Chapter 32

8.3K 204 9
                                    

Bernadette






Tama nga sila na hindi natin hawak ang mangyayari sa atin. Masaya ka ngayon tas biglang magiging malungkot ka. Akala ko pangmatagalan na yung kasayahan namin ni Michael. Halos kakasal lang namin. Nagleave pa silang dalawa para daw may honeymoon pa kami. Na tinawanan ko lang siya kasi ang laki laki na ng tiyan ko tas honeymoon pa ang nasa isip niya? Pero parang excuse lang njya yun kay Daddy Jace para magleave kasi halos nasa bahay lang naman kami at nagkukulitan. Masyado naming fineel yung pagiging bagong kasal namin. Akala ko pag stress lang magdedelikado si baby? Ang saya saya naman noon pero sa isang biglaang sakit ng tiyan ko hindi na nailigtas si Xenon. Hindi ko na masyadong naintindihan ang paliwanag ng doctor. Sabi niya mahina daw talaga ang heartbeat ni baby. Wala na silang nagawa. Wala na din akong nagawa kahit halos araw araw kong iiyak pa ang nangyari.








Naging pabaya ba ako? Dapat nga siguro nakinig ako kay Michael ng ayaw na niya akong pagtrabahuin. Dapat sinunod ko yung mga sinabi ng doctor sa mga vitamins at gatas na iinumin ko araw araw. Minsan din akong napaupo bigla habang naliligo ako. Sumakit ang balakang ko noon pero hindi ko inabala na sabihin kay Michael yun. Sa tingin ko nakaapekto talaga yun kay baby. Ang hirap na hindi ko alam ang mga bawal at hindi sa akin. Dapat pala hindi muna kami nagsolo ni Michael sa bahay. Dapat doon muna kami sa kanila para makapagtanong ako kay Mommy Nyah ng mga gagawin. Dapat nasabi ko agad na minsang napaupo ako. Pero binalewala ko kasi wala namang dugo noon. Ang daming dapat na ginawa ko pero huli na ang lahat. Wala na ang anak ko. Nakakapanghinayang lang para sa parte ni Michael kasi naikasal siya sa akin tapos wala na naman yung baby na siyang dahilan kung bakit niya ako pinakasalan.








Halos dalawang linggo na din simula ng lumayo ako sa kanila. At hindi lumilipas ang araw at gabi na hindi ako umiiyak. Yung sakit na nararamdaman ko parang hindi naman nababawasan. Ang hirap. Ilang buwan na lang kung tutuusin. Mahahawakan ko na siya. Ilang buwan na lang makikita ko na sana kung gaano gwapo ang bunga ng pagmamahalan namin ni Michael. Pero nawala lahat. Ni hindi ko nga alam kung kaya ko pang magpatuloy dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Hindi pa man ako ina pero napatunayan ko na agad na napakawalang kwenta kong ina dahil napabayaan ko siya.








"Anak patawarin mo ako. Mahal na mahal na kita"








Hindi ko mapigilan na haplusin ang tiyan ko kung saan dating nakaumbok. At hindi ko mapigilan na lalong mapaiyak pag naaalala ko na madalas hinahawakan yun din ni Michael bago kami matulog. Madalas kinakausap niya ang anak namin. Sobrang mahal niya ito. Kaya hindi ko pa kayang humarap sa kanya kasi alam ko na nasasaktan pa siya ngayon.









"Neon bakit napatawag ka?"






Si Neon ang naghatid sa akin sa Terminal ng bus. Nakita niya kasi ako na paalis noon sa hospital. Pero sa halip na pigilan hindi niya ako tinanong basta hinatid niya ako. Bago ako bumaba noon sabi niya wala daw siyang sasabihin sa Kuya niya basta daw huwag ko daw masyadong tagalan ang paglayo ko. Siya lang din ang tinawagan ko gamit ang bago kong sim para sabihin na ok naman ako sa tinitirhan ko. Na huwag silang masyadong mag alala kasi kailangan ko lang naman ng panahon para makalimutan ang lahat ng sakit. Simula noon parang naging textmate kami ni Neon. Maswerte ako kasi hindi niya ako hinusgahan sa desisyon ko.









(Ate matatagalan ka pa ba diyan? Kawawa na si Kuya. Araw araw ng nag iinum. Iniuwi ko muna siya sa bahay nina Mommy para may magbantay sa kanya."










"Konting panahon pa Neon. Pakialagan na lang muna si Michael. Maraming salamat"









Simula ng umalis ako wala naman akong naging problema sa pera. Yung ibang naglalayas ihohold ang mga bank account para maisipang bumalik agad pero nung umalis ako agad na nagtransfer si Michael ng pera sa account ko. Sobrang laki niya na kahit bahay mabibili ko. Siguro iniisip niya para hindi ko mapabayaan ang sarili ko. Hindi na niya inisip na pwede kong gamitin yun para lumayo ng tuluyan talaga. Pero kilala ako ni Michael alam niya na hindi ko siya matitiis. Kaya kahit buong yaman pa niya ang ibigay niya sa akin alam niya na babalik at babalik ako sa kanya.





Kailangan ko lang alisin yung sakit sa sistema ko para pwede ko siyang harapin at mahalin ng buong buo. Yung matitingnan ko siya na hindi ako nagsisisi sa mga nangyayari. Babalik ako pag mas mangingibabaw na yung masaya kami dahil sa pagmamahalan namin kesa sa ngayon na parehas kaming nasasaktan. Hindi ko pa kayang magmahal ng ganito kasi ang sakit sakit lang.








_casper_

UntitledTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang