Chapter 37

9.4K 222 7
                                    




Michael


Hindi ko alam kung ano bang nangyari. Maayos naman kanina. Sa bahay nina Mommy na kami kasi tumitira ngayon para may kasama kami  ni Dette. Nagkwekwentuhan lang kami kanina ng biglang sumakit ang tiyan ni Dette. Masyado pang maaga sa due date niya kaya hindi namin inaasahan  a manganganak siya  ngayon. Kinakabahan ako, parang yung kaba lang noong unang nangyari sa baby namin. Mas nakakakaba ngayon kasi pati buhay ni Dette nakasalalay. Hindi maganda ang lagay niya kanina bago ipasok sa delivery room. Hindi ko alam kung ganoon ba dapat pag nanganganak? Bakit parang wala ng malay si Dette kanina? Ayaw kong mag isip pero sobrang kinakabahan talaga ako.




"Iligstas niyo po ang mag ina ko"



Parang hindi ko kasi kakayanin pa kung mauulit yung dati. Nalalayo sa akin si Dette kung mawawala ang anak namin. Mas lalo hindi ko kakayanin na  mawala si Dette sa akin. Pero sobrang kinakabahan ako ngayon. Kung kabuwanan niya ngayon baka kontrolado ko pa ang kaba pero hindi pa siya dapat manganak  ngayon.




"Michael huwag kang masyadong mag isip dyan. Makakaligtas sila"





"Mom, hindi ko po kaya na mawala ang isa man sa kanila. "




Ang alam ko wala naman akong masamang ginawa sa buhay ko para parusahan ako  ng ganito. At lalong hindi dapat maranasan ni Dette ito. Madami  na siyang hirap na naranasan bilang anak sa ama nito pati ba naman maging nanay mahihirapan pa din siya? Hindi ko alam kung paano niya tatanggapin kung mawawalan na naman kami ng anak. Baka tuluyan na siyang hindi bumalik sa akin.





"Hindi yun mangyayari. Magiging ok ang lahat Michael. Magtiwala ka sa Kanya"




Ilang oras ang lumipas bago lumabas ang Doctor. Mas lalong nakakakaba na hindi ko mabasa sa mukha niya kung ano ba ang nangyari sa loob.






"Doktora kamusta ang mag ina ko?"



Halos pabulong na tanong na yun. Wala na akong lakas ngayon kahit ang magsalita pa.





"I'm sorry.."





Napakapit si Mommy sa akin. Parang dumilim ang paligid ko sa narinig ko. Kahit ano pa ang kinahihingi niya ng sorry parehas na mahalaga yun sa akin. Mag ina ko yun. Buhay ko ang nasa loob.






"I'm sorry kung natagalan kami. Pwede mo ng puntahan ang asawa mo. Ililipat na siya sa private room. Si Baby Boy Villaluz dinala na sa nursery pero sa incubator muna siya"





"Doc.. ok sila?"




Bigla akong napaupo. Parang nawalan ng lakas dahil sa halo halong emosyon na nararanasan ko ngayon.




"Oo naman Engr. Villaluz. Halata kasi sa mukha mo na alalang alala ka kaya nag sorry ako dahil natagalan kami."




"Sige Doc, Salamat."





Kahit naman gusto kong magwala dahil pinag alala niya ako ng sobra dahil sa sorry na yun wala na akong magagawa. Ang mahalaga maayos ang mag ina ko. Ano pa ba ang hihilingin ko? Yun lang naman ang gusto ko ang maligtas sila. Agad kong pinuntahan si Dette sa room na nilipatan niya. Wala pa din itong malay sabi ng nurse dahil daw sa tinurok dito. Hindi siya normal delivery. Matagal na naming alam yun na CS siya kasi dahil sa pwesto na din ni baby sa tiyan niya at dahil na din sa delikadong pagbubuntis nito. Sobrang nag alala lang talaga ako kanina kasi hindi pa nga niya due date. At kami dapat ang mamimili ng date kung kailan niya ipapabiyak ang tiyan niya. Pero sa biglaang nangyari kanina kaya ganito napaaga ang paglabas ni Baby.





"Tinakot mo ako mahal ko"




Buti nga nakapagmaneho pa ako ng maayos papunta sa hospital. Noong dinugo si Dette kanina at nawalan ng malay parang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko. Pero kailangan kong magpakatatag para sa kanilang dalawa. Kaya sobrang kabado talaga ako habang naghihintay  kanina at nakadagdag pa sa kaba yung nangyari noong nakaraan na nakunan si Dette. Nakakakaba na baka maulit nga.



"Mahal na mahal kita Dette"




Hindi ko talaga kahit kailan naisip na magmamahal ako ng ganito. Yung sobra sobra. Yung kaya kong balewalain lahat kung siya naman ang kapalit. Hindi ko sinasadya na mahalin ko siya pero ngayon nag uumapaw  na pagmamahal ang nararamdaman ko sa kanya. At sa buhay namin ngayon kasama ang anak  namin kumpleto na talaga ako.








_casper_

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon