Chapter 20

10.4K 220 12
                                    

Bernadette



"Dad.." Halos kakaalis lang ni Michael sa unit ko ng tawagan ko ng kapatid ko. Sinugod daw nila si Daddy sa hospital. Kaya kahit gabi na ay bumyahe siya pabalik sa Batangas. Buti at sa bayan mismo ang hospital na pinagdalhan nila sa aking ama. Kung sa bahay kasi wala siyang sasakyan pauwi. Ala sais ng hapon ang last trip pauwi sa amin. At matagal na din siyang hindi umuuwi. Simula ng grumaduate siya at nagkasagutan sila nito ay hindi na siya tumira sa bahay.








"Bakit ka nandito? Para masiguro na patay na ako?"




Seryosong sabi ng ama niya. Akala ko sa loob ng limang taon huhupa ang galit nito. Hindi pa din pala. Hindi ako nakakuha ng board exam kasi umalis na ako sa poder niya pagkagraduate. Hindi din mahalaga dito kung magkakalisensya ako o hindi. Mas importante dito ang pagpapakasal ko sa anak ng kanyang kumpare. Na nagkataon din na mayor ng lugar namin.







"Dad kayo lang ang galit sa akin. Ama ko pa din kayo at nag aalala ako. Buti tumawag si Bryan sa akin."






Dalawa lang silang magkapatid. Simula ng maging maayos an trabaho niya hindi siya pumapalya sa pagpapadala kay Bryan para sa pag aaral nito. O pang gastos nito sa ibang bagay na hindi binibigay ni Daddy. Kahit pa sabihin na nabigo ako bilang maging mabuting anak kahit papaano gusto kong maging mabuting kapatid para sa kanya. At alam ko na hirap siyang pakisamahan si Daddy. Masyadong naging alipin si Daddy ng pera. Hindi sapat dito yung negosyo nila mas magiging ok sa kanya kung makakasal ako sa isang mayaman at makapangyarihan para maprotektahan ang mga negosyo niya.







"Hindi na kita anak simula ng umalis ka Bernadette" Akala ko yung sakit sa loob ng mga panahon na umalis ako medyo masasanay na ako. Pero iba pa din pala pag harap harapang sinabi sa akin yun. Yung pagtatakwil sa akin. "Alam mong isa lang ang paraan para tanggapin kita ulit. Magpakasal ka sa anak ni kumpadre"







Biglang naisip niya si Michael. Kung papayag siya sa gusto ng ama niya mawawala sa kanya ang binata. Magagalit ito sa kanya. Parang hindi niya kakayanin. Parang ang hirap namang mamili sa dalawang lalaking mahalaga sa akin. Akala ko ok na lahat sa amin ni Michael tapos biglang ganito. Mukhang hindi ata kami para sa isa't isa.







"May boyfriend na po ako Dad"





"Malandi kang babae ka! Lumayas ka!"





Hindi ko inaasahan ang pagsigaw niya. At mas lalong hindi ko inaasahan ang paghabol nito ng hinga habang hawak hawak ang dibdib nito. Agad kong tinawag ang nurse para asikasuhin si Daddy. Parang hindi ko pa din pala siya matitiis. Yung takot na nararamdaman ko ngayon hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ama ko pa din siya kahit limang taon na wala kaming pansinan. Kahit literal nga na kinalimutan nito na may anak siyang babae.




Sobrang halaga ba talaga dito ang magpakasal ako sa anak ng kumpare niya? Sobrang halaga ba noon at nagawa niya akong tawaging malandi? At magagawang palayasin ulit? Lumabas ako sa kwarto ni Dad na hindi ko alam ang gagawin ko. Gulong gulo ang isip ko.





Ano ba ang pipiliin ko? Ang lalaking nagbigay ng buhay sa akin? O ang lalaking nagbibigay kulay sa buhay ko ngayon? Hindi ko na alam ang iisipin ko. Hanggang sa nakaramdam ako ng pagkahilo at biglang dilim ng paligid ko.





_casper_

UntitledWhere stories live. Discover now