medyo seryoso nitong sabi. Ang cute niya talaga. "Ay uuwi na ako sa amin. Magreresign na ako"






"Kain na tayo"





Binalewala ko ang pagkaseryoso niya. Nag eenjoy pa ako sa mukha niya. Yung parang namumula mula. Hindi ko talaga pagsasawaan na pagmasdan ang itsura niya. Sa pagtagal ng pagtitig ko sa kanya ay mas lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya. Parang nagbibigay ng panibagong lakas sa akin kahit anong mood niya. Huwag nga lang ang pag iyak. Ikakamatay ko yun.







Tahimik lang kaming kumain. At seryoso pa din siya. Iniisip ba niya na hanggang live in lang? Baliw lang talaga ito. Matapos naming kumain ay iginiya ko siya sala at ako naman ay nilinis ang aming pinagkainan at naghugas na din.







"Kahit pag engaged na tayo?" Sabi ko nung tumabi ako sa kanya. "Ayaw mo pa din na tumira ka dito?"







"Hindi ko alam"






Medyo nagulat siya sa sinabi ko. Yung seryosong mukha niya kanina napalitan ng pagtataka.






"Gaano ba katagal ang gusto mong engagement period? One Month? One year?"





"Saan patungo ang usapan na to Ethan Michael Villaluz?"







"Sa kasal"




Hindi ko napigilan na hindi mapangiti sa reaction niya.




"Baliw.."





"Bakit? Hindi ka ba naniniwala?"





"Baka nabibigla ka lang. Imposible naman na pakasalan mo ako"







"Paanong nabibigla?" Medyo sumeryoso na ako. Nakakainis kasi yung reaction niya ngayon. Hindi na nakakatuwa. "Sabi ko hindi na kita papakawalan. At kasama na doon yung papakasalan kita."






"Michael.."





"Ayaw mo ng Live in. Fine!." Hindi ko na talaga mapigilan na pagtaasan siya ng boses "Pero yung ayaw mo din ng idea na magpakasal sa akin? Ano yun Dette? Hindi ka pa din ba naniniwala sa akin? Sa nararamdaman ko? Na mahal na mahal kita at wala akong naiisip ngayon kundi ang pakasalan ka"





"Pwedeng chill lang Michael?" Hinawakan nito ang kamay niya. "Naniniwala ako. Pero pwedeng hinay hinay lang? Ngayon lang tayo naging official girlfriend-boyfriend. Pwedeng enjoyin ko muna? Wala naman akong naiisip din na pakasalan kundi ikaw lang. Kaya pwede chill lang?"






Napangiti ako bigla. Binabaliw talaga ako ng babaeng ito kahit sa simpleng paraan.






"Sabi mo yan huh?"





Hinalikan ko siya sa labi. Mapag angkin na halik na wala siyang magagawa kundi tugunin yun. Yung halik na mararamdaman niya na angkin lang siya. At mahal na mahal ko siya.





"Topakin"






Hindi ko na mapigilan ang paghalakhak ko. Anong magagawa ko? Villaluz ako.








_casper_

UntitledWhere stories live. Discover now