Chapter 21

9.6K 229 6
                                    


Bernadette

Nagising ako na nasa isang room na din ng Hospital. Siguro nung mahimatay ako kanina diretso admit na. Pero wala naman akong sakit. Siguro pagod lang ako. Siguro nastress lang.. Paano ko makakausap si Daddy? Paano ko sasabihin ang desisyon ko?





"Baby.."





"Anong ginagawa mo dito Michael?"





Hindi ko akalain na makikita ko siya dito. Paano niya nalaman na andito siya?






"Kanina pa kitang tinatawagan. Kapatid mo ang sumagot. Tapos sinabi niya na andito ka nga daw. Halos paliparin ko sasakyan ko ng sabihin niya na nawalan ka daw bigla ng malay. Sobrang nag alala ako." Hinaplos nito ang mukha niya. "Huwag mo na ulit akong tatakutin ng ganun"







"Ok na ako Michael." Umiwas siya ng tingin dito. "Pwede ka ng bumalik sa Manila."







"Pinapaalis mo agad ako?"





Halata sa boses niya yung sakit sa paraan ng pagsasalita niya. Pero ayaw kong bumigay sa ganun. May problema pa akong haharapin. At hindi makakatulong na andito ang  binata. Problema niya ito. Ako lang lulutas nito.






"Hindi makakatulong na andito ka. May problema pa ako kay Daddy. Hindi kita kailangan ngayon. Problema ko to."








"Akala ko ba boyfriend mo na ako? Bakit parang balewala na ako ngayon? Andito ako para sayo. Tutulong kahit anong problema mo. "






"Pero hindi ka makakatulong. Problema ko lang ito. May desisyon akong kailangang gawin. At makakagulo ka lang sa isipin ko"








"Ganun na lang? Basta basta na lang na balewala ako? May balak ka bang iwan ako? Layuan ako? Kasali ba yun sa magiging desisyon mo? Para malutas ang problema mo dapat wala ako? Sabihin mo na lang ng diretso sa akin. Ayaw ko namang ipagsiksikan sarili ko sayo kung ayaw mo na talaga. Kasi masakit"







Hindi ko na magawang magsalita pa. Kasi pag gagawin ko yun alam ko na iiyak lang ako. Tama nga ba na si Michael ang layuan ko? Magiging masaya nga ba ako? Pero kailangan ko ng magdesisyon agad kasi baka mahuli na para magkaayos pa kami ni Daddy.







"Mahal na mahal kita Dette.."




Medyo garalgal ang  boses ni Michael. Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko. Mahal na mahal ko din naman siya pero paano?






"At hinding hindi ako papayag na basta mo na lang ako iwan. Kasi ang problema mo ay problema ko din. Hindi ako aalis." hindi ko pa din siya magawang tingnan. Baka kasi bigla ko siyang mahila para halikan. Ayaw ko din naman na ganito. Na nasasaktan siya. Parang dobleng sakit din para sa akin. "Kaya pagsasawaan mo muna mukha ko. Kasi wala akong planong basta basta ka na lang pakawalan. Kasi nung sinabi ko na mahal kita. Pangmatagalan na ang plano ko sa ating dalawa"







"Michael.."





Inayos niya ang pwesto niya para madali sa kanya na yakapin ang binata.





"Paano kung wala akong  choice kundi magpakasal sa iba?"





Medyo natigilan ito sa ginagawang paghagod sa likod niya. Yung ihiwalay niya ang katawan ko sa kanya kitang kita yung pagbalatay ng sakit sa mukha nito.






"Hindi ako nasasaktan doon sa posibleng mangyari yun." Lumayo ito sa kanya na para bang kahit ang paghawak sa akin ay parang nasasaktan na din siya. "Alam mo kung anong mas masakit? Yung may option ka pang pinagpilian. Kasi kung naniniwala ka sa atin. Ako lang ang iisipin mo. Na ako lang papakasalan mo. Hindi pwede yung wala kang choice kundi magpakasal sa iba walang ganun dapat kasi meron ako sa buhay mo. Ano yun may choice ka din na hindi ako pakasalan? Dapat hindi di ba? Kasi dapat ako lang sa simula"





Hindi niya na napigilan ng lumabas ito sa silid na yun. Akala ko kanina kaya ko. Kaso sa pag iwan niya sa akin ngayon lang. Alam ko na dapat kung ano ang magiging desisyon ko.






_casper_

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon