Chapter 31

8.9K 206 11
                                    



Michael






"Kuya pinapatawag ka ni Daddy. At pwede bang ayusin mo ang sarili mo?"









Ilang araw na din akong umiinom. Nagpapakalunod sa alak simula ng iwan ako ni Dette. Hindi ko naman siya sinisisi. Sinabi ko na yun sa kanya na huwag din niyang sisihi ang kanyang sarili. Nagkaproblema kasi sa pagbubuntis niya at hindi nailigtas si Baby ilang araw lang na nagpalakas siya sa hospital pagkatapos iniwan na niya ako. Ilang araw lang matapos ng aming kasal yun. Imposible talagang mailigtas si baby kasi 6 months pa lang siya. Ang aking Xenon Michael. Ni hindi pa nga ako nakakarecover sa pagkawala ng aming anak tapos iniwan naman ako ng aking asawa.








"Paano ko aayusin ang sarili ko? Kung yung taong kukumpleto sa akin ay iniwan ako."







"Mahahanap mo pa naman siya Kuya. Nasaktan lang si Ate kaya lumayo muna siya."








Naiintindihan ko naman siya na mas masakit sa kanya yung pagkawala ni Baby. Pero bakit kailangan niyang lumayo at solohin yung lahat ng sakit na yun? Andito naman ako. Mag asawa na kami. Hindi ko naman siya pinakasalan dahil lang sa buntis siya. Pinakasalan ko siya dahil mahal ko siya. At siya lang ang naiisip ko na makakasama ko hanggang sa pagtanda ko. Magkaanak man kami o hindi. Pero ngayon wala akong idea kung saan ko siya hahanapin. Napuntahan ko na yung bahay ng ama niya baka sakaling bumalik siya doon pero wala. Muntik lang kaming magkagulo ng ama niya.






"Mahal na mahal ko siya Neon. Hindi ko kailanman naisip na magmamahal ako ng ganito. Pero wala nahulog ako at ngayon hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin na wala siya sa buhay ko"









"Ginagawa naman natin lahat para mahanap siya. Bigyan mo lang siya ng panahon para gamutin muna niya ang kanyang sarili. Baka lalo lang kayong magkasakitan dahil parehas kayong nasasaktan. Mahal ka niya Kuya. Sabi mo nga mag asawa na kayo. Babalik at babalik siya sayo"









"Sana kayanin ko pa"







Sa ilang araw din na nakalipas si Daddy ang namamahala ng company. Hindi ko kasi kakayanin na patakbuhin yun kung ang buhay ko nga ay hindi ko din alam kung saan tutungo. Mahirap nga pala pag masyado mong iniasa ang kaligayahan mo sa iba. Ngayon ramdam na ramdam ko ang pagkawala niya.








Naligo lang ako ng mabilis at inihatid ako ni Neon sa bahay nina Mommy. Malungkot din sila kasi unang apo ang nawala sa kanila. Pero kahit kailan hindi sumagi sa isip nila na sisihin man lang ang asawa ko. Kaya nabigla din sila sa biglaang pagkawala ni Dette.






Agad akong niyakap ni Mommy ng makita ako. Bakas sa mukha niya ang kalungkutan sa kanya. Napalapit na din sa kanya si Dette. Ganito sa epekto sa amin ni Dette. Hindi namin namalayan na sobra namin siyang minahal.








"Babalik si Dette anak. Naniniwala ako na babalik siya. Mas topakin pala siya sayo anak."








Napatawa na lang ako kay Mommy. Para sa pamilya ng mga topakin hindi ko akalain na mas may itotopak pa pala sa amin. Kaya hindi namin inaasahan ang biglaang desisyon ni Dette. Hindi naisip ng topakin naming pag iisip ang iniisip niya. Gusto ko ding maniwala na babalik siya. Yun na lang kasi ang panghahawakan ko. Yung pagmamahal niya sa akin.







"Kailangan niyang bumalik Mommy. Kailangan ko siya"








_casper_

UntitledWhere stories live. Discover now