Chapter 16

10.3K 248 2
                                    



Bernadette


Hindi ko binigyan ng pagkakataon si Michael na makausap ako. Nung uwian sumabay ako kay stephen para makauwi agad ako. Hindi ko siya pinagbuksan ng pinto ng ilang beses siyang nag door bell. Nalowbat ang cellphone ko ng hindi sinasagot ang tawag niya. Masyado pang masakit sa akin ang nangyari. OA na kung OA na hindi ko man kang siya pinagpaliwanag pero para saan? Kung yung relasyon nga namin hindi malinaw paano pa ang ibang bagay na magpapalabo pa lalo kung ano mang meron kami.








"Gabi gabi ka talagang iinom Bernadette?" Andito ulit kami sa bar ni Stephen. Si Michael kasi nasa business trip daw sabi ng mga katrabaho ko kaya hindi ko kailangang magtago sa unit ko. "Buti malinaw kay Sir Michael na magkaibigan tayo kundi mawawalan ako ng trabaho dahil ako lagi ang hinihila mo"







"Pwede ka namang umalis Kuya" Inisang inom ko ang bote ng beer na hawak ko "Kaya ko naman ang sarili ko. Saka sabi mo nga gabi gabi na di ba? Sanay na ako. Sanay na ang katawan ko na iinum tas papasok kinabukasan"









"Sa tingin mo ba iiwan kita dito? Pero ikaw lang uminom. Hindi ako sanay. Sasamahan lang kita"








"Salamat Kuya"






Halos ganun nga lagi. Magpapakalunod ako sa gabi sa alak tapos tuwing umaga magsusuka ako. At sa araw araw wala namang nangyayari. Pagkatapos ng sakit ulo hindi pa din mababawasan yung sakit na nararamdaman ko. Parang mas nadagdagan pa nga. Kasi paano kung kasama ni Michael yung babae? Paano kung yung "tayo" nilang dalawa mas malinaw nga kung anong meron kami.







Hindi naman masyadong masakit sana kung malinaw kung anong meron kami. Akala ko dati ok lang kung walang label. Na ok lang kung yung nararamdaman niya para sa akin ay hindi niya alam kung anong tawag. Akala ko ok lang lahat. Pero masakit lahat ng akalang yun. Napakasimple naman kung tutuusin ng problema namin. Kailangan lang naming mag usap. Pero kasi masakit talaga. Parang ang dami kong binigay para sa kanya. Parang ang dami kong sinugal para sa kanya. Kahit nung ipalam sa company ang dami kong dapat iconsider pero binalewala ko yun para sa kanya. Pero siya? Ano ba ang hinihiling ko lang? Kasiguraduhan lang naman. Yun lang. Ganun ba kahirap?






Kaya kahit ayaw kong pumasok sa company kailangan kong gawin para kahit papaano maging busy ako. Para kahit papaano hindi ko siya maisip.






"Bernadette, may meeting daw tayo mamaya. Lahat daw aattend. Dumating na pala si Sir Michael" Sabi ni Stephen. Medyo nag alala ang mukha nito.







"Aattend ako" Pinilit niyang ngumiti. "Ok lang ako Kuya"







Andito na pala siya. Halos one week din siyang nawala. Kailan pa siya bumalik? Bakit hindi siya pumunta sa unit ko? Baka napagod na din siyang mangulit. Baka naisip niya na hindi naman worth it ang effort niya kasi sino lang naman ba ako? Isang babaeng pumayag sa isang sitwasyon na pwedeng pwede niyang takasan kahit kailan.






Pumunta na siya may basketball court ng company. Doon lagi kasi ang meeting pag lahat ng empleyado kailangang umattend. Maglalagay lang sila ng mga upuan doon para sa mga empleyado. Sa may bandang likod sana siya uupo kaso bago pa man siya makapunta dun nahila na siya ng mga ka department niya at doon pa mismo sila sa pinaka unahan umupo. Madalas kasi walang tao doon. Takot kasi sila pag magtatanong na kaya walang naupo doon.








"Dito na tayo umupo. Para madali tayong makalabas mamaya"







Wala na siyang nagawa. Ayaw ko sanang pansinin kung sino ang mga nasa stage kaso hindi nakaligtas sa akin ang babaeng kasama ni Michael. Nakahawak pa ito sa braso ng binata. At nakangiti lang dito si Michael. Nakakangiti siya sa iba samantalang ako andito sobrang nasasaktan. Ang kapal ng mukha niya na maging masaya ng ganyan tas ako hirap na hirap na? Kung pwede nga lang magtatakbo para lisanin ang lugar na ito ginawa ko na. Pero kung tatakbo ako ngayon? Baka lagi na lang akong tumakbo sa tuwing makikita ko siya. Kaya kahit masakit kailangan kong tiisin ang sakit na nararamdaman ko. Kailangan kong magmukhang matapang. Kailangan kong kayanin ito kahit pa nga yung sakit na nararamdaman ko ngayon ay parang tuluyang wawasak sa puso ko. Ang sakit sakit lang.






_casper_

UntitledWhere stories live. Discover now