Chapter 2

27.2K 460 40
                                    





Bernadette


"Seryoso ka talaga na liligo ka?"





Hindi niya alam kung paano ito sasagutin. O kung makakatingin pa siya dito. Matapos ng maghalikan sila kanina hindi pa din niya alam kung saan hahagilapin ang katinuan niya. O kung paano ba pipigilan ang bilis ng tibok ng puso niya. Ngayon lang nangyari yun. Yung magpaubaya siya.






"Nakaligo na naman ako dito dati. Oo medyo mabato siya pero malinis naman dito"







Buti walang tao din ngayon. O dahil anong oras na ba?








"Pero ang daming mga factory tayong nadaanan. Hindi ba madumi ang dagat dito?"


Nanatili siyang malayo dito. Nakaharap lang siya sa dagat. Ayaw niyang tingnan ito. Ayaw niyang makita ang mga labi nito na umangkin sa labi niya kanina.



"Kaya nga may tinatawag na Waste Water Treatment di ba? Bago nila itapon yun eh pasok na sa criteria ng DENR yung metal content at color niya"







"So Chemical Engineer ka din?"





Medyo nagulat siya ng nasa harap na niya ito at seryosong nakatingin sa kanya. Chemical Engineer din? So Engineer siya. Kaya pala.






"Chemical Engineering graduate, So Engineer ka?"




Lagi niyang itinatama yun. Ayaw lang niya na may masabi ang iba. At saka hindi naman ako karapat dapat sa apat na letrang yun sa unahan ng pangalan ko. Kasalan ko kung bakit wala akong lisensya ngayon. Kasalanan ko kung bakit nahihirapan akong maghanap ng trabaho matapos magsara ang kumpanyang pinagtrabahuan ko ng halos limang taon.






" Hindi ba halata?"




Tas ngumiti ito. Yung ngiting alam lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko.





"Hindi naman."




Mas mapapagkamalan siyang artista o model sa itsura niya. Pero parang ang cute din isipin na naka lab coat siya tas seryosong seryoso.






"Tara na maligo"





At bigla na lang itong naghubad ng suot nito at tanging boxer short lang ang itinira. Sabi na nga ba mas bagay na model ito kesa sa Engineer. Pero parang mas bagay siya sa akin? Medyo napangiti siya sa naisip niya.






"Nakakatuwa ba yung katawan ko para ngumiti ka ng pagkakatamis tamis Dette?"





Yung mukha niya sobrang lapit lang talaga. At seryosong seryoso siya.




"Hubad"





"Ano?!"





Medyo napaatras talaga siya sa sinabi nito. Hubad? As in hubad talaga? Grabe.






"Hahaha ang cute mo. Alangan naman na yan ang suot mo pag naligo? Mababasa ang sasakyan ko niyan mamaya."






"Talikod"





Oo nga at may boxer din siya na suot. Pero yung idea na maghuhubad ako ng paunti unti sa harap ay parang lalong nag init ang mukha niya.






"Tara na"






At hinawakan nito ang kamay niya. Nung lumapat ang paa niya sa may dagat parang nagsisi siya na yakagin ito na maligo. Malamig. Pero balewala lang ito sa lalaki, patuloy lang ito hanggang sa may bewang ko na yung tubig. Doon lang ito tumigil sa paglalakad.





UntitledWhere stories live. Discover now